Chapter 16: The Trap

53 4 1
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagiisip si Aya sa mga kaganapan sa kaniyang paligid, hindi niya alam na may mga mata na nagbabantay sa kaniya. Nakaramdam siya ng kilabot at presensiya ng isang tao. Lumingon siya sa paligid at wala naman siyang nakita, lumabas siya sa labas ng bahay nila at lumingon-lingon sa paligid ng subdivision. "Aya!" nakadinig siya ng tinig at "AAAAA" nagising siya sa tunay nilang mundo. "Ate!" niyakap ni Thea ito, "Anu nangyari?" tanong niya agad kay Samantha, "May mga lumabas na bubbles at nakatulog tayo, buti na lang nagising ni Shock itong si Thea" wika ni Thunder. "Nanaginip ako" wika ni Ayanaa, "Ako yung nakita ko pero parang ibang katauhan yung ako" napataas ang kilay ni Thea, "Huh?!?" napakamot ng ulo si Thea at sila Aki. "Minsan ang panaginip ay kaganapan ng dati mong buhay o mga bagay na magaganap pa lamang o naganap na" wika ni Samantha. "Makinig tayo sa matatanda" siniko ni Sam si Thunder sa pang-aasar nito. "Kamusta yung mga bata" tinignan ni Aya si Aki. "Yun ang problema natin" wika ni Thea, "Bakit?" nagtingin pa sila Thea, "Anu ba? Sabihin niyo nga kinakabahan ako sa tinignan ninyo" tumayo na siya sa pagkaka-upo, "Nagkahiwa-hiwalay kasi tayo sa gubat, hindi namin malaman if nasaan sila" napabuntong hininga si Aya at pumikit, hinanap niya gamit ang pagramdam sa buong kalupaan, "Alam ko na kung nasaan sila, sa tingin ko hahayaang ko munang sila ang makahanap sa atin" tinignan ni Aya ang isang malaking kadena na nakakabit sa isang lumulutang na isla.

"Nasaan na kaya sila" wika ni Reshey habang nakahawak sa kamay ni Kurt at Klieyah, naglalakad sila ng maingat sa kagubatan, "Hindi ko alam" wika ni Kurt at napatigil sila ng makarinig sila ng mga kaluskos sa may mga halamanan. "Resh tignan mo" tinutulak pa ni Kurt ito umiiling ito at tinutulak naman si Klieyah "Bakit ako?!" angal nito na naiiyak sa kaba. "Uy!" napahinto sila sa paglabas ni Aaron at Aldrick kasama si Lestat at Eena. "Walang hiya!" nabatukan ni Kurt sila Aaron sa binigay na niyerbos nito sa kanila. "Hindi ba pedeng sumigaw muna kayo" wika ni Resh "Matatanggal na puso namin sa kaba noh" angal ni Klieyah. "Sssshhhh" saway ni Eena sa mga ito at inilabas niya ang hawak na sandata. "Me-me-may tao ba d-d-diyan" nanginginig pa si Aaron na lumalapit sa halamanan, "Waaaaaa" nagulat sila sa paglabas ni Aldrin at Quinn. "Pasensiya na masyado kasing masikip yung daanan, tsaka sinusunod ko lang utos ni Manang Quinnie" tinignan nito si Aldrin at siniko, "Manang?!!?!!!!!" natawa sila. "Na saan kaya sila? Alam mo ba?" tanong ni Eena kay Quinn at umiling ito. "Sa totoo lang sa umpisa ng pumasok tayo hindi na ako pinayagan ni Aya na gamitin ang powers ko, isa pa nasa isang warp zone tayo, malamang malapit lang din sila sa atin" nagkatinginan ang mga bata. "Kung kami sila" ulit nila Eena, ngumiti si Aldrin "E hindi tayo sila e" nagtawanan sila, "Tara lakad na lang tayo" napayuko si Quinn. "Sa taas" huminto sila Eena at tinignan ito, "Sa taas" ulit ni Klieyah at tumingala, nanlaki ang mga mata nila ng makita ang malaking kadena na nakakapit sa taas ng isang isla na nakalutang mula sa isang malaki at malalim na bangin. "Sa taas ang bayan ng Aeros" wika ni Quinn. "Talaga" wika ni Aldrin ngumiti sila Aaron, "Ayos Aldrin magdrawing ka na ng malaking ibon tapos sakyan natin papunta sa taas" lumakad si Quinn at tumalon sa taas ng kadena, "Ang bangin na yan ay humihigop ng ating aura wala kang magagawa kundi tawirin ang kadenang ito papunta sa taas" napalunok si Lestat, "Pede dito na lang ako kapag naka-akyat na kayo hagisan niyo na lang ako ng tali dito" natawa sila sa sinabing iyon ni Kurt. "Sige maiwan ka diyan kapag may dumating na zombie defend the chain okay" napanganga si Kurt, "Nagbago na isip ko, aakyat na ako" ngumiti si Quinn at lumakad, habang ang mga bata ay mga nagsisisgawan sa pag-akyat. "Quinn" tinignan niya si Eena na nauuna sa mga ito, "Paano mo nagagawang mabalanse ang pagtayo diyan?" tinignan ni Quinn ang kinatatayuan, "May patag na anggulo ang kadena hanapin mo lang na masmabilis" tinignan ni Eena ang kadena, "Mabilis e madulas mahuhulog na nga ako halos" mabilis na humakbang ulit si Eena. "Ayoko na Mama!" napalingon si Aya "Mukhang may isang grupo na papa-akyat na dito" wika ni Aki at sumilip sila sa gilid ng bayan ng Aeros.

HEROIC (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon