Chapter Thirty Six

63 4 4
                                    

Celine's POV

JGH. Finally home. Pagdating ko nakita ko si mama na nanunuod ng tv sa sala. I kissed her tapos tumabi sakanya.

"Ma, pano mo ba malalaman pag may gusto ka na sa isang tao?"

Tiningnan ako ni mama, alam ko na nagulat siya.

"Anak, simple lang naman yan eh. Pag masaya ka pag kasama mo siya."

"Sure ka ma?"

"Oo naman anak, papunta ka palang pabalik na ako." she smiled at me. "Bakit mo naman naitanong?"

"Diko nga alam eh! Hahahaha! Akyat na ko ma, nagdinner na din ako. Labyu."

Umakyat na ako sa kwarto ko para magbihis at magpahinga.

It's been a long and awful day. Okay naman yung lakad namin ni Josh. Kumain lang kami tapos hinatid na din niya ako pauwi.

Nakaenroll na kami. Pati si Jarred din. Sa dami dami naman kase ng pwedeng makasabay. Bakit siya pa? Nawala tuloy ako sa mood mula nung nakita ko siya.

Kala naman niya kawalan siya sakin. Di ko ikakamatay pagsusungit niya.

Nakakainis naman kase talaga siya diba? Nakakabanas. Diko maintindihan bakit siya nagkakaganyan. Oo nagagalit at naiirita ako sa kanya, pero pag naalala ko yung mga times na magkasama kami. Yung kahit na nakakainis tumatawa padin kami. DI KO PADIN MAPIGILAN NA  HINDI MAMISS. 

Yung time na bigla nalang siyang susulpot sa kung saan para mang asar.

Yung time na bigla siyang babait tapos ililibre ako.

Yung time na magagalit siya kase matagal daw siyang nag antay saakin pero hinahatid padin niya ako pauwi.

Yung time na hahagisan ako ng helmet at magpapatakbo ng mabilis sa motor niya pero ang gusto lang naman nun yakapin ko siya. JOKE.

Yung tinatawag niya akong sweetiepie.

Yung time na andoon kami sa bahay ng lola niya at tawa ng tawa.

Yung nagpapahiran kami ng ketchup sa may jollibee.

Yung nagcare siya sakin nung nagkatagos ako.

BITCHPLEASE Ayoko na maalala! -_______________________-

Kahit na walang ka kwenta kwenta yung mga oras at panahon na magkasama kami.

Inaamin ko naman sainyo na kahit papano naging masaya ako pag yung lalaki na yun yung kasama ko.

Unlike ng pag si Josh ang kasama ko.

Hindi naman sa hindi ako masaya.

Hindi ko lang mapakita yung talagang ako.

Yung bang mas kinikilig pa ako nung hindi pa kami close.

Yung pa sneak peak sneak peak lang ako sa kanya,

Ngayon hindi ko maintindihan e.

Para bang bigla nalang nawala.

Matagal ko ng crush si Josh.

1st year highschool palang dba?

Kaya lang di naman nga kami naging close ever since.

Ngayon lang.

E si Jarred??

Mula gradeschool palang mukha na niya nakikita ko sa araw araw.

Nakakasama ko pa yan mag workshop every summer! Nung nag aaral pa siya mag gitara tapos ako keyboard.

SINO BA NAMAN ANG DI MAGSASAWA DI BA?

Pero guys, kaya din siguro mas komportable ako pag si Jarred yung kasama ko, kase nga mula bata palang magkakilala na kami.

Alam niya lahat sakin. Lahat ng kabobohan at katangahan ko.

Ganun din naman ako sakanya.

Mas naipapakita ko kung sino yung talagang ako pag si Jarred ang kasama ko.

Sa kagustuhan ko na mas malaman kung ano yung talagang nararamdaman ko. Nagbasa ako ng nagbasa ng  mga qoutes sa net.

"If  you like someone. If they make you happy. And you feel like you know them. Don't ever let them go."

"It's hard to pretend you like someone when you don't. But it's even harder to pretend that you don't like someone when you really do."

"The best feeling is when you look at him and he is already staring."

"Liking somebosy you don't really want to like, but you can't help it."

"LIKE: is when you know the best side of someone and like them. LOVE: is when you know the worst side that someone could ever have and you still love that person with all your heart."

"It's funny how you can tell that someone likes someone else but you can't tell when someone likes you."

"Keeping yourself busy because you can't stop thinking about him"

Nakakainis naman eh! Lahat ng nabasa ko, pinapatamaan ata ako!

Ibig sabihin ba nun guys may gusto ako sakanya?

Ibig sabihin ba nun may nararamdaman ako sakanya?

Dahil ba apektado ako sa tuwing binabalewala niya ako yun e dahil nga may gusto ako?

Kaya ba ako nasasaktan kase mahal ko na?

Ganun ba yun?

Sht naman kase. All this time, ang nasa utak ko, SI JOSH YUNG GUSTO KO.

Pero hindi ko narealize, na iba pala  yung nasa puso ko.

Iba yung nararamdaman ko.

Pag si JARRED na yung nakakapagpasaya sakin.

Ang unfair naman ng love na yan.

Bakit nung anjan na si Josh. Minahal na ako. Saka ko naman narealize na iba naman pala yung gusto ng puso ko?

AYOKONG AMININ SA SARILI KO NA MAY GUSTO AKO KAY JARRED.

AYOKONG GUSTUHIN SIYA.

AYOKONG MAHALIN SIYA.

AYOKO!

AYOKO DAHIL ALAM KONG MASASAKTAN LANG AKO.

Hindi ko alam kung paano ko dadalin to.

Hindi ko alam kung pano ko isisikreto.

Hindi ko alam kung papano ko sasabihin kay Josh na hindi siya yung mahal ko, kundi yung bestfriend niya.

Hindi dapat nila malaman na si Jarred na yung gusto ko. Walang dapat makaalam. Dahil ayokong magmukhang tanga sa bandang huli.

Hindi dapat magstay yung feelings ko for Jarred. Wala tong patutunguhan, kaya mas mabuting itago at iwasan ko nalang.

I hate what I'm feeling.

Naiinis ako na may nararamdaman ako para sakanya.

This time hindi pagkairita o pagkaasar,

kundi pagmamahal.

--

Comments and suggestions are highly appreciated. :))

VOTE AND COMMENT PLEASE <3

A/N: Every update po, lagi kong sinasabe sa sarili ko na bago ako magupdate ulet, hihintayin ko muna na may mga magvote and comment naman na iba. Yung may marinig lang po ako kahit kaunting feedback galing po sainyo. Dun lang po masaya na ako. Sana this time magcomment po yung mga silent readers. Sa mga patuloy na nagvovote and nagcocomment kahit iilan lang kayo, Thank youu so muuuchhh! <3 -- IamMissTroubleMaker :">

My Worst Enemy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon