Salamat sa lahat ng umabot dito. 😊 Napakaraming salamat sa sumubaybay kahit tatlong taon 'tong sinulat. 😂✌
Epilogue
Nagising ako sa pagiyak ng isa sa kambal kaya bumangon na ako agad at pinuntahan ang kanilang kwarto bago pa magising si Violet. I know she's tired from taking care of them the whole day that's why I want to take the responsibility of waking up at midnights for the children.
Nadatnan ko si Francesca na umiiyak habang ang kakambal naman niyang si Francesco ay himbing na himbing sa pagtulog. Napangiti ako habang kinukuha sa kanyang crib si Francesca. She usually wakes up at midnight just to cry and wake up us. Nagmana talaga ito sa nanay niyang napakaiyakin.
Last three months, Violet gave birth to a twin. Lalaki at babae. She said she wanted to give birth abroad specifically Paris but her OB Gyn didn't allow her to travel, especially that she's giving birth anytime. Sinumpong nanaman kasi siya ng topak nang panahon na 'yon at hindi matanggap na sa Pilipinas lang siya manganak. Gusto din kasi niyang doon kami ikasal pero hindi ako pumayag. I want a marriage here in the Philippines to make sure that no divorce can separate us apart.
That's the reason why the twin's name refers to Paris, because she wanted to. Francesca Paris and Francesco Paris.
Hinawakan ko sa aking bisig si Francesca at mahinang hinele kaya hindi nagtagal ay nakatulog din ito. Maingat ko siyang binalik sa kanyang crib. Tiningnan ko muna silang dalawa nang ilang minuto bago ko napagdesisyonan bumalik sa room namin.
Nadatnan ko si Violet na nakaupo sa kama at hawak hawak ang cellphone ko. Kahit medyo madilim dahil tanging ilaw mula sa lampshade ang nagsisilbing liwanag sa kwarto, nakita ko parin ang pagkunot ng noo niya.
"What's the problem, Baby?" Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Gulong gulo pa ang buhok niya pero hindi ko 'yon pinansin at hinalikan ko ang noo niya.
"Someone keeps on calling you, Silver! Sabihin mo saakin, may babae ka ba?" Pinakita niya saakin ang screen ng cellphone ko at may isang new number ang nasa call log. Habang pinapakita niya saakin 'yon ay tumunog ulit ang phone ko dahil tumatawag ito.
Tumawa ako ng mahina saka hinalikan ang tungki ng ilong niya. Gustong gusto kong ginagawa yon dahil agad siyang namumula.
"Dalawa kayong babae ko," Kinuha ko ang cellphone na hawak hawak niya habang ang noo niya ay unti unting nangungunot ulit. "Ikaw at si. Francesca kaya 'wag mo na pagselosan ang anak mo." Hinalikan ko ulit ang ilong niya.
Sinagot ko ang tawag at nilagay ito sa loudspeaker. Whomever is calling, it's surely important. Halos madaling araw na kaya baka emergency ito.
"H-hello... Kuya? Kuya? Si Goldie 'to."
Napatingin ako kay Violet at nakitang napalitan ang pangungunot ng kanyang noo ng expresyon ng pagkagulat.
"Goldie..." I sighed. Sigurado akong problema nanaman ang hatid ng batang 'to. Noong highschool palang siya, napatawag siya saakin ng hating gabi dahil ibinangga niya ang sasakyan ni Dad na sa oras na 'yon ay itinakas lang niya. "What did you do this time?"
"Ehhh. Kuya, can you fetch me? Please. I am so dead! Dad will kill me." She is almost squealing at the other line. This spoiled brat sister! Kahit kailan talaga, sakit siya sa ulo.
"Where the hell are you? Madaling araw na! Bakit di ka pa umuuwi?" I know my question's still nonsense. Kailan ba umuwi sa matinong oras ang kapatid ko?
"Save me the sermon, Kuya, please. Uhm... I am actually in..."
"In where Goldie?" Pagalit na ang boses ko. Naramdaman ko ang mahinahong paghaplos ni Violet sa braso ko. Tiningnan ko siya at nginitian niya ako. Kahit papaano ay nabawasan ang init ng ulo ko sa kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Silver Hearts (Completed)
Narrativa generaleSynopsis: "If you're torn between memories and feelings, what will you choose?" -- that was the question Silver has been struggling to answer. One day, he just woke up being told that he was inlove with his bestfriend. But how? He doesn't remember b...
