Chapter 21: New World

42 2 0
                                    


Photo Above is Natasha Walton

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Photo Above is Natasha Walton

"So, ito na talaga ang buhay natin" wika ni Aki kay Aya na nagliligpit ng mga damit na sinampay. Binaba ni Aya ang mga damit na sinampay malapit kay Aki, "Oo" umupo sa tabi ni Aki si Thea at nagtitiklop din ng mga damit. "Binura lamang ni Giro ang ala-ala ng nangyari sa mga tao, at ibinalik ang St. Claire sa dating anyo, ang Dark Lord bumalik na sa Chaos Island, pero sabi nga niya sa oras na malaman niyang nagmamalubis na naman ang mga tao, babalik siya" pagpapaliwanag ni Aya sa mga ito. "Pede ba bilisan niyo diyan at malelate na ako sa klase ko" umakad si Aya at kinuha ang mga damit at pumasok sa banyo. "Ate, paano yung sinasabi nila na sa gabi kami ang bantay" wika ni Thea, binuksan ni Aya ang pinto ng banyo at sumilip mula roon. "Yeash you are, kayo nila Aki at Hiro, kasama niyo naman yung iba, oh-" magsasalita pa sana si Thea para magreklamo. "Walang magrereklamo, kung ayaw niyong kayo ang magturo sa mga bata sa training nila, siyempre alam ko naman na ayaw niyo yung ginagawa ko at ni Giro di ba?" ngumiti si Thea, "Sabi ko nga kami na bantay" sinara na ni Aya yung pinto at naligo.

Nasa recording studio ang U-Gen kasama sila Sam para sa collaboration na kanta nila, "Anu ba title ng kanta?" pagtatanong ni Hailey, "Secret Love Song" tinignan nila Sam ang mga ito, "Aba may in love" pang-aasar ni Sam sa mga ito. "Hindi kami ang sumulat, ang sumulat ay isang fan na in love sa isang taong alam niyang hindi pedeng maging sila" wika ni Thunder, "Wow" bulalas ni Sophia, "E si Steven lang naman halos kasama namin sa kanta" wika ni Hailey. Natahimik si Steven inakbayan siya ni Kirk, at nagwika ng "E siya lang naman kasi ang inlababo ngayon sa amin" natawa si Sam, "Talaga, kanino naman" nanatiling naka-yuko si Steven at binatukan si Kirk. "Grabe ka Kirk, ako in love, huwag kayong maniwala diyan baliw yan e" ngumiti si Hailey, "Ayos naman yun, di ba ang ma-in love pero bata pa kayo hindi niyo naman yun maiintindihan pa, kung gano kabigat ang responsibilidad ng salitang 'Love' kasi kapag sinabi mo sa isang tao ng mahal mo siya dapat handa ka na din sa sarili mo na masaktan at makasakit" natigil silang lahat sa sinabi ni Hailey, "Wow, big words" wika ni Zack sabay siko kay Steven, "Ayan dapat handa ka daw masaktan, simulang mo na pre" wika ni Ryu, nangiti si Sam kasi napansin niya na panay ang silip ni Steven kay Hailey, habang nagrerecording sila.

Kasalukuyang bumabyahe si Aya papasok sa paaralan na tinuturuan, sa school ng mga batang HEROIC. Naiinip siya sa traffic na kinahaharap, "Grabe" tinignan niya ang katabing babae ng panay na din ang tingin sa lerong suot. "Hanggang kailan ba ganito" wika ng isa pang babae. Naisip niya na talagang wala silang maalala na pag-atake ng mga kampon ng dark lord. "Haaayyyyy" panay na ang busina ng driver. Yumuko si Aya at nagulat ang mga tao ng biglang lumapad ang daanan, "Anu nangyari?" wika ng mga tao, pati ang mga tauhan ng highway na iyon ay nagulat sa nasaksihan. "Daanan niyo na lang po ng hindi po kami-malate" tumungo ang driver at dumaan sa ginawa ni Aya. "AYA!" wika ni Giro sa isip niya, "Sorry naman, malelate na kasi ako tsaka nagsasawa na di-" "Hindi mo pa rin dapat yan ginawa" tumirik ang mata ni Aya at pumikit, "Pede ba Giro, ginawa ko ito kasi ito ang makakabuti sa mga tao" bumuntong hininga si Giro, "Magtatanong sila kung saan galing yang daan wala namang manggagawa na gumawa" ngumiti si Aya, "Kaya mo ng gawan yan ng paraan" bumuntong hininga si Giro, "Fine but please this will be the last time na gawin mo ito" ngumiti si Aya, "Opo" muli siyang dumilat at tinignan ang mga tao. "Bilis nilang gumawa dito noh" nangiti si Aya.

HEROIC (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon