Chapter Sixteen.
Shane's POV
6pm ang call time sa party mamaya sa school.
4pm pa lang, and inaantay ko si Celine.
Dito siya magbibihis saamin eh, tapos sabay na kaming pupunta ng school. Papahatid kami sa daddy ko mamaya. :)
Sa totoo lang, kinakabahan ako sa party na yan eh. At excited nadin makita si Patrick.
Hindi ko alam pero may kutob ako na hindi magiging maganda yung gabi na to para sa akin eh.
Si patrick kase, lately hindi na nagpaparamdam, ilang araw na din siyang walang tawag at txt saakin.
Hindi naman siya ganito eh.
Noon, umaga palang pagkagising niya. Ako na agad ang tinatawagan niya.
Sa gabe bago siya matulog, tinatawagan niya ko para lang mag goodnight.
Pero these past few days, wala eh.
Naikwento ko nadin kay Celine yan.
Baka naman daw busy lang. SANA NGA :(
"Shaaane anaaaakkk! Nandito na si Celine." si mama.
Anjan na si bessy.
Pinuntahan ko siya sa baba tapos inaya ko na din dito sa kwarto.
Kinulit ko agad siya para ipakita niya sakin yung pinadala sa kanya nung admirer niya.
Kinikilig kaya ako jan kagabe! HAHHAHA. Tinext niya ko na may padala naman nga daw si Admirer sa kanya.
Ang sweet diba? Sana ganun din si Patrick saakin. :((
"Bes patingin na ko dali. Dalian moooo!" pangungulit ko sa kanya.
"Bes easy, easy ka lang. Chill. Okay? Teka lang nama."
Maya maya lang nilabas niya na yung dress saka shoes na bigay nung mystery guy na yun sa kanya.
And I was like O____________________O
"Bes isukat mo nga dali. Ang ganda ganda ohh. Bagay sayo yan kasi maputi ka, lalo kang magsstand out niyan mamaya. :)" sabe ko sa kanya.
"Bes naman, mamaya nalang, nagdadalawang isip nga ako kung iyan isusuot ko eh, kaya nagdala ako ng extra na damit at sapatos." sagot niya.
"ANG KJ MO NAMAN! YAN NA ISUOT MO! ANG GANDA GANDA EH! SAKA PARA KATULAD KA NUNG NASA TELESERYE :"))"
Nakita kong nakatakip siya ng tenga. HAHAHA. Napalakas ata sigaw ko.
"Bes, ilang mic ba nasa lalamunan mo?" naiinis niyang sagot. HAHHAHA. "Parehas kayo ng sinabi ni mama eh."
"Maganda naman kasi talaga! Sabe ko sayo isukat mo eh."
"Maaga pa, mamaya maya na tayo magbihis, atat na atat ka naman. Btw, kamusta na kyo ni Patrick? Nagtext na ba? Tumawag?"
Naalala ko na naman si Patrick. Pinipilit ko ngang wag isipin eh.
Nahalata siguro ni Bessy na nagiba yung aura ko.
"Bes? Okay ka lang? Hmm. Wala padin no?" I nodded.
"Hayaan mo shane, kahit na hindi pa magparamdam yang patrick na yan sayo, kailangan natin ienjoy yung gabi na to. Okay?" nakangiti niyang sabi saakin.
"Kahit pa hindi ka isayaw ni Josh?" tanong ko.
"KAHIT HINDI PA KO ISAYAW NI JOSH." tapos nag knock on wood siya. HAHAHHA. Luka luka talaga tong babae na to eh. Natawa nalang kami parehas.
"Pero bes, balik tayo sayo may idea ka ba kung sino yang admirer mo?" tanong ko kay Celine.
Pero nanahimik lang siya at nag isip.
Celine's POV
"Pero bes, balik tayo sayo may idea ka ba kung sino yang admirer mo?" tanong ni Shane..
Napaisip na naman tuloy ako.
Wala akong idea kung sino tong nagpapadala sakin ng kung ano ano na to eh.
Isa ring reason yan kung bakit ako kinakabahan pumunta sa party mamaya eh.
Sabe kase di ba 'SEE YOU SOON?'
Kinakabahan ako eh. Hindi ko kais maiwasang hindi mag expect na si Josh yun.
Pero ayokong paasahin yung sarili ko eh.
Baka masaktan lang ako.
Kahit na medyo CLOSE na kami ni Josh ngayon, alam ko naman na hindi niya ako gusto.
Gusto lang niya makipagkaibigan.
OO CELINE TAMA KA! He just want to be friends.
Pero kasi ano eh, kung kayo man nasa katayuan ko, kakabahan at kikiligin kayo. HAHHAA. Napapraning na kaya ako kaiisip :(
"BES ANO BA?"
PRITONG PALAKA!
Nagulat ako! SHET!
"Bes, hindi ko nga alam. Wala akong idea." sagot ko sa kanya.
"Maaga pa naman bes diba? Ianalyze muna natin. HAHAHAHA."
"There's no use bes. Nagawa ko na yan, wala akong suspect. Pero alam kong taga school natin yan." sagot ko sa kanya.
"Diba sa kwento mo sakin, unang nagparamdam yan nung nag eemote ka sa bintana mo? Yung unang beses na nagtxt siya sayo. Yung you look chorvalo when you smile diba yun yun?"
"Oo yun nga,"
"So ibig sabihin, nasa labas yan ng bahay niyo nung nag eemote ka nung gabi na yun, kase diba? pano niya malalaman na umiiyak ka nun? BES. BAKA STALKER YAN. TAPOS PAPAKIDNAP KA. OHH MY GHHHAD ..
*PAAAAK!*
ARAY NAMAN CELINE!"
"Eh luka luka ka eh, anong papakidnap ka jan!"
"Malay mo naman no. :))" Ang sagwa ng itsura ni shane pag nang uuto, sarap sakalin eh. HAHAHHAHA.
*TOOOOTTT TOOOOOOTTT*
(Phone ko yan, may message.)
Yung admirer nagtext.
"See you in a while princess :)"
"OHH MY GHHHADDD BES! ANG HAIR DUE MO ANG HABA! SEE YOU IN A WHILE DAW. BAKLA CONFIRMED NA NASA PARTY YAN MAMAYA!"
Sino ba kasi to? Saka bakit kinakabahan ako?
--
Vote, comment, and be a fan :)
Vote and comment for the next update.
Thank yooouuuu! Mwa! Mwa :*
BINABASA MO ANG
My Worst Enemy (On going)
Dla nastolatkówIt's not her plan. To fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time.