SH26
I did not enjoy the banana boat that much. Paano nga ba? Everytime it will go a bit faster, pinapagalitan agad ni Silver yong nagd-drive nong jetski na humihila sa boat. I got frustrated kaya noong bumaba kami ay nakasimangot ulit ako habang nakatanaw sa dagat at nakaupo sa buhangin. Ni hindi ko nga naramdamang nabasa ako!
"Did you enjoy?" May gana pa siyang tanongin ako noon? That ride was the most boring and lame ride ever. Mas mabilis pa ata 'yong pagong gumalaw kaysa saamin nong oras na yon.
"Alam mo na ang sagot jan." I rolled my eyes at the same time. Ngumiwi ako at napag pasyahang maglangoy. Maraming tao dahil tanghaling tapat at ayaw kong makipagsiksikan sakanila pero wala akong choice. I don't own the whole resort.
Tumayo na ako saka hinubad ulit yung hanging shirt ko. Nasuot ko kasi agad kanina pagkahubad ko ng life vest dahil ipinagpilitan ni Silver. Ibaba ko na rin sana 'yong denim shorts ko ng hawakan ni Silver ang braso ko.
"What the hell are you doing?" Singhal niya saakin. Gusto ko mag enjoy. Gusto kong magsaya sa dagat ngayon pero lahat hinahadlangan ni Silver. Lahat nalang ng bagay galit siya. Lahat bawal. This is getting into my nerves.
"I am going to swim Silver!" Pagalit ko nang sagot. "I want to enjoy the sea, pati ba naman yon, bawal?"
"You can swim without getting naked!" Kinuha niya yong hanging shirt ko na nakalapag sa buhangin saka pinasuot saakin. What the hell? Huwag niyang sabihing palalangoyin niya ako ng suot yon?
"Are you nuts? Alangan lumangoy ako na suot to?" Huhubarin ko na sana ulit yung hanging shirt ko pero agad niyang hinawakan ang kamay ko.
"Not with this people Violet." Umiling iling pa siya at pumikit na parang ang sama ng gagawin kong paglangoy.
"Alangan namang paalisin ko sila lahat dahil gusto ko magswimming ng nakabikini? That is absurd Silver. Infact, this is normal. Ano ba ang kinakagalit mo?"
Hindi siya sumagot. Tumitig lang siya saakin na parang may mali sa sinabi ko. Now what? Don't tell me he will ruin my day again?
Umirap ako nang hindi na siya umimik. I acted to remove my hanging shirt but he's faster to stop me again.
"Do you really want to swim?" Napairap ako sa sinabi niya. No, I want to just stare at the sea and imagine you drowning in it! Gusto kong isigaw sa kanya pero kinalma ko ang sarili ko. Tumango nalang ako bilang sagot.
Kinuha niya ang kamay ko at pinagsiklop sa kamay niya. Nagulat ako sa inakto niya. He held my hand like we're couples. Is he insane? Hindi na ulit siya umimik at nagsimulang maglakad kaya napasama ako. I was stunned by his sudden act kaya natameme ako.
"I will let you swim but not here." 'Yon lang ang sabi niya saka ako hinila palabas ng resort.
Nasa highway ulit kami at dumadaan ang maraming sasakyan. Pumara siya ng sikad at pinasakay niya ako nang di parin binibitawan ang kamay ko. Napapatitig nalang ako doon nang hindi makapaniwala.
"Sa Lasang po." Yun lang ang binanggit niya sa driver at tumango naman ang huli.
"Where is that place?" Napatanong ako kay Silver. Bakit parang maalam ata siya sa lugar na 'to? As far as I remember, it's his first time here, just like me.
"Land and sea scape nila dito. I researched about places here Violet. Pwedeng doon ka maligo." Napakunot ang noo ko. Ano naman ang pinagkaiba doon sa dagat sa resort?
After minutes of traveling, dumating din kami sa sinabi ni Silver. Pagbaba namin ay tumambad saamin ang isang malaking gate na may nakasulat na "INITAO-LIBERTAD LAND SCAPE AND SEA SCAPE" Is this some tourist spot here? I don't know. Mukhang alam naman ni Silver ang pinupuntahan niya kaya hinayaan ko nalang.
BINABASA MO ANG
Silver Hearts (Completed)
Художественная прозаSynopsis: "If you're torn between memories and feelings, what will you choose?" -- that was the question Silver has been struggling to answer. One day, he just woke up being told that he was inlove with his bestfriend. But how? He doesn't remember b...