Prologue

3.2K 50 1
                                        

Prologue

"Sino ka?"

Napasinghap ako nang itanong niya saakin ang katanongan na yun. Sino nga ba ako para sakanya? Ano nga ba ako para sakanya?

Kahit mabigat ang pakiramdam ko sa mga binti ko ay pinilit ko paring humakbang para mapalapit sakanyang hospital bed. Bakas sa mukha nya ang mga di pa naghihilom na sugat mula sa pagka aksidente nya bago bago lang.

Huminga ako ng malalim habang deretso siyang tiningnan sa mata. Kakayanin ko bang magsinungaling sakanya? Ang sabi nila, ito ang tama. Pero tama nga ba to kung alam kong balang araw ay ikagagalit niya saakin to. Na ikakamuhi saakin lalo ni Silver Tejano, ang taong mahal ko.

"Ako to Silver, si Violet..." napapikit ako. Sa kahulihulihan, tinatanong ko parin ang sarili ko. Kaya ko nga ba?

"Fiancée mo.." Sana di ako magsisi sa sinabi at desisyon kong to.

"If you were torn between memories and feelings, what will you choose?"

***

Date started: June 17, 2013
Date completed: August 19, 2016

Silver Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon