Chapter Six.
Shane's POV
Klase namin ngayon sa Accounting. Major pa nakakatamad. :3
Tapos tong kasama ko kanina pa nakangiti tapos nakatulala. Ni hindi nakikinig e.
"Huy bes." kinalabit ko. "BEEES ANO BA NANGYAYARE SAYO?"
"Miss Santos, what's the problem?"
"Nothing maam, nothing."
Kinabahan ako tengene. Ere kasing si celine parang tanga. Kanina tahimik na badtrip, ngayon tulalang masaya. sakit sa ulo.
"Bes bat ka sumigaw?" Tanong ni celine.
"Ikaw! DAHIL SAYO! Namatanda ka ba? Kanina badtrip ka, ngayon naman masaya. Ni di ka nakikinig e."
"Bes naman eh. Mamaya ko na ikkwento, kinikilig kasi ako! :">"
Ah okay. Alam na, josh.
Celine's POV
Ang bagal naman ng oras. Parang kanina pa kami nasa loob ng classroom na to. Gusto ko na kasi umuwi. Wala lang gusto ko lang mapag isa. Nakakahiyang kiligin dito eh! HAHAHAHA.
Una sabe ni josh, lage nalang daw ako napapahamak. Ibig sabihin ba non lage niya akong binabantayan?
Pangalawa, sinabi niya kay jarred kanina na ako daw ay kilalang kilala niya na. OH MY GHAD. Sign na ba to? :)))
Sa totoo lang, hindi naman sa nagmamaganda ako pero marami namang nagkakagusto sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit eh.
Pero kahit na gaano sila kadami, kung wala naman sa kanila yung gusto ko, parang wala lang din diba?
hindi naman ganun kadali turuan yung puso magmahal. Kaya lang, kahit ano namang gawin ko, alam kong hindi magkakagusto sakin si josh.
Ayon kasi sa pangsstalk ko, meron silang bestfriend ni jarred na sa states nagaaral, tapos inaasar asar ni jarred si josh doon sa girl. Chelsea ang pangalan.
Maganda yung chelsea, parang model tapos ang yaman yaman pa. sa wall nga ni josh may mga post yon eh. Kesyo miss niya na blahblahblah. Si josh naman ganun din dun sa chelsea.
Minsan nga nagtatampo pa kunwari si Jarred sa mga comment kase bakit yung dalawa lang daw tapos hindi siya ksali.
Diba nga ang gusto ko lang naman maging close at magkaibigan kami ni josh.
Kaya lang si Jarred kase dakilang epal, lage ako niyan pinapakealamanan. Kaya kahit anong pangungulit niya sakin, hinding hindi ko sinasabi na si josh yung taong gusto ko.
Mahirap na, baka ibuking na naman ako, tapos iwasan na naman ako nung taong gusto ko, tulad nung hs kame.
"Read chapter 3&4. We will continue the discussion next meeting, and also, answer 3 problems from each chapter. Tht will serve as your quiz for next meeting. You may go."
Dissmissal na pala. Buti naman, hahahaha.
"Bes tara kain tayo jan sa ice cream parlor sa bayan." Sabe ko kay shane.
"Sige tara, kunin ko muna yung report ko kay Mrs. Dimagiba sa Theo sa faculty, samahan mo na ko."
Tumango nalang ako tapos naglakad na kami papuntang faculty.
Nung after naming makuha yung report ni Shane kay Maam D. Lumabas na agad kami para kumain.
Malapit na kame sa gate nung nakita ko si Josh sa gate, dala yung big bike niya. Tapos ..
Tapos ..
May babae siyang kasama. :(
Kilala ko yun eh, yun yung HRM student na patay na patay sa kanya. Nagpapicture pa yun sa kanya last intrams namin.
"Bes si josh yun diba?" Tanong ni shane sakin.
Hindi nako nakasagot, hindi ko alam kung bakit bumigat yung pakiramdam ko, alam ni shane na affecte ako kaya inaaya niya na ako na sa 2nd gate dumaan.
"Bes tara na."
Hindi ako makagalaw. Kanina lang ang saya ko dba? Pagkakita ko kase inabutan ni Josh ng helmet yung babae tapos inalalayan niyang sumakay sa kanya, maya maya lang umalis na sila. Nakangiti pa sila parehas.
"Bes, tara na." pag ulit ni Shane.
Hindi ko alam kung bakitang unfair unfair ng destiny sakin.
Yung taong gusto ko, hindi ako gusto, tapos yung mga nagkakagusto sakin, hindi ko naman gusto, kahit anong pilit ko, wala akong maramdaman.
Masakit. Maraming beses na akong nagkakaganito. Hindi ko alam kung bakit, pero baka sobrang bait lang talaga ni Josh.
"Bes sorry ha, mauna na ko umuwi. Next time nalang tayo kumain." Tapos bineso ko na siya tapos umalis na ko.
Pagtalikod ko kay shane nakita ko sa malayo si Jarred. Nakatingin lang sa akin.
Himala? Hindi ata ako binuwisit ni kutong lupa?
--
Vote and comment :)
BINABASA MO ANG
My Worst Enemy (On going)
Ficção AdolescenteIt's not her plan. To fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time.