Chapter Thirty One. (EK Trip)

96 4 10
                                    

Chapter Thirty One.

Josh's POV

"Pre, anong balak mo mamaya? Diba may surprise ka kay Celine?" kakagising ko palang, yan na agad ang bumungad saakin. Sarap suntukin ni patrick.

"Wala na."

"Anong wala na? Sira ulo ka ba? Diba nagpapatulong ka pa saamin? Game, what's the plan?"

"I changed my mind."

"Alam mo pre, ang tunay na lalake, may pag asa man o wala, gagawa at gagawa ng paraan maiparamdam lang sa babaeng mahal niya na totoo at seryoso siya. Kaya sinasabe ng mga babae na pare pareho tayo eh. Iilan nalang kase yung nagtitiyaga at nag aantay." Ano bang problema nito?

"What's wrong with you?"

"Pare walang problema saakin. Ikaw alam kong meron." 

"Baka hindi niya naman ako gusto." malamya kong sagot. Alam niyo, hindi ko alam kung bakit nakikipagusap ako ng ganito sa lalaki na to.

"There's nothing wrong in trying. Noong una, akala ko din hindi ako gusto ni Shane. Pero sinusubukan lang pala niya ako. Gago ako pare. Pinagsasabay sabay ko yung mga babae ko dati. I don't care whether masaktan o mapaiyak ko sila. At dahil sa kagaguhan ko na yan, yan ang naging tingin ni Shane saakin. Maniwala ka man o hindi. Naging korni din ako pare. I tried my best to show effort. In simple ways. And guess what? They're all worth it. Alam mo tol, maaga pa. You still have time, habang tulog pa sila. "

"Salamat tol. Maligo lang ako. Samahan mo ako, aalis tayo."

Tama si Patrick, kaylangan kong subukan at ipakita kay Celine na sincere at totoo ako sakanya. Wala na akong balak talagang ituloy yung balak kong surprise. Kase .. okay aamin na nga ako kahit ang bading pakinggan. OO NAGSELOS AKO. Nagselos ako kagabi nung nakita ko na magkasama si Celine at ang bestfriend ko. I was supposed to be there. With her.

"Yan! Kala ko mababading ka eh. Bilisan mo na!"

Bumangon ako agad at naligo. 10am na. Tulog pa sila Celine. At kami palang ni Patrick ang gising. So I decided na magpasama sa kanya, para bumili ng mga gamit para sa surprise ko kay Celine mamaya sa EK.

After ng mabilisang paliligo, umalis na din kami ni patrick.  Maaasahan naman pala tong mokong na to. Di tulad nung ibang kasama ko, ayun, mga nakanganga at naghihilik pa. Sa totoo lang, ang sakit ng ulo ko. Ang dami kong nainom kagabe. Hindi na din naman bumaba si Celine kagabi natulog na daw, si Jarred naman, uminom lang ng konti, tapos umakyat na din at natulog.

I don't care kung magmukha akong tanga mamaya. All I want is to make her feel special.

Celine's POV

"Bes gising na. Besss!"

"asdfghjklxcaghagsagdsavdewgd"

"BES!"

"Anooooo baaaaa? Inaantok pa ako shaneee. 5 minutes?"

"BES ALAS DOSE NA! KAKAIN NA!"

"ALAS DOSE NA?"

Bumangon ako agad. Tarakya, alas dose na talaga? Anong oras ba ako natulog kagabe? Bat antok na antok padin ako?

"Luka luka ka talaga! Andoon na sila sa baba, kakagising lang din nung iba, nakahain na.'

"Sino nagluto?"

My Worst Enemy (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon