Kinarit ni Thea ang isang zombie, "Nakakapagod" wika ni Glen, kinuha ni Aki si Glen ng mawalan ng malay ito at binuhat ni Shock ito. "Malapit na tayo" umilag si Cianna sa malaking bato ng binuhat ni Aki at pinukol sa zombie. Napangiwi si Reshey at Kurt ng madinig ang pirak na tunog ng mga katawan nito, "eeewww disgusting" wika ni Rinowa. 'Arte hah' wika ni Thea sabay sipa sa isa pang zombie at ng makarit nito ang isa sa ulo at iwinasiwas niya ang kaniyang karit kasabay ng katawan ng zombie at ipinukol sa iba pang zombie. "Pasok na kayo" wika ni Aya kila Alec at Cianna, "Shock ibaba mo si Glen at tulungan mo si Aki na isara ang gate" tumungo ang guardian at lumipad iyon patungo kay Aki. Humihingal sila Aldrin, "Grabe daig pa yung training sa Oreta" napaupo si Sam at Sophia sa lapag. Ngumiti si Thunder ilang beses kasi siyang iniligtas ni Sam dahil iyon ang unang pagkakataon na lumaban siya sa mga ganung klaseng nilalang. Napalunok si Ryu sa sobrang pagod at napahiga. Binigyan siya ni Sophia ng tubig at kinuha niya iyon at ininom, ng mapansin niyang may sobra pa sa tubig ay ibinuhos niya iyon sa kaniyang mukha. "Sa likod ng kuta na ito ay isang kagubatan, ang kagubatan ng Barus," wika ni Shock. "Magpahinga muna kayo" wika ni Aya na nilapitan ni Thea at inabutan ng tubig.
Hiniwa ni Hiro ang zombie ng mahaba niyang espada, sa haba ng sandata niya kaya niyang pumugsa ng tatlong zombies ng sabay-sabay. Sinipa ni Via ang isang zombie at nandiri ng saksakin ni Maggie iyon sa noo ng hawak niyang sandata na nakadikit sa mga braso niya. Hinila ni Giro si Saphire at itinago sa likod ng isang malaking puno, "Stay there" utos niya sa dalagita, tumungo naman ito kaya mabilis niyang pinuntahan sila Maggie. "Naiinis na ako" wika ni Steven, "Kalma" wika ni Kirk sabay saksak sa isang zombie, at tumuro sa likod ito. Nilingon ni Hailey ang tinuturo ni Kirk at nakita ang isang malaking puno na may mga taong pumapana sa mga corpse.
Napadilat bigla si Aya sa pag-alarm ng cellphone niya. Sa reyalidad panaginip lamang ang mga nakita niya, nasapo niya ang ulo niya at hinanap ang cellphone "4:30" pinatay niya ang alarm at bumangon sa kama. Bumababa siya ng maamoy niya ang nilulutong sinangag ng kapatid na si Aki. May-ari sila ng isang kainan sa may garahe ng bahay nila. "Kain na te" wika ni Hiro habang naghihiwa ng sibuyas. "Hindi na malelate na ako" humikab si Aya at kinuha na lamang ang tinitimplang milo ni Thea "Ate?!" ngumiti siya dito, sumimangot naman iyon. "Ang weird ng panaginip ko" wika niya, "Anu may boyfriend ka na?" masayang tanong ni Thea, kinurot niya ang ilong ng bunsong kapatid sabay tawa na sarkastik "Ahahahaha, nakakatuwa Thea, hindi yun, nasa isang lugar daw tayo tapos the weird part is HEROIC daw tayo, may powers daw tayo tapos andun pa nga yung mga students ko pati yung U-Gen, hindi ko na maalala yung mukha ng ibang tao dun pero super weird kasi parang totoo" lumabas sa banyo si Aki at binaba ang libro sa mesa, "Hiro libro mo iniwan mo sa cabin sa banyo" nabasa ni Aya ang title ng libro. "HEROIC" biglang pulot si Aya sa libro niya at tinignan si Aki, "Sayo ito?" nagtatakang tumungo si Hiro. "Ate tayo bumili niyan remember sa bookstore last week" naalala niya, naintriga kasi sila ni Thea at Hiro sa writer ng libro wala kasing makikitang details about sa writer na si Dalfiya Walton. "Ligo na malelate na kayo" wika ni Aki na tinutulungan ni Hiro sa paghihiwa. "Thea anong oras pasok mo?" humiga pa sa sofa si Thea, "8 pa magrereview muna ako" kinuha niya ang notebook sa bag, tinapik ni Aya ang noo nito. "Sus review, iidlip ka lang diyan, Hiro 10:00 pa pasok mo di ba yung kakambal mo saside line ng tulog yan" tumawa si Hiro "Kami bahala ni Kuya Aki diyan" pumasok na sa banyo si Aya.
Katatapos lang ng pangalawang klase ni Aya sa school na tinuturuan niya, "Mama Aya" nilingon niya ang mga grade 5 students niya at niyakap siya ng mga iyon. "Mama Aya, narinig mo yung balita sa TV, grabe" wika ni Aubrey, "Anu ba yung balita naka-grabe agad kayo" ngumiti ang mga iyon, "Yung mga pinapatay ngayon ang dami na" wika ni Via, "Anu gagawin natin e simpleng tao lang tayo" tumungo-tungo ang mga bata at nadinig niya ang bulong ni Glen. "Kayo kame hinde" napatingin siya kay Glen, "Anu yun nak?" ngumiti si Glen at nagsilakad na ang mga bata, "Bye Mama Aya, kain na kami sa canteen" paalam ni Cianna, "Wait sabay ako" wika niya sa mga ito. Nakakumpol sila ng ibang grade 5 na students. "Mama Aya tulala ka" wika ni Saphire. "Nanaginip na ba kayo na parang totoo pero alam mong imposibleng maging totoo" wika niya sa mga ito. Napaisip naman ang mga bata at napatingin kay Aya na nakatulala pa rin. "Mama Aya anu ba yung panaginip mo?" tanong ni Hannah. At kinuwento niya sa mga ito ang panaginip niya, panay ang kalabitan ng mga ito, "Mama Aya time na akyat na kami" ngumiti si Aya at pumalumbaba, tinabihan siya ni Sophia at nila Riyuna at Rinowa. "May problema? love life noh, sabi na may BF ka na" ngumisi siya sa sinabi ni Sophia, "How I wish, ang weird kasi ng dream ko e" tinignan niya ang mga ito at kinuwento ang panaginip sa mga ito. "Tara!" hinila siya ng mga ito hanggang sa HELE room ng school nila, "Mother huwag mong ikukwento ito kahit kanino hah" kumunot noo ni Aya, "Sa HEROIC book of heroes ni Dalfiya Walton, nabasa ko ang part na noon may mga goddess at gods sa kalangitan ngunit sa sobrang pagmamahal nila sa tao inibig nila ang ilan dito at nagkasupling, dumami pa ang kanilang lahi at maaring isa ka na sa kanila" napakunot ulit noo ni Aya at itinapat ni Riyuna ang kamay niya sa may gripo sa HELE room at bumukas iyon na ang tubig ay lumutang patungo sa kamay ni Riyuna, napa-atras si Aya at nilak niya ang pinto. "Ito pa" hiwakan ni Rinowa ang tubig na bola at naging yelo iyon at ginawang espada ni Rinowa. Yumuko si Aya at tinignan ang lupa, bata pa lang siya alam na niya na kakaiba siya sa iba, ini-angat niya ang kamay at ang semento ay naging espada din. "See minsan ang panaginip ay parte ng ating buhay, minsan nangyari na iyon o mangyayari pa lamang" wika ni Sophia "Déjà vu" wika niya sabay nawala ang lupang espada at yelong espada. "Pati ikaw" wika niya kay Sophia, tumungo ito, "Have you ever notice, kahit isang gasgas wala ako nung nadapa ako nung youth camp" napagitla siya at ngumiti. "Shield" wika niya yun kasi naalala niyang powers nito sa panaginip niya. "Well kaming magkakapatid din, si Thea she controls the fire, Hiro sa wind at si Aki super lakas niya" ngumiti si Sophia, "Well my Ate controls the time" napa-isip si Aya, "Hindi kaya nangyari na yung nasa panaginip ko somewhere else na gustong maalala ng isip ko" tumungo ang kambal, "Maari, o kaya ala-ala sa dati mong buhay" tinignan niya ang mga ito, "Sabi kasi ng pinsan namin si Kuya Giro, may mga panaginip tayo na ala-ala ng nakalipas nating buhay" napa-upo sa sofa ang apat at ng may kumatok gumawa ng kamay na lupa si Aya at binuksan ang pinto. "Hoy time na!" wika ni Ace na classmate ng tatlong dalaga, tumayo ang mga ito at kumaway kay Aya, naiwan sa loob ng HELE room si Aya at sinara ang pinto.
"Grabe ang init", wika ng isang babae sa loob ng LRT, tinignan ni Hiro iyon at bumuga ng hangin, lumakas ang hangin sa loob ng LRT at nagkatinginan ang mga tao, nangiti si Hiro, binatukan naman siya ni Thea "Puro ka kalokohan paano kung mahuli ka" ngumiti si Hiro sa kakambal at inakbayan ito. "Tol kanina ka pa tinitignan nung lalaki 4 o'clock" pasimpleng tinignan ni Thea ang sinasabing lalaki at napansin nga niyang nakatingin ito sa kaniya. Nakasalamin iyon at gwapo naman pero inisnab niya ang lalaki, "Uy! Tara dito na tayo bababa" wika ni Hiro habang hinihila si Thea. Tinignan ni Thea yung lalaking nakatingin sa kaniya kanina napansin niyang wala na iyon sa kinatatayuan nito at sumara na ang pinto ng LRT. "Bilisan mo Tol, late na ako e" wika ni Thea kay Hiro, "Ikaw mamaya pa kasing 10 klase ko" iniwan na ni Thea ang kakambal at kumaripas ng takbo. Pagpasok niya sa room nila andun na ang professor niya na popular sa lahat ng students bukod sa nasa 30 lang ito at doctoral degree na ang natapos ay nunukan ito ng gwapo si Prof. Giro Walton. "You're late again Ms. Marquez" umupo si Thea sa upuan niya at napakamot sa batok niya. "Haaayyy, buti ako ang 1st subject teacher mo" ngumiti si Thea, "Thank you sir" ngumiti ito at nagsulat sa board. Bumukas ulit ang pinto at napakunot noo ni Thea sa pagpasok nung lalaking nakita niya sa LRT. "Mr. Walton, alam mo sinabi ko na sayo sumabay ka na sa akin sa pagpasok e di nalate ka" ngumisi ang lalaki, "Class your new classmate pinsan ko si Mark Wendell Walton" umupo iyon sa tabi ni Thea dahil wala namang katabi si Thea. "Hi! I'm Monica" inisnab ni Mark ang babaeng nagpapakilala sa kaniya at nakatingin kay Thea na nakatalikod sa kaniya. "HEROIC" napatingin si Thea kay Mark sa binulong nito.
BINABASA MO ANG
HEROIC (Book 2)
AdventureTaong 2016, ito ang panahon ng mga makabagong nation kung saan ang mga halimaw, lumilipad na tao, naglalakihang golem ay alamat n lamang, kung saan ang mga bayan na minsan ay tinawag na Walton, Boros, Moros, Aeros, Chaos atbp ay pawang kwentong baya...