Chapter Sixteen: Acquaintance Part, part2.
Celine's POV.
5:30 na. Usapan namin, saktong 6pm kami magpapahatid sa school ni Shane.
Ang ganda ganda ng bestfriend ko. Simple lang pero ang elegant.
Kanina padin ako inuuto ng babae na to eh.
Ang sinuot ko nga pala yung bigay nung Admirer ko DAW.
Dahil din yan sa pangungulit ni Shane. Pero okay lang, bagay naman daw sakin.
Syempre naka mask kami. MASQUERADE NGA DIBA?
Few minutes had passed, nagpahatid nadin kame sa daddy ni Shane.
Dumaan muna kami sa McDo para makabili ng makakain, pero nag drive thru lang kami.
Pagdating namin sa school, medyo marami nadin yung tao. Kaya ang ginawa namin, kinain muna namin yung binili naming pagkain para hindi kami magutom mamaya.
May food naman mamaya kaya lang hasttle kumain.
Pagkatapos namin kumain, nagretouch pa kame sa loob ng sasakyan. napakaarte nitong si Shane eh.
Baka daw mamaya gwapo yung admirer ko tapos ang haggard ko na pag nakita ako kaya inayusan ako ulit.
Mag seseven na din nung bumaba kami ng sasakyan.
"Dad mauna na po kami." nag kiss na si Shane sa daddy niya.
"Osige, mag iingat kayo anak ha? Enjoy!"
"Bye tito, mauna na po kami." pagpapaalam ko.
Putcha. Kinakabahan ako. Wala na kasing gaanong tao na pumapasok sa Gym. Pagdating namin kanina marami, eh dba nga kumain pa kami.
Pero ang ganda nung dinadaanan namin.
May mga candles sa dalawang gilid tas may nakapalibot na paper bag na brown dun sa candle. Yung paper bag na lalagyan ng burger. Hahaha. Ganun. Ang cute ^______^V
"Bes kinakabahan ako." bulong ko kay Shane.
"Yung mask mo bes, suot mo na."
Oo nga pala, masquerade nga pala to. Sinuot ko na din yung maskara ko na half ng mukha ko ang natatakpan.
Katerno din nung damit at sapatos ko :)
Pagpasok namin sa loob ng gym, ang ganda :")
Yung suot ng mga nandito, ang bobongga.
Yung ayus ng gym, pang sosyalan talaga.
Hinanap agad namin yung mga kaklase namin para sama sama kami.
Good thing nasa bandang harap sila, malapit sa stage.
Panigurado mayroong King and Queen of the night niyan mamaya.
Excited nako, pero bigla akong naasar.
Ang kasi hirap kilalanin nung mga tao.
Madilim pa, kaya wala akong makita at makilala.
"Bes, napansin mo si Josh?" tanong ko kay Shane.
"Bes hindi eh, maski si Patrick diko alam kung nasaan, kanina ko pa chinecheck yung phone ko baka kase may txt o tawag"
Sabe sanyo eh. May disadvantage tong theme na to. Paano ko malalaman kung nasaan na si josh nito?
Nagsimula ng magsalita yung MC ng party. May kaunting intermission number, medyo dumaldal mga MC, tapos ayun, kainan na. Ü
Hindi na kame gaanong nakakain ni bes kase nga diba, nag drive thru na kame kanina. =))
BINABASA MO ANG
My Worst Enemy (On going)
Teen FictionIt's not her plan. To fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time.