SH33
Hindi na muling nakapagsalita si Papa. I badly want to talk to him, convince and explain everything to him. Nahimigan ko ang disappointment sa tono niya nang malaman niyang buntis ako. He said he will rest and immediately went upstairs na sinundan naman ni Mamu.
Later on, bumaba si Mamu, at nadatnan kaming naguusap usap. Silver held me in his arms while Tita Kath and Tito Shin bombarded us with questions. Parang hindi nila alintana ang problema dahil excited pa sila sa pinagbubuntis ko.
Mamu smiled when she faced us. I know she isn't pressured too about my Papa's reaction pero ako, kinakabahan talaga ako. I want to talk to my father and clear everything's out.
"Tumawag ka pagdating nyo sa condo ha? And don't forget your milk! Wag ka masyado mag iinom ng calamansi juice at baka masobrahan ka." Paalala ni Mamu nang paalis na kami ni Silver. Nauna nang umuwi sila Tita Kath, habang kami, nag antay muna nang kaunti dahil gusto kong kausapin si Papa. Nang isang oras nang hindi siya bumababa, pinilit kami ni Mamu na umuwi na.
"Mamu," I gave Mamu a pleading look. "Si Papa."
"Ako na ang bahala sa Papa mo. Kunting lambing lang at bibigay din 'yon. Palipasin muna natin ang init ng ulo niya. Alam mo na anak, mapride 'yon." Sagot ni Mamu.
"Pero Mamu-"
"Don't worry, Violet, ako na ang bahala. Hindi sayo galit 'yon."
Ilang pamimilit pa ang ginawa ni Mamu para lang mapauwi ako. I felt bad about my Papa's feeling. Parang gusto kong maiyak na ewan.
"Are you really bothered about Tito Nate?" Tanong ni Silver nang nasa kwarto na kami. We were lying in the bed and were about to sleep. Nakaunan ako sa braso nya at yakap yakap ang dibdib niya. Hindi ako makatulog dahil kay Papa.
I slowly nodded my head. "Buong buhay ko, ngayon lang ako napagalitan ni Papa ng ganito. Minsanan lang kasi siya magalit tapos agad din nawawala."
"You want me to talk to him?" Silver kissed my forehead as he asked that question.
"I want us to talk to him and personally ask him his blessings. Alam ko naman na nakapagusap na kayo dati pero iba ang kaso ngayon." I replied.
"But you're bothered now. Ako ang may kasalanan nito at saakin siya galit. I should talk to him as soon as possible."
"No! It's also partly my fault. Dapat tayong dalawa ang makipag usap sa kanya."
Silver just heaved a sigh after my answet. He just mumbled 'okay' then we went silent until we fell asleep.
The days went on at iisa nalang palagi ang routine namin, late ako magigising and as usual, Silver will prepare the food. Pagkatapos namin kumain, magbibihis na siya para sa trabaho in which he is late as always.
"You should have waken me up early. Nal-late ka tuloy araw araw sa trabaho dahil saakin. Hindi ka narin dapat masyadong nag aabala sa pagluto ng breakfast ko, kaya ko rin naman." I told him as I help him wear his clothes.
"I don't want to wake you up when you're peacefully sleeping," he cupped my face and kissed me at the tip of my nose. Araw araw na rin niya yan ginagawa saakin. Nahihiligan na nya ata halikan ang tungki ng ilong ko. "And I want to take care of you and the Baby kaya hayaan mo na ako. It is what makes me happy."
Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. I think I blushed so I just smiled as a response.
"Wag ka na pumunta sa trabaho okay? Let your manager handle everything para 'di ka na nas-stress." I nodded at his statement. Napag usapan na rin kasi namin na hindi na muna ako magtatrabaho sa boutique ko at ang newly hired managers nalang daw ang bahala at si Silver. He will make time to supervise it from time to time.
When he already left, naligo na ako at nagligpit ng higaan. I felt like I will die of boredom kung wala akong gagawin kaya naglinis ako ng pinagkainan namin kanina at pati ang buong kusina. I even rearranged all the groceries. Iilang araw nalang din kasi akong natutulog o nag iinternet lang. Naaliw lang ako noong minsang bumisita si Mamu at Tita Kath dito sa condo ni Silver.
Nilinis ko rin ang living room. I don't usually do this things kasi lagi namang may housekeeper kaming hina-hire pero talagang bagot na bagot na ako.
After the living room, sa mga gamit ko nanaman ako nagdesisyon maglinis. I haven't packed and arranged my things since I arrived here. Nakalagay parin sa maleta ko at kunti lang ang nagalaw kaya napagdesisyonan kong ilagay yun sa closet.
I pulled out all my clothes and placed it in the closet neatly. Malaki pa naman ang space ng closet ni Silver kaya nagkasya. Mas malaki pa nga ata ang naoccupy kong space kaysa sa mga gamit niya.
When I am done with my things, tiningnan ko ang mga gamit ni Silver. An idea flashed in my mind kaya agad kong kinuha ang basket at isa isang nilagay ang mga damit niyang nagamit na.
I am planning to do the laundry. May washing machine at dryer naman si Silver so it would probably be easy.
Sa pagkuha ko ng mga gamit niya, may napansin akong brown envelope na nakasuksok sa pinakadulo ng closet niya. I got curious so I took it out.
It was a long brown envelope at may nakalagay na puting sticker sa dulong itaas nito. I slowly read what's written on it at agad nanlaki ang mata ko.
Clinic nong pamilya ng step-sister ni Tita Kath ang nakalagay. I knew it because Tita Kath once recommended me to his real father's clinic. Hindi kasi siya totoong anak ng kinalakihan niyang magulang kaya nagkaroon sila Silver ng step-cousins.
Dahil curious talaga ako, binuksan ko na ang envelope. I saw pages of papers in it at nabasa ko nanaman ang pangalan nong clinic sa heading nong mga papel.
But it is not what caught me off guard. Ang laman ng bawat pahina ng papel ang dahilan kung bakit unti unting namuo ang luha sa mata ko at agad akong nanginig.
It was a paternity test. Paternity test of Scarlet's unborn child. Gusto ko maiyak dahil pangalan ni Silver ang nakalagay na nagpatest na ama. I know I should be happy dahil negative ang result noon pero nasasaktan nanaman ako.
I knew it. I knew Silver would always hope for Scarlet. That even if Scarlet was engaged, he still has his hope and desire for her. Siya ang mahal nito at hindi ako. I am his second option dahil nabuntis ako. He will not do anything that he is doing now if I am not carrying his child.
Nanginginig akong binalik ang envelope sa kinalalagyan nito. I left the basket with his clothes at umiyak nalang ako sa gilid nito.
Alam ko naman talaga na mali ang umasa at maniwala. This is what I am talking about. Hindi talaga ako mahal ni Silver. Si Scarlet ang gusto niya. He would always hope that he is the father of her child and he will give the world just to make that happen.
Ilang minuto din akong umiyak sa gilid ng closet. When I got tired, I decided to climb in the bed. I felt so tired and exhausted again. Dagdag pa ang buong magdamag kong paglilinis. Not long after, I felt asleep, doubting Silver's feelings for me.
BINABASA MO ANG
Silver Hearts (Completed)
General FictionSynopsis: "If you're torn between memories and feelings, what will you choose?" -- that was the question Silver has been struggling to answer. One day, he just woke up being told that he was inlove with his bestfriend. But how? He doesn't remember b...