SH24

1.7K 39 3
                                    

SH24

Umiyak lang ako sa harap ni Silver. Hindi na rin siya muling nagsalita. I think he felt that I don't want to talk to him. Humiga nalang ako sa kama nong mapagod ako sa kakatayo. I immediately buried my face to the pillow. Umupo naman si Silver sa dulo ng kama not uttering any words.

Di nagtagal, lumabas siya ng kwarto. Dapat lang so he could give me the peace that I wanted. Kaya nga ako pumunta dito para magbakasyon para makahinga sa lahat ng problema tapos heto, umiiyak nanaman ako dahil sa paulit ulit na dahilan.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kakaiyak. Nagising akong mahapdi ang mata ko pero pinilit ko parin bumangon kasi naiihi na talaga ako. Pagkalabas ko ng CR, nakita ko yung cellophane na bitbit kanina ni Silver. Lumapit ako doon saka binuksan at agad ako naglaway nang makitang hilaw na mangga ang laman nito.

Kumuha ako ng isa at inamoy ito. How could I eat this? Wala akong dalang kutsilyo o lalagyan.  May nakita pa akong bagoong na nakacellophane din. Ugh! This is so frustrating. Paano ko to babalatan?

Biglang sumagi sa isip ko si Nay Teri. Manghihiram nalang ako sa kanya ng plato at kutsilyo. Agad akong tumayo para lumabas nang mapansin kong soot ko parin yung polo ni Silver. I immediately took it off at lumapit sa cabinet para kumuha ng jacket.

Paglabas ko ng hotel room ko ay nakita ko si Silver na nakatayo at nakahilig sa railings. Paglabas mo kasi ng pinto ay sa labas na view na agad ang makikita mo. Doon ko napansin na gabi na pala dahil madilim na sa paligid. Nilingon ako ni Silver saka tinitigan bago bumaba ang tingin niya sa hawak kong supot ng mangga.

"Where are you going?" Tanong niya habang binalik ang tingin saakin. Napansin kong magulo ang buhok niya at nakakunot ang noo. Bigla kong naalala yung sagotan namin kanina.

"Kakain ng mangga." Umiwas ako ng tingin saka nagsimulang maglakad. Hindi pa ako nakakalagpas sa kanya eh hinawakan na niya yung kamay kong nakahawak sa cellophane.

"Hindi ka pa nakakain ng dinner." He held my wrist kaya lumingon ako sa kanya.

"Magdidinner na rin ako." I tried to remove my hand from his grasp pero humigpit pa lalo.

"Okay." He sighed. "Just wait for me, I will get my wallet."

Pumasok siya sa room niya kaya nagsimula na akong maglakad. Di nagtagal ay nakasunod na siya saakin nung pababa na ako ng hagdan. I saw him holding his room's key and mine. Nang makarating kami sa lobby ay iniwan niya to sa front desk.

"Nagpareserve na ako ng table sa restaurant sa labas." tumango nalang ako. Problema ko talaga kung paano ko kakainin tong mangga.

Dumating kami sa restaurant at pumunta na doon sa pinareserve niyang table. Nilapag ko naman ang mangga kaya tiningnan niya ito.

"I bought knife and plates. Nasa hotel ngayon." Napaismid ako sa sinabi niya. Pinahirapan ko pa ang sarili ko eh may nabili na pala siya.

"Sana sinabi mo. Hindi yung para akong tangang dala dala yan." Napairap na ako.

He sighed. Naiinis na siguro siya sa pagtataray ko. "Okay, ako ang magdadala niyan mamaya."

Hindi na ako umimik. Lumapit ang waiter saka tinanong ang orders namin. Lumi nalang ang inorder ko dahil hindi ako masyadong gutom. Ang dami pa ng kinain ko nung lunch.

Silver did the opposite though. Ang dami ng inorder niya. Hinayaan ko nalang siya, hindi naman ako ang kakain.

"Uuwi ako sa sunod na araw." I just said. Dapat lang siguro na malaman niya para maaware siyang pwede na siyang maunang umuwi.

"I've already booked our tickets." Napairap ulit ako. Okay, he knows. Narinig niya sa usapan namin kanina ni Earl.

"What are your plans for tomorrow?" He suddenly asked when I remained mum.

Silver Hearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon