Chapter Thirty Five.

71 5 6
                                    

Celine's POV

Noong una, atat na atat ako magbakasyon, pero ngayon. Gustong gusto ko na pumasok. Napakaboring sa bahay. Wala akong ibang ginagawa kundi kumain at makipagchikahan sa nanay kong madaldal.

Si Shane nalang ang pag asa ko para malibang kaso kakagaling nga lang pala non dito saamin kagabe. Di na yon pupunta dito. Baka may date sila ng boypren niya.

So ano gagawin ko ngayon? Iisipin ko na naman yung walanghiyang Jarred na yan? AYOKO NA. Bukod sa wala namang nangyayare, naiirita lang ako.

Pero kinabahan ako sa mga sinabe ni Shane kagabe. POSIBLE DAW NA SI JOSH NGA YUNG GUSTO KO PERO SI JARRED YUNG MAHAL KO. Tssssss. ASA. Di ako magmamahal ng ganung klaseng tao. Siguro namimiss ko lang yung friendship na meron kami. Kahit na hindi naman "FRIENDSHIP" yung term na dapat gamitin. "FRENEMY" pwede pa!

Si Josh kaya tawagan ko? Pero wag na. Wala naman akong alam gawin. Mapupulupot lang dila ko doon.

Matutulog nalang nga ako. Tanghali na oo, pero mas masarap pa ngang matulog pag ganito, naka aircon naman ako. At di pa naman ako gutom. Walang pagbabago sa buhay ko. Sana may pasok nalang. -______________________-"

*Harap sa kanan*

*Harap sa kaliwa*

*Dapa*

*Harap sa kisame*

*Dapa*

TAE! HINDI AKO MAKATULOG!

*KRIIIINNNNNNNGGGG! KRINNNNNGGGGGGGGG!*

Hoy wag kayong ano jan. Ringtone ko yan.

Sino ba yon?

Kinuha ko agad yung phone ko at sinagot.

"HELLO!"

"Hello Celine?"

"Sino ba to?"

"Si Josh to."

AHHH EHHHH. Tiningnan ko yung pangalan sa phone ko. SHT.

SI JOSH PALA YON! Walangya! Ang suplada pa naman ng pagkaka HELLO ko.

"Ay Josh sorry.  Akala ko lang kung sino. Napatawag ka?"

"Free ka ba ngayon? Pwede mo ba ako samahan sa school mageenroll lang ako. May pasok na nga pala next week."

Ay shuta. Ako nga pala di pa din naka enroll. Walanjoooo.

"Uhm. Oo free ako, wala naman ako ginagawa. Ako nga din di pa naka enroll, baka mag enroll na din ako."

"Good thing. Buti tinawagan kita. Sabay na tayo"

"Okay sige. Nasaan ka ba ngayon?"

"Nandito ako sa tapat ng bahay niyo."

"HA? ANO?"

"Andito ako sa tapat niyo. I'll wait for you, kahit matagal. Mag ayos ka na. See you!" binaba na niya

SHUTANGENA. Sumilip ako sa may bintana, andoon nga yung kotse niya. Buti nalang nakaligo na ako kanina. Magbibihis nalang ako. Jusko madaling madali ako.

Nagkakandamali mali ako. Agad akong bumaba, para kuhanin kay mama yung pera na pang enroll ko. Nakaayos na din sa bag ko ung mga dapat dalhin sa pag eenroll. Clearance and eklaboo.

"Ma, alis na ko ha? Anjan si Josh sa labas. Magenroll lang kami."

"Bakit hindi mo man lang pinapasok. Gaga ka talaga."

My Worst Enemy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon