Chapter Fourteen.
Josh's POV
Sa wakas nagka POV din. HAHAHHAHAHHA.
Hello pala, ako si Josh Mari Alonzo. Bestfriend ni Jarred.
At dahil magbestfriend nga kami, nandito kami ngayon sa bahay namin.
Kilala ako sa kanila. Ganoon din siya samin.
Matalik na magkakaibigan ang mga magulang namin.
Nagsimula pa daw ang pagkakaibigan na yun sa mga grandparents namin.
At hanggang ngayon, sa generation namin, nananatili yung friendship.
AT ETO KAMI NGAYON, NAG LALARO NG COMPUTER GAMES.
Ganito kami lage lalo na pag walang pasok.
Habang naglalaro kami.
Bigla nalang niya akong tinanong ..
"Pre, may gusto ka ba kay Celine?"
SI CELINE?
A MOMENT OF SILENCE ..
Bigla kaming nagkatinginan sa tanong niya na yan at napatigil sa paglalaro.
"Sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya? Maganda siya, matalino, palakaibigan, mabait, masayahin, clumsy nga lang minsan." sagot ko sa kanya. "Bakit mo naitanong?"
"Ah wala naman." nangiti siya at binalik ang tingin sa paglalaro. "napapansin ko lang. Mag ingat ka sa panget na yun pare ha? Amazona yon." medyo natawa siya.
"Hahaha, alam ko naman yun Jarred. Matagal ko ng alam." ngumiti ako tapos bumalik sa paglalaro.
Nagtataka din siguro kayo kung bakit gumagawa ako ng way para mapalapit kay Celine.
Totoo lahat ng sinabe ko. Oo, gusto ko siya.
At gusto ko pa siyang MAS MAKILALA.
Natutuwa ako pag nakikita ko siya.
Natatawa at natuturn on ako twing nakikita ko mga kaclumsyhan niya.
Hindi ko siya malapitan noon.
Dahil sila nga ni Jarred ang magkaclose.
Naiinggit ako twing nakikita ko silang nag aasaran dalawa.
Naiinggit ako kay Jarred kase yung taong gusto ko, ka close niya.
May mga pasimpleng tanong pa nga ako kay Jarred tungkol sa mga bagay na gusto ni Celine.
Kung ano yung mga hilig niyang gawin, paboritong pagkain at kung ano ano pa.
Magkaklase kasi sila ni Jarred, mula pa nung gradeschool hanggang makagraduate kami nung highschool.
Kaya mas kilala nila ang isa't isa.
Hindi kami naging magkaklase ni Celine kahit isang beses.
Hanggang ngayong college, wala.
Sobrang tuwa ko nung malaman ko na Accountancy din ang course niya.
Pero sa kasamaang palad, hindi kami naging magkaklase.
Ilang beses ko na din tinanong si Jarred kung may gusto ba siya kay Celine.
Dahil sa mga pang aasar niya, at kung makikita niyo naman talagfa silang dalawa, iispin niyo din yung iniisip ko na posibleng may gusto si Jarred kay Celine.
BINABASA MO ANG
My Worst Enemy (On going)
Teen FictionIt's not her plan. To fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time.