Grace’s POV
Agad kaming nagtungong mga babae sa Female’s section ng banyo. Pagbukas namin sa main door nito, nakita ko ang dugong umaagos mula sa isang cubicle, dali-dali ko iyong binuksan.
Tumambad sa amin ang bangkay ni Marie na nakaupo’t nakayuko, nang hawakan ko ang kaniyang buhok pataas upang makita ang kaniyang mukha, nagulat ako nang biglang sumama ang buong ulo niya. Nabitawan ko ito at biglang gumulong, nawawala ang isa sa mga mata nito, ang kaniyang tainga’y nawawala rin!
Nagtilian kami’t humagulgol. Paano niya nagawang gawin ito kay Marie? Napakabrutal!
“Hanggang dito ba naman?” A ni Lester, saka sinipa hinimas ang kaniyang sentido.
“Anong tinutunga-tunganga niyo riyan? Kung sanang umaksyon kayong agad kanina, e ‘di hindi na nangyari sa kaibigan namin ‘to!” Bulyaw ni Martha sa mga taong nanonood lamang.
“Excuse po? Pwede po bang tulungan ninyo kami rito? Paki-tawag naman po ‘yong mga pulis, o ‘di kaya’y ang mga staff.” Usal ni Beatrice sa mga taong nasa paligid namin.
May nakita akong babaeng kinukuhanan pa ng video ang mga eksena rito.
“Mawalang galang na ho, pwede po bang paki-baba ‘yang recorder na hawak niyo? Salamat.” Bakas sa boses ni Bella ang matinding pagtitimpi, subalit walang naging tugon ang babae sa kaniyang pakiusap.
“Ibababa mo ‘yang phone mo, o ako mismo ang magpapalipad diyan?” Buong diing pahayag ni Bella. Nakita ko naman ang pagyuko ng babae, kasabay nito ay ang pagbaba ng recorder.
Maya-maya pa’y dumating na ang mga pulis at matataas na staff ng cinema house na ito.
Geez, bakit umabot sa ganitong punto ang killer? Papaano ang reputasyon ng aming eskwelahan? Papaano ang aming mga dangal at pangalan?
* * *
Kinabukasan, agad kaming kumilos para maagang makarating sa BEA. Sabay-sabay na kaming nag-almusal, as usal, wala pa ring gaanong usal ang mga babae.
“Guys, tara na. Baka ma-late tayo. Officers tayo, remember? Dapat, tayo ‘yong nagpapalakas sa mga natitira nating kaklase.” Panghihikayat ni Beatrice. Sabay-sabay na kaming bumaba para mag-almusal.
Nang kunin ko na ang bag ko, nagulat ako nang bigla itong hablutin ni Lester.
“Ako na ang magdadala ng bag mo, Grace. I insist, tutal future boyfriend mo na rin naman ako.” Sabi niya, at saka bahagyang natawa.
“Alright, if you say so.” Nagkibit-balikat na lamang ako. Wala ako sa tamang wisyo ngayon, para bang lutang na lutang ako dahil sa mga nangyari sa sinehan.
* * *
Nang makarating kami sa underground ng BEA, agad ipinarada ng family-driver nila Lester ang sasakyan.
Habang kami’y naglalakad, sinusundan na naman kami ng mga mapanghusgang tingin ng mga mag-aaral. Ang iba’y nagbubulungan, gumagawa ng sariling kuwento, at ang iba nama’y lumalayo habang nakatitig sa amin nang masama.
* * *
Pagkarating namin sa silid-aralan, isang napakaingay na lugar ang aming nadatnan, ngunit nagbago ang timpla ng mga mukha nila nang makita nila ang aming mga imahe.
Wala na talagang pagbabago’t progreso sa aming eskwelahan.
“Bakit ganiyan kayo makatingin sa amin? Mayroon ba kaming nagawa?” Tanong ni Lester sa aming mga kamag-aral.
“E-eto, oh. Panoorin ninyo.” A ni Alexa, at ibinigay naman ang cellphone niya sa amin.
Agad iyong kinuha ni Lester. Nagulat ako nang makita ko ang isang pamilyar na eksena. Nangyari ito kahapon sa Comfort Room ng sinehan. Geez, ‘yong babaeng ‘yon ang naglabas ng video na ito.
“Sira na nga ang pangalan natin, mas lalo pang nasira ito ngayon.” Napa-buntong hininga kaming lahat sa sinabi ni Angelo.
* * *
Habang naglalakad kami papunta sa Cafeteria, nariyan na naman ang mga tingin nila. Nakakasawa, hindi na nagtanda ang mga estudyante rito.
Umupo na kaming mga babae sa napili naming lugar, iyong mga lalaki naman ay bumili ng makakain namin.
Nagtaka ako nang may isang hindi pamilyar na babae ang umupo sa harapan ko, gayo’n din naman ang aking mga kasamahan.
“With all due respect, Miss. Mayroon nang nakaupo riyan.” Mahinahon kong pagpapaliwanang sa kaniya.
Wala itong naging tugon. Bagkus, tinaasan lamang ako nito ng kilay. This girl, mayroon siyang tinatagong attitude. I could sense negativity.
“So, who cares? Okay lang, tutal dito rin naman nakaupo ang future boyfriend ko, ‘di ba?” Ngumisi pa ito. Halatang si Lester ang tinutukoy niya.
“Oh, really, Miss? Ngayon lang ako na-inform na future boyfriend mo pala ang boyfriend ko. Great.” Buong diin kong sambit.
“Hihi. Grace, boyfriend mo na si Lester?” Pasimpleng bulong sa ‘kin ni Seatiel habang nakangiti sa babae.
Dahil sa pinaggagawa ng babaeng ito, napukaw ang atensyon ng halos lahat ng mga estudyante, pati na rin ang mga lalaking paparating.
“B*tch, I don’t like you!” Sigaw niya sa akin, dinuro pa ‘ko nito. Gusto niya nga si Lester, halata naman sa mga ikinikilos niya.
“Neither do I. Sa susunod, huwag kang pumapel. Lester is mine, okay?” Sabi ko sa kaniya, agad naman itong naglakad palayo, habang masama ang titig sa amin.
Bigla namang sumulpot si Lester sa harapan ko at hinawakan ang aking kamay.
“T-totoo ba ‘yon, Grace? Sinasagot mo na ba ‘ko?” Oh, I knew it. Iyan nga ang itatanong niya sa ‘kin.
Tumango na lamang ako bilang pag-sang ayon. Bigla namang lumapad ang ngiting naroroon sa labi ni Lester.
Habang kami’y nag-aasaran at nagtatawanan, mayroong isang babae ang lumapit sa puwesto namin. Isang babaeng matangkad, maputi, at maganda.
“Sa kabila ng mga nangyayari sa inyo, nagagawa niyo pa ring maging masaya.” Saad niya. Walang ekspresyong makikita sa kaniyang mukha.
“Do we know you?” Wika ni Martha.
“No. That’s why I’m here to introduce myself, right?” Nginitian nito sa Martha, ngunit halatang mayroong halong pagka-irita iyon.
“I am a Third Year student in Secondary Level.” Maikli nitong pagpapakilala sa kaniyang sarili. Parang pamilyar ang itsura niya.
“Eonnie, kakampi niyo ‘ko. Kilala ko ang killer.” Bulong nito sa akin, at saka ako nginitian.
Tumango naman ako’t tinapik ko siya sa balikat. Aalis na sana ito, ngunit agad ko siyang pinigilan.
“Ano’ng pangalan mo?” Mahinahon kong pagtatanong sa kaniya.
“My name is Jade. Nice to meet you, Ate Grace.” Binigay na naman nito ang matamid niyang ngiti, bago tuluyang umalis.
“Ano’ng ibinulong niya sa ‘yo, Grace?” Bakas sa mukha ng aking mga kasama ang matinding pagtataka.
“Something confidential, guys.” Bahagya akong ngumisi.
“Sige na naman, oh, Jagiya. Sabihin mo na sa akin ‘yong sinabi niya.” Ginawa na naman nito ang pagpo-pout. Hindi gagana iyan sa ganitong sitwasyon.
“Pasensya na, Lester, pero hindi ko pa masasabi sa inyo ang isang malaking sikreto.” Wika ko. Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman nila ang katotohanan.
###

BINABASA MO ANG
The Death Section : 10-D
Misterio / Suspenso[COMPLETED] "Almost Perfect" nga kung maituturing ang mga estudyanteng napabibilang sa 10-D, ngunit ang mismong seksyon? Sa hindi mawaring kadahilanan, ang mga buhay ay isa-isang naglalaho. Sino nga ba ang nagkukubli sa likod ng mapaglarong maskara...