Chapter Sixteen: Acquaintance party, part 4.

167 4 0
  • Dedicated kay Ednalyn Valentin :)))))
                                    

Celine's POV

Sweet dance na naman po.

Pero hindi na ako naeexcite.

Naisayaw na ko ni Josh eh.

Nakakatuwa yung mga couples ngayon.

Kahit puyat at inaantok na, kita mo padin sa kanila na masaya sila.

"UHHHHHHHHHHHH!"

nagsigawan yung mga tao. kase A Thousand years yung kanta. Pang romantic na scene talaga eh. hahahahahahhaa

Hanggang sa may isang lalaki ang lumapit sakin.

Takip halos buong mukha niya ng maskara.

Ang hirap iexplain nung damit pero ang elegante at ang gwapo tingnan.

Mas matangkad siya sakin. Halata.

Ang astig ng buhok niya.

At ang bango bango niya :")

Pero yung amoy niya na yun, familliar talaga. hindi ko alam kung saan, at kailan ko naamoy eh. pero basta ang bango. pandagdag pogi points ata to eh. Hahahaha.

Tulad ng ginawa ni josh, nilahad lang din niya ang kamay niya sakin para ayain akong sumayaw.

Nginitian ko lang siya, ganun naman talaga ako palagi.

Dinala niya ako sa gitna ng dancefloor.

Tapos may tumapat saming ilaw. at saamin lang nakafocus dalawa.

Walang nagsasalita sa amin habang nagsasayaw.

Nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa.

May something talaga sa tao na to, na hindi ko maexplain.

He pull me closer.

Kaya parang pinapakinggan ko yung heartbeat niya ngayon.

Yung nararamdaman ko na to, iba sa naramdaman ko kanina nung si josh yung kasayaw ko.

Pero ngayon, mas mabilis yung tibok ng puso ko.

Nandito ako ngayon sa gitna ng gym na to, may spotlight na nakatutok. At halos nakayakap ako sa taong hindi ko naman kilala.

Pero bakit komportable ako at feeling ko safe ako sa tao na to?

Ramdam na ramdam ko na lahat ng mata saamin nakatingin.

Pero walang nakakaalam kung sino nga ba ang tao na to na nasa harapan ko ngayon.

Hawak niya ng mahigpit yung kamay ko. Parehas na malamig yung kamay naming dalawa.

Hanggang sa SO CLOSE yung nagplay na kanta.

Alam ko sa sarili ko na hindi si Josh tong kasayaw ko ngayon.

Pumasok agad sa isip ko yung admirer.

Tiningnan ko agad siya sa mata.

Kita kong nagulat siya.

"I .. Ikaw ba yung Secret Admirer?" tanong ko.

Bigla siyang napahinto sa pagsasayaw.

Ang tagal niyang nakatitig sa akin bago siya nagsalita.

"Yes, it's me my princess."

Kinilabutan ako. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko.

Hinawakan ko yung mukha niya kahit na may maskara, balak ko sanang alisin pero hinawakan niya yung kamay ko para hindi ko matanggal.

"Hindi na mahalagang malaman mo kung sino ako. Ang mahalaga, nalaman mo na special ka sakin. Salamat sa pagkakataon na to Celine."

I closed my eyes, dahil alam kong hahalikan niya ako.

Medyo iniangat niya yung maskara na suot niya hanggang sa may bibig niya. Pero hindi yun sapat para mamukaan at makilala ko siya.

Napayuko nalang ako at napapikit. He kissed me on the forehead.

And then, he walked away.

--

Sa totoo lang, kinikilig ako habang tinatype ko to. Hahahaha. Nakakainis. ♥♥♥♥♥♥

Sorry kung maigsi. HAHAAHAHA. Sana naman may marinig po akong feedback mula sa inyo. Thank youuuu :">

Vote comment and be a fan :)

My Worst Enemy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon