Humihikab pa si Aki ng gisingin siya ni Aya ng sobrang aga. "Ate ang aga naman nating aalis saan ba tayo pupunta at kasama itong mga bulinggit na ito" angal niya sa ate niya. "Field trip" wika ni Airam, napataas ang kilay ni Aya, "Field trip?!" tumawa si Aya, "Training po ang pupuntahan natin Airam" nagkatinginan ang mga bata. "Training Mama Aya" napakamot si Hiro sa ulo niya. "Oo ilang beses niyon uulitin ang training tara record na lang natin" tumawa si Thea, "Benta yan kambal" bumaba sila sa bus. "Waaahhh" bulalas ni Aki at Hiro, "Dito ang training niyo" nakangiti pa si Aya pero ang mga bata ay parang nandidiri sa lumang gusali. "Okay I'm out in here" hinawakan ni Kurt ang bag ni Aldrin. "Anu ito ghost hunting?" tanong agad ni Benjamin. Umiling si Aya at pumasok sa pinto, sabay-sabay na sumigaw ang mga bata ng may magsalita. "Kamusta" wika ng isang matandang kuba, "Oggie" bati ni Hiro dito. "Mama Aya" nagsiksikan agad ang mga ito sa likod ni Aya. "Kamusta ang mga paborito kong manglalaro" ngumiti si Thea. "Alam na yung dati pa din, sasali kami" wika ni Aya, "Talaga" lumakad ito at bumukas ang isa pang pinto at nagsipasok sila sa kwarto na iyon, nagulat sila ng bumaba ang lapag. "Anu bang lugar ito" wika ni Aubrey. "Underground society" wika ni Thea, "Dito naggaganap ang lahat ng iligal na gawin mula sa itaas, taon-taon may ginaganap na palaro ng lahi dito, lahat ng manlalaro ng bawat bansa o bawat asosasyon ay sinasali dito kasi malaki ang nakukuhang pera ng mga manlalaro sa tuwing nakakatalo sila ng manlalaro ng ibang gang lord" wika ni Aki. "OMG, Mama Aya no way bakit kami ang sasali mo dito" wika nila Glen. "HEROIC kayo, so ang fighting instinct niyo ay pitong beses na masmalakas kesa sa normal ng fighter sa arena na ito" pagpapaliwanag ni Aya, "Isa pa kung hindi ko ito gagawin habang buhay na lang ba kayong aasa sa amin sa tuwing may nakakaharap tayong kalaban" dugtong pa nito. "Sa first round ng labanan na ito elimination ang labanan rampage iyon" napatigil ang mga bata, "Rampage?" ulit ni Jerry. "Ito na naman sila" inis na bulalas ni Aki. "Paulit-ulit talaga kayo no" asar na wika ni Thea. "SSSSSS ako nagpapaliwanag di ba" tumigil ang mga kapatid ni Aya. "Rampage ang 9 sa inyo ay inilista ko ang pangalan sa bawat arena, ang bawat grupo ng bawat kalahok ay binubuo ng 9 na manlalaro, sa rampage lahat ng grupo sa bawat arena ay maglalaban-laban tapos pipili ng 5 grupo na makakatagal sa rampage." Tumungo sila Airam. "Ang magkakagrupo, ay tinawag ko silang Abzydy Airam, Quinnie, Reshey, Aldrin, Benjamin, James, Cianna, Via at Jerry, second group Rapzydy Jerome, Aubrey, Maggie, Saphire, Glen, Aldrick, Aaron, Kurt at Eena, third group Enigma Lestat, Kleiyah, Alec, John, Voughn, Paul, Hannah, may bago kayong makakasama sila Daniela, Sophia at Ryu" napakamot ng ulo si Ryu, "Si Daniela, nakilala namin siya dito at iniligtas sa kamay ng Mafia Lord" yumuko ito kasi nahihiya siya sa mga ito, "Kasing edad mo lang din sila Daniela" wika ni Aya, "Anu powers niya" ngumiti si Aya "Makikita niyo din sa arena, isa pa one of a kind ang ability niya bilang Heroic" huminto sila sa paglakad. "Ito na ang room assignment niyo at mga susi, see you" lumakad si Aya at ang mga kapatid nito. "Iiwan mo kami dito" ngumiti si Aya at nawala na ito sa paningin nila. Nakaramdam sila ng kaba, "Sabi nila ngayong taon makakalaban na ang mga hari ng arena" tinignan nila ang mga nagkukwentuhan na mga bruskong lalaki. "Ate Sophia, natatakot kami" ngumiti si Sophia, "Third time ko na dito pero kinakabahan pa din ako" nilapitan ni Eena si Sophia, "E di kilala mo na yung hari ng arena" umiling si Sophia, "hindi ko naman tinatapos itong palaro sinusundo ako ni Kuya Giro" tumawa sila, "Ngayon hindi na niya ako susunduin kasi andito si Ate Aya" tumawa si Aldrin, "Kanina iyon ate Sophia ngayon wala na siya" binaba nila ang mga bag nila sa waiting area. "Kaya pala ang dami niyang pinadala na gamit at gamot" wika ni Quinnie. "Food kaya meron dito" tanong ni Jerome. "Meron, sagana sa pagkain dito" nilapitan nila si Daniela, "Ilang try mo na dito" wika ni Via, "4 pa lang ako nandito na ako last 2 years ago ko lang nakalaban si Kuya Giro" napatungo sila. "It means ganun ka ng katagal na nakatira dito" bulalas ni Glen, tumungo si Daniela, "Kabisado mo na ba daan dito" umiling si Daniela at napabuntong hininga, "Alam niyo bang ngayon lang ako may nakasama ng kasing edad ko" ngumiti sila Hannah. "Talaga!" natutuwang wika nila Cianna at Maggie. "Naku good luck sa ingay ng mga iyan iingay ka na din" wika ni John na sinang-ayunan nila Alec. "Bitter" bulong ni Aubrey sa isip ng mga girls kaya napabulalas ng tawa ang mga ito. "Saan mo nakaharap si Kuya Aki" usisa ni Paul. "Hindi niyo ba alam silang apat ang hari ng arena dito" nabitawan ni Aldrick ang hawak na towel, at nakita ang pangalan ni Aya, Aki, Giro at Thea sa may pader. "Sila nga" wika nila Ryu, "Nakaka-excite!" wika ni Sophia nangiti din ang mga bata pero halata ang mga kaba sa mga ito. "Nakaharap mo si Kuya Aki sa hari ng arena it means malakas ka" wika ni John na halatang natutuwa, "Yown may malakas kaming kasama" pagmamayabang pa niya sa mga kasamahan. "Tandaan niyo may limang panalo dapat ang bawat team after natin malagpasan ang elimination" pagpapaliwanag ni Ryu, "Yosh Ready na tayo!" nilabas ni Sophia ang round sword weapon niya.
BINABASA MO ANG
HEROIC (Book 2)
AdventureTaong 2016, ito ang panahon ng mga makabagong nation kung saan ang mga halimaw, lumilipad na tao, naglalakihang golem ay alamat n lamang, kung saan ang mga bayan na minsan ay tinawag na Walton, Boros, Moros, Aeros, Chaos atbp ay pawang kwentong baya...