"Pinaghahanap na po ng mga awtoridad ang mga kabataang sinasabing HEROIC, sila yung mga nakamaskarang kabataan na nagpasimula ng gulo sa iba't-ibang panig ng mundo at bansa, sinasabi ng mga kapulisan na sila ay mga kasamahan na mga HEROIC na nagtago sa Wall School ng St. Claire's Academy" pinatay ni Thea ang TV, "Kung buhay ang ate nasaan siya?" tanong ni Hiro. "Nagpapagaling siya" wika ni Giro habang nakatingin sa kawalan, "According to Hailey, nasa isang kwarto daw si Aya at minomonitor ng mga doctor," inisnab ni Thea si Giro, "Ngayon ano ang plano niyo" wika ni Thunder, "Ipagpatuloy niyo ang pagpapasikat sa mga tao, dahil nawawala ang attensiyon at tension sa HEROIC sa tuwing may nilalabas kayong album" wika ni Mark, tinignan ni Thea ito at ng magtama ang mga mata nila ay nag-iwasan sila ng tingin sa isa't –isa. "Paano si Ate" pag-usisa ni Aki, "Hintayin muna nating maghilom ang mga sugat niya, tayo lalo nating bubuwisitin ang gobyerno" ngumiti si Thea, "Gusto ko yan" tumayo si Thea. "Bakit hindi natin simulang sa kaguluhan sa Mindanao" wika ni Sam, na nagbabasa ng dyaryo at binaba iyon sa mesa. "Sa tingin ko ang kailangan natin ay ibahin ang tingin sa atin ng tao, hindi naman tayo ang kaaway dito" wika ni Sam na sinang-ayunan nila Natalie, "Tama si Sam" wika ni Ashton. "Pwes, humanda kayo" pagkasabi ni Giro nun ay napunta agad sila sa lugaar kung saan may nagpuputukan at nakakadinig sila ng mga boses.
'Kuya Giro! As in ngayon talaga!' wika sa isip ni Sam, "Sophia Shield on sa lahat" tumungo si Sophia. Ilang sandali pa napahinto ang mga sundalo at ang mga bandidong grupo sa pakikipagbarilan ng mapansin si Thea at Hiro na naglalakad sa gitna nila, "Tumigil na kayo" mula sa ere ay nakita nila si Fhaeri at Eirole, "Anu ginagawa niyo dito?" tanong ni Thea at napa-atras silang kambal ng kidlatan sila ni Fhaeri, mabilis na lumabas si Giro, Sam at Sophia sa kanilang taguan, "Traydor" wika ni Aki at binuhat ang isang tangke at pinukol kay Eirole pero nagyelo iyon. "Sabi na may mali sa pagkakawala niyo" tika ni Hiro na nakasakay kay Ninny at may ipo-ipo sa kamay nito. "Dahil sa kaniya!" tinuro ni Eirole si Giro, napaturo si Giro sa sarili at tinignan sila Sam, kumibit balikat ang mga iyon. "Mahal ko si Ayanna, noon pa mang mga bata kami ay may nararamdaman na ako sa kaniya, pero ng dumating ka sa amin" umilag ang lahat sa rumaragasang yelong lupa, "Bakit mo nagawa sa amin ito, kung mahal mo si Ate Aya hindi mo gagawin ito" tinira ni Thea ito ng apoy at inilagan ang kidlat ni Fhaeri, "E bakit pati ikaw, best friend ka ni Ate Aya" ngumiti si Fhaeri, hindi ito sumagot at tumingin kay Eirole, "Alam ko na" tinira ni Hiro ito ng wind blade nito at tinamaan si Fhaeri sa braso nito. Tumalon si Ashton at kinidlatan si Fhaeri, "Hindi naman kami nag-iisa sa pagpunta dito," napa-atras sila ng makita yung mga half blood na kasama ng mga ito. "Kuya Giro" wika ni Saphire "Ahhhhh nagtataka na po sila" tinuro nila Maggie yung mga tao. Hinarap ni Giro ang mga tao, "Sila ba ang mga HEROIC na kinatatakutan niyo, hindi sila nag-aalinlangang paslangin kayo o ang pamilya niyo" wika ni Giro sa isip ng mga tao, "Kami ay HEROIC din tulad nila pero ang pinaglalaban namin ay ang pagkakapantay-pantay ng pagtingin sa tao at HEROIC" dugtong pa niya.
Nakatayo sila Hannah sa likuran ng mga terorista, nakatago sila sa mga puno upang magmanman sa mga ito upang kung may gagawing masama ang mga ito ay maunahan nila ang mga ito sa gagawing aksyon. Natatameme sila kapag nakikita nilang isa-isa sa mga sugatang terorista ay namamatay, tumulo ang luha ni Cianna at napayakap kay Aubrey, "Kuya Giro, please tama na po" wika ni Cianna "Hindi pa ba sapat sa inyong mga tao na kayo kayo ay nagpapatayan, kaming mga HEROIC hindi namin hangad ang digmaan" wika ni Giro sa isip ng mga tao at iniugnay niya ang isip ng military sa naghihingalong terorista, napagitla ang mga sundalo, "Tao lang din sila, may buhay na dapat pangalagaan" wika pa ni Giro, napatingin ang mga sundalo kay Giro, "Ang tunay nating kaaway ang gobyernong mali na ang pagpapalakad ay hindi pa nila makita ang kanilang kawalang pusong Gawain" tinignan ni Thea si Giro at tumungo, tumawa si Eirole, "So pipigilan niyo kami?" wika ni Eirole, "Oo" wika ni Thea na naglabas ng apoy sa mga palad niya.
BINABASA MO ANG
HEROIC (Book 2)
AdventureTaong 2016, ito ang panahon ng mga makabagong nation kung saan ang mga halimaw, lumilipad na tao, naglalakihang golem ay alamat n lamang, kung saan ang mga bayan na minsan ay tinawag na Walton, Boros, Moros, Aeros, Chaos atbp ay pawang kwentong baya...