"Hindeeeeeeeeee!!!!!!!!!!!!" nagulat ang mga tao sa Palace sa sigaw ni Sophia "Anu ba problema mo?" humihingal ang mga pinsan niya. "Nawawala sila Shocked" nagkatinginan sila Sam "Baka naramdam nila ang pagdating nila" wika ni Hailey. "Naramdaman nga nila" nilingon nila si Giro "Masyadong malakas na din ang dagundong sa Gate" tinignan nila ang gate na bato at tinignan muli ito. "Anu ba meron sa kabila ng gate na iyan" wika ni Natalie, "Sabi sa diary ni Dalfiya ang nasa likod niya ang purong kadiliman, mabubuksan lamang ito sa oras ng pagbabalik niya" wika ni Mark na may hawak na itim na libro. "Haaaayyyy" nakadinig muli sila ng dagundong na nagpagising sa lahat ng students.
"Anu yun?" wika ni Aya habang yakap ang teddy bear niya na black at nakikumpol siya sa harap ng Gate. Muli isang dagundong ang naramdaman at nadinig nila, "Ate" wika ni Aki na nagsusuot ng sanding puti habang kinilig ang mga babae sa paligid dahil sa ganda ng katawan ng binata, napatingin din sila Sam at Natalie dito. "Anu yun?" wika ni Hiro, "Hiro humanda kayo, iba ang nararamdaman ko sa kabilang bahagi ng batong iyan, sa lakas ng yanig baka Titan laman niyan?" binatukan ni Aki si Aya "Aray!" nangiti sila Giro "Nanood ka naman ng anime na yan" ngumiti si Aya at nag-peace sign, "Lagyan ng harang ang buong paligid" wika ni Giro. "Wala ng dagundong ibig sabihin wala lang iyon siguro, may mga nagbibiro sa atin" wika ni Samantha na pinaniwalaan ng ibang mag-aaral, habang umaalis ang lahat tinignan ni Giro ang apat na magkakapatid. "Alam kong alam mo ang nasa kabilang bahagi ng mundong batong iyan" napatigil si Giro sa paglakad at tinignan si Aya, "Dahil alam ko ang nasa kabilang bahagi ng batong iyan" tinignan ni Mark si Aya "Kaya ba siya laging nakatayo sa harap nito" wika ni Mark, "At nararamdaman ko, malapit na silang makatawid" dugtong pa ni Aya. "Yun ang tungkulin ng paaralan na ito" tinignan ni Giro ito at nilapitan, "Ang puksain ang sino mang manggagaling sa kabilang bahagi ng batong iyan" wika pa nito, ngumiti si Aya at inilapit ang bibig sa tainga nito "Ang tanong, gaano kayo kahanda?" lumakad si Aya at muling niyakap ang teddy bear niya. "Ang cute niya" sabay na wika ni Hailey at Sam, tinignan ni Giro ang dalawa. "Sino?" ngumiti si Sam "Nakakatomboy yung ganda ni Aya noh" wika nito kay Hailey at Natalie, lumakad si Giro at iniwan ang mga ito, nagkatinginan ang tatlo "Ayaw pang umamin natulala nga siya nung ngitian siya kanina" bulong ni Sam "Girls TARA na!" sigaw ni Giro kaya napa-ngiti ang tatlo at lumakad.
Nasa library si Aya at Thea kasama ang bago nilang kaibigan na HEROIC din si Eriole at Freya. "Kung ganun may mali sa kinalakihan nating alamat na ang dahilan kaya iyan tinayo ay upang isagisag yung kabayanihan ng mga HEROIC noon" wika ni Freya. "Yun ang kinatataka ko, at isa pa anu meron sa dulo ng tulay walang nakaka-alam ng bagay na yun" dugtong ni Aya, "Yung dagundong" wika ni Eriole "Ang naramdaman ko ay galit" tinignan ni Thea ang ate niya, kagabi wala itong sinabi o nabanggit sa kanila tungkol sa naramdaman niya sa dagundong na nadinig nila mula sa batong iyon. "Isa pa parang may kakaiba sa batong iyon, pakiramdam ko konektado ako sa batong iyon, hindi ko alam baka dahil sa kakayahan ko o dahil may koneksyon kami" bumuntong hininga muli si Aya at lumakad pagkatapos makuha ang mga libro. "Anu ba yang mga yan?" usisa ni Freya, "Actually Heroic History" binuksan niya ang libro, "Ito sinasabing binuo ni Dalfiya ang batong harang para hinaharap na katauhan niya," napatigil si Aya "Ako ba ito?" napatigil si Thea ng makita ang larawan ng sinasabing Dalfiya "OMG!" bulalas ni Freya, "Hindi nga kaya kailangang alisin yung bato para malaman natin yung nasa kabila" wika ni Eriole. Umiling si Aya "Natatakot ako na baka ikapahamak ng marami ang nasa kabilang bahagi ng tulay" pumalumbaba si Thea at nagbasa ng isa pang libro, "Ate sabi naman dito yung tulay ay bahagi ng pagdadalamhati niya" wika niya sa ate niya at kinuha nung tatlo yung libro "Oh ayan" inabot ni Thea ito kay Freya. "Siguro ang dapat nating basahin ay ang Diary of Dalfiya alam niyo yun pinablish daw iyon nung bata pa ako" wika ni Eriole "So matanda kami ganun" pambabasag ni Thea. "Baliw!" sabay kuot niya sa ilong ni Thea na kinainis naman nito. Napatigil sila sa itim na libro na inihagis sa table nila, at tinignan nila ang may sala "Giro este Young Master" sabay-sabay silang yumuko. "Yan ang sagot sa madami niong konklusyon" tinignan lang ni Aya ito at Thea.
BINABASA MO ANG
HEROIC (Book 2)
AdventureTaong 2016, ito ang panahon ng mga makabagong nation kung saan ang mga halimaw, lumilipad na tao, naglalakihang golem ay alamat n lamang, kung saan ang mga bayan na minsan ay tinawag na Walton, Boros, Moros, Aeros, Chaos atbp ay pawang kwentong baya...