SH23
Dumating ang order namin at pareho kaming walang imik ni Silver. Hindi na siya muling sumagot sa mga sinabi ko sa kanya. Maybe he is weighing in things. He shall consider my proposition because it is the only possible solution to our problem.
Hindi nagtagal ay kumalma din ako. Maybe it's the food or the relaxing ambiance of the restaurant. Ang daming inorder ni Silver. Shrimp, squid, crabs, and etc. As usual, I acted like a hungry pig again at mas lalong umusbong ang takaw ko nang makitang may calamansi juice na naserve.
After eating, pakiramdam ko ay hindi na ako makatayo. I ate a lot and I am so sure that by next week, my weight will triple compared to my weight now. Dahil sa dami ng nakain ko, nagpahinga muna kami ni Silver sa restaurant ng ilang minutes bago napagpasyahan na bumalik sa hotel.
As usual, we acted cold towards each other again. Hanggang sa pagsakay namin sa bus. My hair immediately flew so he volunteered to hold it again. Hindi na ako umangal kasi ayuko makipag usap sakanya.
Pagdating namin sa hotel, deretso na akong naglakad papunta sa room ko. I was about to open it when I realized that Silver has the key. Buti nalang at nasa likod ko siya at siya na ang nagbukas nong pinto.
"May pupuntahan lang ako. Babalik din ako mamaya." Biglang sabi niya nang umupo ako sa kama. I saw the remote control and turned on the TV. I pretended to watch para di ko na siya makausap. "Stay here."
Tumango lang ako at tinitigan parin ang MTV na pinapalabas. A new MV from a Filipino Popstar. I focused on watching pero di nagtagal, nagring ang phone ko. It was Earl kaya sinagot ko naman.
Nagkamustahan lang kami ni Earl. I told him na nasundan ako ni Silver dito dahil sinabi sakanya ng mga parents namin. Earl told me na tinatawagan daw niya ako palagi pero hindi ko nasasagot.
"Iniiwan ko ang Phone ko. Lagi kasing tumatawag si Mamu eh." Sagot ko habang hinihinaan yung volume ng TV
"Alam mo naman na hindi mo matatakasan ang mga magulang mo Violet." he answered on the other line
"I'll still try Earl. Kaya nga sinabi ko na kay Silver na mag iibang bansa ako pagbalik namin jan."
"What? Sinabi mo na kay Silver? What did he say?" Halata ang gulat sa tono niya.
"Nothing." I shrugged as if he would see it.
"Anong nothing?" tanong niya
"Nothing as in wala." Napatawa pa ako sa sagot ko. "Tutulongan mo naman ako diba? You said you can recommend me to a fashion school in Sweden."
"I'll still try Violet." He sighed. "Pwede ka namang hindi na umalis. What if you tell your parents na iba ang ama ng anak mo?"
"They will still pursue our marriage Earl. Kakaiba mag isip ang mga magulang namin."
"If you say so... So kailan mo balak bumalik dito?"
"The day after tomorrow I guess. Mag eenjoy ako dito bukas tapos uuwi ako the next day." Pagkasabi ko non ay biglang bumukas ang pinto. It was Silver who entered. Napairap nalang ako. Not because he has my keys it does mean he can enter without knocking. I just ignored him. May mga dala nanaman siyang supot na hindi ko alam ang laman.
"May ticket ka na ba?" tanong ni Earl.
"Wala pa. I'll buy later online or baka sa airport na ako bumili." The airport is just two to three municipalities away.
"Sino yan? Is that Tita Mandy?" Nagulat ako ng makitang nakaupo si Silver sa tabi ko. He's too close na halos mapatalon ako sa gulat.
"Is he there?" I heard Earl again on the other line.
"Yup. I'll call you later nalang. Okay?" I still ignored Silver kahit hindi ko maipaliwanag ang biglang pagwawala ng puso ko. Maybe because he was too close.
"Okay. Bye, take care there Violet."
"I will." And I ended the call. Lumingon ako kay Silver na nakatingin parin sa akin. I moved a bit para mapalayo ako sakanya. Why does he need to sit next to me that close?
"Sino yun?" He asked again.
"Si Earl." I coldly answered. Kinuha ko ulit yung remote at pinalakas ang volume ng TV. This is awkward.
"Why did he call you?" Nahimigan ko nanaman yung galit o inis sa boses niya. What's his problem again? Iniiwas ko na nga ang sarili ko sakanya. I am giving him what he wants. I am trying to move on and stop loving him tapos galit parin siya saakin?
"Wala lang." I shrugged. Naramdaman kong umusog siya at lumapit ulit saakin. Naririnig ko ang malalalim niyang paghinga sa sobra niyang paglapit.
"What do you mean 'wala lang'? Diba sinabi ko sayong pinagseselosan ko 'yon?" Pagalit niya paring sabi. Napakunot naman ang noo ko at lumingon sa kanya. Napaatras pa ako ng kunti dahil sa sobrang lapit niya.
"And so?" I remembered him telling me those when he still had an amnesia. Pero ngayon nakaalala na siya, wala nang katutoran yung sinabi niyang yun. He was not the Silver who told me those.
"Then you should cut ties with him." he said with finality. Nakaramdam nanaman ako ng inis. Inis sa sarili ko dahil aasa nanaman ako. Silver is just naturally protective, what he said does not mean anything Violet. Wag ka nanamang magpakatanga.
"He's my friend Silver. Hindi mo naman siya pinagseselosan ngayon dahil wala ka namang gusto saakin diba?" Umismid ako. I know I sounded bitter but truth be told, I am bitter.
Mas lalong bumilis ang paghinga niya at mas lalo din niyang dinikit ang sarili saakin. What's the matter with Silver now? Naiinis ako sa mga ginagalaw niya. Can he stop giving me false hopes? Alam niya simula pa lang na gusto ko siya and from the beginning, he should not have let my hopes high. Kaya ako nahulog sakanya dati pa dahil lagi niya akong pinapaasa sa mga galaw niya.
"Just don't talk to him anymore." He said through gritted teeth and clenched fist.
"Pati ba naman pakikipag kaibigan sa ibang tao, ipagkakait mo saakin Silver? I know you don't want me around you but that does not mean na ayaw din saakin ng ibang tao. They are all not like you." Tumayo na ako. I hate the proximity between us. I hate what he is acting now. I hate him and I hate myself!
"You don't get my point Violet." Tumayo na rin siya at hinawakan ako sa kaliwang braso para mapaharap ako sakanya.
"Then what's your point Silver? I don't even see the point on why are we arguing about this thing!" Pasigaw kong tanong sakanya. Nakatingala ako sa kanya at sinalubong ang matatalim niyang tingin.
"I already told you! Pinagseselosan ko siya that's why I don't want you to talk to him anymore!"
Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko kung ano ang ibig sabihin ni Silver. He can't be jealous right? Hindi niya ako mahal. Hindi niya ako gusto. Ayaw niya saakin kaya hindi siya dapat magselos.
My right hand immediately flew to his left cheek. Yung luha kong pinipigilan ko kanina pa ay tumulo na. Can he just cooperate with me? Hindi madaling ipilit sa sarili na hindi ka mahal ng taong mahal mo. I gave all my best for me to realize those things tapos aasa nanaman ako? I cannot fall for him over and over again and crush myself with more pain than before.
"Tangina! Gustong gusto mo talagang sinasaktan ako ha? Putanginang paasa ka pa eh!" I covered my face with my palms to cover my tears.
"Watch your mouth Violet!" Saway niya saakin. Humagulgol nalang ako sa pag iyak.
"Can't you just cooperate? I am trying to make things easy between us Silver. Umiiwas na ako oh. All you have to do is just let me be. Stop giving me false hopes kung hindi mo din naman ako kayang mahalin pabalik."

BINABASA MO ANG
Silver Hearts (Completed)
General FictionSynopsis: "If you're torn between memories and feelings, what will you choose?" -- that was the question Silver has been struggling to answer. One day, he just woke up being told that he was inlove with his bestfriend. But how? He doesn't remember b...