Chapter 14: Hidden City of Time

64 3 0
                                    

Nilapitan ni Aki si Aya na nakatingin sa kawalan mula sa second floor ng building ng PCCS, habang nasa harap ito ng computer laboratory. "Lalim ng iniisip mo te" hindi natinag sa pagkakatitig si Aya, "Iniisip ko hindi kaya may ibang tao sa likod ng ginagawa ng gobyerno, naisip ko lang paano nila nalaman na maaaring ihalo ang ating dugo sa tao" sumandal sa pader si Aki at binuksan ang CP niya, "Sabi na may pokemon dito" binatukan ni Aya ito at napakamot ng ulo si Aki. "Sayang! Naka-alis yung Psyduck!" piningot ni Aya ang patilya ng kapatid. "A-a-aray te" natatawang wika ni Aki, "Ang seryoso mo kasi, isa pa hindi dapat ako ang tinatanong mo siya" ningusuan nito si Giro na bumababa sa sasakyan nito. "Anu na naman ginagawa niyan dito?" usisa ni Aya, "Ay si Ate ang daming tanong, siya tanungin mo, ayan sakto papalapit," ningitian ni Aki si Giro at tinapik sa balikat. "Aya, may problema tayo sa underground society" napakunot noo si Aya at naglakad sila ni Giro pababa ng hagdanan at pumasok sila sa may maliit na uwang sa may gilid ng flag pole ng school.

"Anung problema ang sinasabi mo?" tanong niya habang naglalakad sila sa pasilyo patungo sa kanilang head quarters. "Kilala ko na ang tao sa likod ng lahat" napahinto si Aya at tinignan ito, "Ayos binasa mo nasa isip ko?" huminto si Giro at ngumiti. "Hindi, sadyang nalaman ko lang" umirap si Aya at lumakad, "At sino naman?" sinundan siya ni Giro sa pagpasok sa HQ nila. "Ang Dark Lord" napahinto si Aya at tinignan si Giro, nagulat si Aya ng bigla siyang buhatin at tumalon sila ni Giro sa ere upang maka-ilag sa pag-atake ng Dark Lord. Ngumiti iyon at sa pagbaba nila sa lupa ay muli itong umatake, ngunit humarang ang mga lupa. Napatiim bagang si Giro at pinigilan ang mga bata na makapasok sa HQ nila. "Mama Aya!" tawag nila Maggie rito, pero hindi ito lumingon sa kanila dahil nakikipalitan ito sa Dark Lord ng pag-atake. Huminto lamang ang Dark Lord sa pagpasok ni Queennie sa HQ, "Tampalasan" wika ni Aya at tumayo sa harap ni Queennie, tumawa ang hari at tinignan sila Aya, "Sa tingin mo mananalo kayo sa akin" humakbang si Thea, "Hinde! Anu kami assuming" wika ni Glen tinakpan ni Hannah ang bibig nito. "Buti malinaw sa inyo, na ang kakayahan niyo kumapara sa akin ay walang wala" tinignan nito si Aya at ngumisi sa dalaga, ngunit inirapan lamang ni Aya ito at tinignan si Hiro. "Huwag kayong mag-aalala, mahilig akong maglaro gusto kong mahirapan ang gobyerno na hanapin kayo, panget naman sa isang nobela na mabilis mamatay ang mga bida" naglabas ng apoy si Thea at hangin naman kay Hiro. Pa-atake na sila sa hari ng kadiliman kaso napatigil sila ng makita si Eirole at Fhaeri. "Fhae" napatingin ang dalawa kay Ayanna, napagitla si Eirole pero naglabas na lamang siya ng mga yelo sa lupa kaya napa-atras sila Aya at nagawa nilang maglaho kasama ang Dark Lord.

"Anu ba nangyari?" tanong ni Aki, nagkwento sila Thea sa nangyari, "Okay, may mali" wika ni Sam, napatingin sila Saphire sa mga ito at kinalabit niya si Via, "Hindi ako makarelate minsan sa kanila" wika ni Saphire, sumingit sa kanila si Sophia "Ako din" nangiti sila at muling umayos ng upo na kunware ay nakikinig kila Thea. Tinignan nila si Kurt at Reshey na nagbubulungan din ng magkatinginan sila ay nagngitian sila. "Kung gayon siya ang nagbibigay ng mga mensahe sa gobyerno kaya nila nalalaman ang iba sa aksyon natin" wika ni Ashton. Tumayo si Thunder sa kaniyang kinauupuan, "Alam niyo keysa nag-papalitan tayo ng kung anu-ano dito isipin niyo na lang paano palalakasin ang pwersa natin" wika ni Thea na sinang-ayunan nila Thunder. "I agree" wika ni Mark at Thunder, nagkatinginan ang dalawa ng masama. Tinignan nila si Aya, "May na-isip na ako" tinignan ni Aya ang mga bata, "Sumama kayo sa akin."

Sa isang lumang pinto sila dinala ni Aya. "Anu meron dito Mama Aya?" pag-usisa ni Queennie, "Malalaman niyo din, pero sa ngayon gusto kong bumunot kayo ng papel mula sa kahon na ito" at isa-isa silang kumuha ng papel sa kahon. "May mga numero ang papel, 1 at 2 kung anung number nakuha mo yun ang team number mo" nagkangitian sila Cianna ng makita na kasama niya sa team si Aubrey at Glen. "Okay Group 1 Aki, Mark, Thea, Thunder, Sam, Sophia, Cianna, Glen, Aubrey, Jerry, Jerome, Alec, Vhon, Aldrick, Aldrin, Klieyah, Reshey, Kurt, Rinowa, Zack at Ryu," napatingin sila Saphire kila Cianna, at sumenyas ng 'Ang lakas ng team niyo' ngumiti sila Cianna at tumungo. "Group 2 Hiro, Hailey, Steven, Kirk, Natalie, Riyuna, Ashton, Airam, John, Saphire, Via, Maggie, James, Hannah, Aaron, Lestat, Benj, Paul, Eena at Queennie" nangiti sila Saphire at pagtingin sila kila Cianna sumenyas ang mga ito, "Solid team niyo e masmalakas" wika ni Aubrey, natawa si Aya, "Yan ang nabunot niyo" tinignan nila si Giro at Aya "Kayo saang team kayong dalawa" ngumiti si Aya, "Jack n poy sino manalo sa Group 1 matalo sa Group 2" tumungo si Giro, "Nako Group 1 na si kuya Giro malamang" wika nila Cianna, "Isang bagsak" wika ni Hiro, "Jack n poy, hali halihoy sinong matalo mukhang unggoy!" napahinto si Giro sa resulta, tinignan niya si Aya "Akala ko papel" ngumiti si Aya dahil nag-gunting si Giro at nag-bato si Aya, napasigaw sila Aldrin at niyakap si Aya at bumelat kila Kurt. "Amin si Mama Aya!" wika nila Aldrin. "Ito ang mechanics ng training" binuksan ni Aya ang pinto at bumungad sa kanila ay ang isang malawak n disyerto. "O-M-G" wika ni Aldrin at Glen. "Ang pinto na ito ay dimensional door mula sa nakaraang panahon na buo pa ang ilang ancient towns 2016 years ago, kapag sinara ko ito at ilipat ang meter ng layo mula sa nakaraang bayan, mapupunta ka sa ibang bayan muli" tinignan nila Eena sila Aldrin, "May dalawang daan papasok sa bayan ng Aeros, isa mula sa Bayan ng Moros at ang isa sa bayan ng Theia" wika ni Sam at pinakita ni Hailey ang mapa. "Teka-Teka! Nakapunta na kayo diyan?" tanong ni Kirk sa mga ito, tumungo sila Sophia, "Si Lola Dalfiya ang laging nagdadala sa amin diyan sa loob para magtraining kami" bumulong si Thunder, "Oo nga pala gurang na ka-" hindi niya natapos ang sasabihin niya kasi nabatukan na siya ni Sam at Sophia, "SINO GURAAANNGG!!!???!!!!!" natawa si Aya at inawat ang dalawa, "Ang Team ko na mauuna sa bayan ng Moros, magsisimula tayong humakbang sa kinatatayuan natin kapag ang oras ay 4:35 ng hapon na" wika ni Aya tumungo si Giro. Ngumiti sila Saphire "GL" yun ang senyasan nila sa mga kasamahan nila. Kumaway sila Cianna kila Saphire at ganun din sila Aldrin.

"Grabe naman ang init" wika ni Rinowa, nangiti si Aya, "Di ba according sa Dalfiya's diary, puro bandido ang nasa Moros" tumungo si Aki sa sinabi ni Ryu, "Oo andiyan na nga sila" wika ni Aya kaya napalingon sila Aldrin sa paligid nila. "Anu ba yan ganito ba welcome party dito" wika ni Glen. Nag-anyong hippogriff si Glen at sumakay si Aubrey sa kaniya at lumipad sila upang makaiwas sa gulo. "Glen! Huwag kayong lalayo" babala ni Aya. Nang maglabas ng apoy si Thea ay huminto ang mga bandito at may nagsalita, "Kamusta" tinignan ni Thea ang nagsalita, pamilyar sa kaniya ang pigura ng lalaking iyon. "Shock!" masiglang bati niya rito naningkit naman ang mata ni Thunder at Mark ng yakapin ni Thea ito. "Sino ba yan?" pag-uusisa ni Mark, "Pasensiya na at hindi ako nakapagpakilala," yumuko ito "Ako si Shock ang elemental guardian ng fire element" ngumiti si Thea, "Ang guardian ko" nilapitan ni Mark si Shock gayon din si Thunder at Alec, "Uhmmmm, masyado siyang gwapo para maging guardian" wika ni Alec sinang-ayunan ni Thunder ito, "Sa dimension na ito, tao ang anyo naming mga guardian" niyakap ni Thea muli ito, "Tara na sa aming kuta" wika ni Shock. Dumaan sa gitna nila si Mark na tiim bagang na hinila si Thea sa braso, "Ahhh, anu problema mo?" bumitaw si Thea kay Mark "Pede ba hindi kita boyfriend" napahinto si Mark at sila Thunder, "Aray pare naramdaman kita doon hah" wika ni Zack at tinapik ni Aki ang balikat ni Mark, natawa sila ni Aya. "Anu ba kakalabanin natin dito, parang wala namang training na mangyayari dito" wika ni Aldrick, "Shhhhh" huminto sila sa senyas ni Aya at bumaba si Glen at Aubrey mula sa himpapawid. "Mama Aya ang daming..." napalunok si Aubrey habang dahan-dahang humakbang si Aki, "Zombie" wika ni Glen, napatulala sila Kurt at nagkatinginan sila Alec, "Inay ko po, mali ata tayo ng daanan" wika ni Aldrin, hinawakan ni Kurt ang balikat nito ng akmang babalik. "Ate Aya pangarap ko pang maka-gold medal sa NCR ng badminton" wika ni Aldrin at ngumiti si Aya at inilabas ni Jerry ang mga gawa niyang sandata, "Kanina ko pa yan pinagagawa kay Jerry, well it can protect us, tip lang para makatawid tayo diyan patungo sa kuta nila focus, at stay together, kapag umalis ka zone na kaya ka naming protektahan goodluck" dagdag ni Aya napangisi sila Kurt, "Ganda na encourage akong lumaban Mama Aya" wika ni Cianna. "Ate Sophia shield on ka na" wika ni Jerome, umiling ito at ngumiti, 'Hindi natin pedeng gamitin ang ating powers sa lugar na ito' wika ni Sam. "Hah?!? Bakit?!" angal ni Thunder at Zack, 'Dahil sa negative energy ng umikot sa lugar nito kaya nitong higupin ang lakas natin, ang maari lamang nating gawin ay mabilis na makatawid sa kuta kundi matutulad tayo sa mga bungo na yan" wika ni Mark, napayuko sila Glen, "MAMA!" napasigaw si Glen at Aubrey kaya napalingon ang mga Zombie sa kanila, "Ay! Humanda kayo" binaril ni Aya ang isa na papalapit sa kanila, "Remember focus" wika ni Aya kila Jerome at hinila ang mga ito.

Napalingon si Giro sa paligid nila, mga punong naglalakihan at tanging hininga ng hinihingal na si Lestat ang nadidinig nila. "Creepy dito" wika ni Saphire, at hinawakan ni Via ito sa kamay. "Ito ang bayan ng Theia" napalingon sila sa nagsalita, "Sino andiyan?" wika ni Queenie sabay ang paglabas ng isang epada sa kamay niya. Tumawa ang tinig at lumabas mula sa likod ng malaking punong kahoy ang isang babaeng may maninipis na pakpak 'Aeri' wika ni Hiro, tumaas ang kilay ni Maureen ng makita ang babae, "Siya ang aking guardian si Aeri" bumaba ito sa tabi ni Hiro at yumakap sa mga braso nito, kumapit naman si Maureen sa kabilang braso ni Hiro at nagkatinginan ang dalawa. Napabuntong hininga si Hiro, 'Pogi problems be like' wika nila Airam. "Saan tayo dadaan? Kuya Hiro" wika ni Saphire, "Aeri?" pagbabalik ni Hiro ng tanong rito. "Dito ang daan patungo sa kahariaan ng Theia tapos tatawid tayo doon patungo sa Aeros. Ngumiti sila Eena, "Tara" pero inawat sila ni Giro, "May mga bisita tayo" nilabas ni Hiro ang kaniyang sandata na spear, si Hailey ay payong ang inilabas, na nagpatigil sa lahat at napatingin sila rito. "Sandata ba yan?" tanong ni Steven, nagulat sila Maggie ng may patalim na lumabas sa bawat gilid ng payong "Ashtig" wika ni John. "Zombie" wika ni Queenie, napatingin si Eena rito, "Ang galing alam niya agad kung anu nasa paligid namin" wika sa isip ni Eena, "Humanda kayo, huwag kayong lalayo sa bawat isa" gumawa sila ng bilog at magkakatalikod sila. "Walang gagamit ng Powers sa inyo, ang aura ng bawat zombie na yan ay hawak ng Dark Lord at kaya niyang higupin ang lakas niyo at kakayahan" wika ni Hailey, tumungo sila ng sabay-sabay, "Saphire wala kang hahawakan sa kanila okay" tumungo ito at inilagay siya sa gitna ng bilog. "Ayan na" naiiyak si Maggie at Kleyiah 'Mommy!' sabay na wika ng dalawa.

HEROIC (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon