Chapter 11: The First Attempt

65 6 0
                                    


"Akalain niyo yung Eifel Tower pinabagsak nila" napatingin si Rinowa sa mga aleng nagkukwentuhan sa loob ng palasyo sa kanilang kaharian, "Sa tingin ko ay sinasadya nila yang pagpapakita nila ngayon, nakakakilabot nga lang kasi di ba mga may kapangyarihan sila baka atakihin nila yung buong mundo at sakupin tayong mga tao" hindi kumikibo ang kambal sa mga nadidinig nila at lumabas sila sa kasiyahan na iyon na nagaganap sa bulwagan ng kanilang palasyo, "Kamusta kaya sila" tanong ni Riyuna sa kakambal. "Parang gusto ko yung ginagawa nila" napatingin si Rinowa sa kakambal at nangiti "Ako din, iniisip ko anu kaya pakiramdam ng ikaw naman yung nananakot sa mga tao" napangiti ang kambal at tumingin sa mga tao sa loob ng palasyo. "Anu kaya kung dalawin natin yung kaibigan natin" at muli silang pumasok sa bulwagan.

Nagising si Aya ng tumabi sa tabi niya si Sophia, "Uhmm Aya pede ba akong tumabi sayo?" umusog si Aya at tinignan si Sophia, niyakap nito ang teddy bear niya na katabi sa pagtulog at niyakap din siya "I had my nightmares" nangiti si Aya at niyakap din ito.

Habang sila Thea, "Kumain na kayo" kausap nila ang leader General na totoo, "Hindi ako nagugutom" wika ni Thea na nakaupo sa sila at naka-posas ang mga kamay niya, "Na saan ang mga kasama ko" tanong niya sa General na nakaupo na presko sa bangkuan at kumakain ng steak. Bumukas ang pinto at tinulak si Giro at Mark papasok sa hapag. "Thea kamusta?!" natawa si Thea sa pagbati ni Mark. "Kamusta?" pagbabalik niya ng tanong dito. At pwersahang iniupo sa bangkuan sila Giro at Mark. "Sabihin niyo na kasi sa amin na saan ang mga kasamahan niyo" tinignan ni Giro ang general, "Bakit ko sasabihin ang gusto mong sabihin ko ngayong kapag sinabi ko ang bagay na hindi ko alam nasabi ko na yung bagay na ayaw mong marinig mula sa akin" kinuryente si Giro ng lalaking nakatayo sa likod niya, "Isa pang tanong, Sino si Dalfiya buhay pa nga ba siya?" tinignan si Thea si Giro, "Isa lang naman patay dito, yang pag-iisip niyo" wika ni Mark, sabay sipa ni Giro sa lalaking dapat ay kukuryente kay Mark at ng matumba ito ay may pumasok na lalaki hinawakan nito si Giro at napabagsak sa lupa si Giro, nakatingin lang si Thea sa mga ito, "Siya si Absorber, hindi ko pala nasabi sa inyo hindi lang kayo ang HEROIC sa mundong ito" sinundan ni Thea ng tingin ng General at si Absorber, "Inaabsorb niya ang lakas niyo, hanggang sa makaramdam kayo ng panghihina" tinignan ni Thea ang lalaki. "Sasabihin niyo ba kung na saan sila o kami ang hahanap sa kanila, ngayon pa at kusa ng lumalapit sa amin ang mga palay" napakunot noo si Thea "Ano ang ibig mong sabihin panot?" kukuryentehin sana si Thea pero inawat ng General ang sundalo. "Ito" pinakita ang balita at nanlaki ang mata ni Thea ng makita ang Ate niya sa itaas ng tulay alam niyang si Ayanna iyon sa tindig at mata, "Kuha iyan 2 araw na ang nakakalipas" sinabunutan si Thea ng lalaki "Ahhh" tumawa ang heneral "Sa expression mo kilala mo siya" wika ng lalaki, umiiling si Thea "Hi-hin-hinde" pumalag siya sa pagkakasabunot ng lalaki at tinira ito ang apoy na kinagulat ng heneral, "Main element user" wika ng heneral. Napangiti si Giro at tinayo siya ni Mark, "Sa inasal mo, kilala mo nga siya!" may pumasok na isa pang babae at nawalan sila ng malay sa pag-awit nito.

"Taga-lungsod!, taga-bayan, Taga-Malabon!" binatukan ni Aya si Aki sa pagbibiro nito sa sabayang pagbigkas na ineensayo ng mga bata. "Grabe ka te, tumalsik utak ko nun hah" napatigil si Aki ng makitang seryoso si Aya, "Gawin na natin ang plano mamaya Aki, nararamdaman kong may nangyayari kila Thea" yumuko si Aki at tumayo, "Haaayyyy makapag-buhat nga malamang marami akong gagawin mamaya" tinignan ni Aya ito at nangiti. "Mama Aya, anu sabi ni kuya Aki tuloy n po ba ang plano mamaya" wika ni Eena, tumungo si Aya at humawak sa ulo niya, "Basta kumain kayo ng marami" lumakad si Aya at nagkatinginan si Eena at Kurt, "Tama ba ako ng naiisip, hindi maganda pakiramdam ni Mama Aya" wika ni Paul na kinagulat ng dalawa "Waaahhhhh, san ka galing" ngumiti si Paul, "Kanina pa ako dito" wika ni Paul at natawa sila Eena "Haayyyy humanda na tayo tuloy na ang plano mamaya" napatanga si Paul, "Bigla akong kinabahan" wika nito ngumiti sila Kurt, "Kaba sus matagal ko ng kasing pinatigil puso ko sa pagtibok-" tinakpan ni Eena ang bibig nito at hinila papasok sa classroom nila.

Nung uwian, binubuksan ni Aya ang mga portal kay Maggie, "Sige na ang kailangan natin ay ang mapalabas sila mula sa loob ng academy" wika ni Aki, "Tara na" wika ni Aaron, "Avengers Assemble!" wika ni Aldrin natawa lang si Aya, "Wow, superhero ang peg" wika ni Sophia. 

HEROIC (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon