Nakatayo si Aya sa isang cliff, "Mama Aya dito na ba kami magtetraining" tanong ni Maggie, tumungo si Aya at tumalon sa cliff, sumunod ang mga bata, pagdating nila sa baba sinalo sila ng malambot ng lupa, "Cool bouncy!" wika ni Lestat. "Simula ngayon, mamumuhay kayo ng normal pero sa tuwing matatapos ang klase niyo pupunta kayo sa lugar na ito gamit ang portal ni Maggie para magsanay" tumungo sila, "Umuwi na kayo at kapag nakita niyo ang mga kasamahan natin tell them na hindi niyo alam kung na saan ako" tumungo ang mga bata. "E hindi naman talaga namin alam kung na saan ka Mama Aya" ngumiti si Aya, "Sa bagay hindi niyo nga naman alam ito" tinignan ni Aya si Ninny, "Kamusta sila" tanong ni Aya dito, si Ninny lamang kasi ang nakakalabas sa lugar na iyon para magmanman sa mga kapatid at kay Giro. "Ilang buwan ka ng nandito Mama Aya, hindi ka ba magpapakita sa kanila" ngumiti si Aya at hinawakan ang mukha ni Aubrey, "Kapag ang tama ay mali tsaka ka lang mamamagitan sa kanila" wika ni Quinnie, "Grabe ka Mama Aya hindi ka ba nabobored dito" umiling si Aya at tinignan si Ninny, "Sige na bukas ulit kapag natapos ang klase niyo hah" tumungo ang mga bata at nilabas ni Maggie ang kaniyang portal.
4 na buwan ng naglalaban ang grupo nila Aki at Giro, "Pareho silang hindi nakikinig sa paliwanag ng bawat isa" wika ni Mark kay Ninny, "Mahirap ito mukhang matatagalan pa si Aya sa kaniyang tinataguan" tinignan ni Ninny ang mga aninong papalapit sa kanila at naglaho, "Sino kausap mo?" wika ni Thea, "Itong si Phantom" tinignan sila ni Phantom at nagtago sa mga bulsa ni Mark, "Namimiss ko na si Ate" inakbayan ni Mark ito, "Kahit kailan ba hindi siya nagpadala ng mensahe sa iniyo" umiling si Thea at niyakap si Mark, "Madalas kinakampihan niya kami pero siguro nga medyo nahihirapan siya kasi si Giro ang na-iinvolve dito" ngumiti si Mark, madalas siya ang kumakausap kay Ninny kasi kapag sila Hailey alam niyan mahuhuli ang mga iyon, nagpapadala siya ng mensahe kay Aya at nagbibigay ito ng response thru Ninny. Ang alam niya minsan si Aya mismo ang pumupunta sa kanila, pero minsan lang niya nakita ito, kasama nito si Ninny nung pigilan nito ang laban ni Aki at Giro pumagitna ito tapos nawala na ito.
"Na saan ka ba?" wika ni Giro na nakatayo sa tore ng St. Claire, hinahanap niya si Aya gamit ang isip niya pero hindi niya ito makita. "Hinahanap mo ako", tinignan niya ang nagsalita, ang ngiting iyon at ang mga malalamyang mata nito, "Aya!' niyakap niya ito ng mahigpit na para bang ayaw na niya itong bitawan pa kahit kailan, "I'm so sorry" ngumiti si Aya at niyakap din ang katipan, tinignan niya ito sa mata at dinampian ng halik ang labi nito. "Please stay" umiling si Aya, "Pumunta ako to see you Giro, isa pa hindi din kasi maganda na gambalain mo ang isip ng lahat ng tao sa mundo just to see me" hinalikan nito ang balikat niya at muli siyang niyakap. "I'm sorry, I don't mean to do this honey" hinalikan niya ang pisngi nito at tumungo-tungo si Aya, "Naniniwala ako Honey na maaayos mo ito" tinignan siya nito at hinawakan sa mga kamay, "Ang gusto ko lang ay normal na buhay para sa atin" ngumiti si Aya, "Yun din naman ang pinangarap ni Aki, kaso magka-iba ang gusto niyong mangyari" magsasalita pa sana si Giro pero inawat siya ni Aya at humakbang, "Aalis na ako, till next time" yumuko si Giro, "Kailan naman yan" ngumiti si Aya at kumibit balikat. "I love you" hinila pa ni Giro ito at hinagkan sa labi, "I love you more" ngumiti sila at nawala na si Aya. "Kuya sino kausap mo?" ngumiti si Giro, "Si Aya" ngumiti si Sam, "Dinalaw ka niya" ngumiti si Giro, "I miss her so much" ngumiti si Sam at hinimas ang balikat ng kuya niya, "Kuya kapag naayos na itong gulo na ito, sigurado akong magkakasama na din kayo" ngumiti si Giro at inalalayan si Sam pababasa tore.
Dito na ba matatapos ang aming grupo, dito ba mawawala ang aming samahan ng tuluyan. Lumipas ang araw at buwan, ang mga minuto na wala kaming koneksiyon sa isa't-isa hanggang sa maging taon na. Ang mga batang aking inaalagaan mga nagbibinata at nagdadalaga na, at ang labanan sa pagitan ng mga HEROIC lalong lumalalim, nanonood ako sa malayo at nakikita ang mga galit sa puso ng bawat isa. Paano na ang dating magkaka-alyansa ay nauwi sa ganitong sigulot? Ito ang HEROIC at nabago ang aming istorya sa pagdating ng bagong kalaban.
_End of Book 2_
BINABASA MO ANG
HEROIC (Book 2)
AdventureTaong 2016, ito ang panahon ng mga makabagong nation kung saan ang mga halimaw, lumilipad na tao, naglalakihang golem ay alamat n lamang, kung saan ang mga bayan na minsan ay tinawag na Walton, Boros, Moros, Aeros, Chaos atbp ay pawang kwentong baya...
