Chapter One.
Celine's POV
"Gusto kita Celine, matagal na. Gustong gusto kita!"
Celine: Josh. Totoo ba yan?
"Oo celine. Hindi ko kayang aminin sayo dahil nahihiya ako. Pero ngayon na alam ko na na gusto mo din ako, aaminin ko na sayo na mahal kita."
Palapit na ng palapit ang kanilang mga labi. Ng biglang ...
*BOOOOGSH!*
"CELLLLIIIINNNNEEEE! Bangon na! Malalate ka na sa klase mo."
AZAR! NAKAKAINIZ TALAGA! Andun na eh. HAWAK NA YUNG BABA KO. Kiss nalang tapos tapos ..
PANAGINIP LANG LAHAT YON?????!!!!!
"MA! Bat moko ginising? Kikissan na ko ni Josh eh! Andon na ma eh :(( MA BAKET? BAKEEEEEEET??!"
"Anak, ituloy mo nalang mamaya. Malalate ka na inuuna mo pa si pogi eh."
"Hay nako ma! Ewan ko sayo. Ligo lang ako. San si cheenie?"
"Nauna na pumasok, pinahatid ko kay jun, excited daw kase first day nga. Ikaw lang naman tong mukhang tulog jan e."
Si cheenie nga pala, bunsong kapatid ko. Dalawa lang kame, ako syempre yung panganay. My Mom is a housewife, mula noong bata kami, never siyang nagtrabaho, ayaw kase ni papa. Si mama daw ang kanyang reyna kaya kahit kailan hindi siya papayag na mahirapan ito sa pagtatrabaho :"> Sweet ng mama at papa ko no? :) And my dad naman is a Businessman working abroad. Hmmm, kahit na sa abroad siya nagtatrabaho lage naman kame connected sa one another. Every month umuuwi si papa para samin :)) Hindi kame ganoon kayaman tulad ng iba, sabihin na natin na may kaya naman, naibibigay naman kasi ni papa lahat ng kailangan namin ni Cheenie at ni mama, kahit luho pa :">
FIRST DAY NGA PALA! Ohh myy gee! Makikita ko ang aking prince Charming. GHHHHAAAADDDDD!!! ^____^
Pagkakain ko, naligo ako agad at dali daling umalis. Dumating ako sa classroom namin 10 minutes before 8am. 8 kasi start ng klase ko. 2nd year college na ko. Accountancy Student sa Isang Prestigious University dito sa lugar namin. Secret ko na yun kung saan :)
By the way magpapakilala muna nga ako, my name is CELINE TAN DELA ROSA. My mom is a half chinese, so kahit papano may dugong china ako. HAHAHA! My dad is a pure Filipino. Pero lage kong ipinipilit na spanish siya kase yung apelido niya is pang spanish :D I'am 18 years old. Maputi, matangkad, brown eyes, long hair, sakto lang yung katawan, and medyo matalino. HAHHAHA! MEDYO :))
Maingay ako, madaldal, friendly, totoong tao and masayahin :)
Saka na yung ibang details about sa akin. Pasok na muna ako at anong oras na :D
Pagdating ko sa classroom, wala pa si Shane. Si shane, Bestfriend ko, mula elementary kami, kami na ang magkaklaseng dalawa. Hindi kame naghihiwalay, hanggang ngayong college, parehas naman naming gusto yung accountancy kaya hanggang ngayon solid padin kame :D
Umupo ako sa may bandang likod. Doon naman kami lagi ni Shane, yung upuan nga naming dalawa may pangalan na. HAHAHAHA. Second Year Accountancy Students kame, section B.
Hindi naman porket section B kame ahead samin yung A. Pantay lang naman. Pili lang talaga yung iba na sa section A.
Sa section A andoon yung mga pinakamatatalinong estudyante. MGA FUTURE CPA's.
Andoon sa section A si josh. :">
My one and only true love. Hahaha. Boyfriend ko siya pero hindi niya alam. HAHAHAHA. Joke :D
Siya yung crush ko. Mula HS, schoolmate na kame. May gradeschool and high school din kase sa university namin. Pero never kami naging magkaklase nun. Lagi kasi siyang nasa first section, kami ni Shane lageng second non :(
6 years ko na yung crush. And hanggang ngayon hindi niya yun alam. Nagkakilala na kame noong hs dahil sa isang event sa school na inorganize ng section A & B. Kaya mula nung Junior high. Pag nagkikita kame or nagkakasalubong sa school, lage niya akong nginingitian :">
Si shane lang at ang buong pamilya ko ang nakakaalam na may gusto ako kay Josh. :D
Bukod naman kay josh, mayroon din akong ibang naging crush noon, pero si Josh lang talaga yung pinaka ano, basta siya lang yung solid na crush ko talaga! :)))
Nasaan kaya si Josh nayon? :">
"Uy bes. Anong peg ng pagtingala mo jan?"
"Shane! Ikaw pala yan! Namiss kita ah. Bat ngayon ka lang? 15 minutes late ka na."
"Ano pa ba bago sa pagiging late ko? Hahaha. Buti wala pang prof e no"
"First day e."
"Goodmorning class!"
Nagdadaldalan kami ng dumating yung prof namin sa major. 3 hours to kase nga major. Putik. Kabagot yan :( Gandang pambungad sa umaga eh, lunes na lunes at ang aga aga sasabak kami sa accounting T______T
Blah blah blah blah ..
Daldal lang ng daldal si Miss Hontiveros. Explain ng grading system. Kung ano requirements, mga itatake na topics sa buong sem.
Time check! 10:53 am.
Yeah! Magbebell na! Lunch na! OOOHH MYY GHHHAADDD! Foooods ^________^
Diko nga pala nasabe sa inyo na I LOVE EATING TALAGA! Lalong lalong lalo na pag Ice Cream! Favorite ko din ang chocolates and cakes. Basta sweet, parang ako :">
"Let us pray class."
After naming magdasal, tuloy agad kami sa canteen para kmain na ng lunch. 11-1 break namin e. Next class namin ala una pa.
Shane: "Bes pila na tayo!"
"Teka bes. Ibababa ko lang tong gamit ko."
Nakapila na kami para bumili ng pagkain nung may biglang sumingit sa harap ko.
Nakatalikod siya sakin nung mabunggo niya ako. ANG SAKIT HA? Parang sinadya talaga eh. Leche! DIBA KAYA NGA NAKAPILA PARA MAS ORGANIZE?? WALA BANG UTAK TONG LALAKE NA TO?
Medyo malakas at masakit talaga yung pagkakabunggo niya pero di na ko nakasalita. Medyo kumunot lang yung noo ko. Ang bango kasi. Tapos ang astig nung buhok. Parang ang gwapo. HAHAHAHAHA! :D PAG NAKATALIKOD!
"HOY PANGET PASINGIT HA!"
Lumingon siya sakin pero diko napansin yung mukha, lumingon din kasi siya agad sa harapan.
Pero ano daw yung sabe?
"HOY PANGET PASINGIT HA?"
PANGET?
Isa lang tumatawag saking PANGET ha?
Jarred?
--
Sino kaya si Jarred? HAHAHAHA :)
2 votes man lang sana para sa update.
Sorry na kung demanding. :*
And sana po, patuloy niyo pong basahin.
SALAAAAMAAAAAT! :)))
BINABASA MO ANG
My Worst Enemy (On going)
Novela JuvenilIt's not her plan. To fall in love with the most unexpected person at the most unexpected time.