Chapter 5: Illusions from the Past

122 8 7
                                    


Naglalakad si Aya sa hallway ng dormitory ng makita niya ang keeper na si Mr. Nick kung tawagin ng ibang students, "Mr. Nick," tawag niya dito, lumingon ang lalaki at ningitian siya at nilapitan niya ito. "Mr. Nick ilang taon na po kayo dito" ngumiti ang matandang keeper at bumuntong hininga, "Hindi ko maalala pero matagal tagal na din" ngumiti si Aya at tumingin sa bintana, kitang-kita ang Gate to Dalfiya's bridge sa pwestong iyon, "May gusto kang itanong tama ba?" tinignan niya ang matanda at ngumiti "Dati po ba nadidinig ninyo na yung mga pagdagundong na yun galing sa gate na yan" tinabihan siya ng matanda at tinanaw din nito ang gate, "Hinde, pero hindi maganda ang mga susunod na mangyayari ayon sa mga kaganapan sa buong paaralan na ito, simula ng bumalik siya sa lugar na ito" kumunot noo niya at magtatanong pa sana ulit siya kaso lumakad na ang matanda, "Sinong siya?" tinignan niya ang bato at nakita ang isang babae na nakatayo sa taas ng bato "Sino yun" tumalon siya mula sa bintana at mabilis na pinuntahan ang bato pero wala na ang babae doon, hindi siya nagkakamali kamukha niya yung babae pero hindi niya maaninag ng maigi yung mukha nito. "Anu ginagawa mo dito?" nilingon niya si Giro na may dalang libro at kasama si Natalie sa paglalakad, umiling si Aya at lumakad pabalik sa silid niya. Hanggang sa makatulog siya ay iniisip niya yung nakita niya.

"Ikaw......" nananaginip si Aya nasa isang lugar siya na hindi niya pa nakikita kahit sa mga blogged "Ikaw........." wika ng isang tinig ng isang babae "Sino ka?" tanong niya sa nagsalita "Ikaw............" sinusundan niya ang tinig at hinahanap ang daan palabas, "AHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!" napasigaw siya ng mahulog siya sa isang butas, "Ikaw" malinaw na ang tinig na iyon at nakadinig siya ng mga hakbang, akmang tatayo na siya sa panaginip niya ng magising siya sa alarm ng cellphone niya. "Ahhhhh asar ka naman" bumangon na siya dahil papasok pa siya sa trabaho niya bilang school assistant sa library nila.

Naglalakad si Thea ng lapitan siya ni Thunder, "Hi" inisnab niya ito "I remember you ikaw yung nasa gilid ng dorm at kumakaway. "Ako nga" sagot kaagad ng dalaga, napatigil si Mark ng makitang magkausap ang dalawa, "So Fan din siya ng U-Gen" muli siyang nagsulat sa notebook niya. "Ahhhh, I heard you sing kahapon sa music class niyo" bahagyang yumuko si Thea at nahiya sa pagpuri ng binata "Gusto mo minsan magcollaborate tayo" hinawakan ni Thunder ang kamay nito ng masilaw siya sa sinag ng salamin ni Mark, "I-ikaw" utal na tawag nito kay Thunder, "Bakit eye glass?" pananakot nito kay Mark, nagulat si Thea ng hilahin siya ni Mark, napatingin si Thunder kay Thea at Mark at nangiti "Ahhhhh okay gets ko na, gusto mo siya" napatigil si Mark "Sino?" tumawa si Thunder "Alam mo pumunta ka sa laboratory mo dun ka maghanap ng babaeng magkaka-interes sayo" napatingin si Thea kay Thunder at mabilis na tinulak ito "Kala mo sino ka" napatigil si Thunder sa ginawa ni Thea "Wow so totoo nga ang tsismis na may relasyon kayo," tuluyang napikon si Thea at sinuntok ang lalaki na kinagulat ng mga mag-aaral "T-Teka Thea, easy hindi ko naman siya aawayin itatanong ko lang kung anu yung kantang iko-collaboration niyo nakaharang ka kasi kaya hindi ko siya gaano makita" napayuko si Thea at binatukan si Mark at lumakad papalayo sa dalawa, "Nice try geeky" naiwan sa hallway si Mark na takang-taka. "May mali ba akong nasabi" wika niya sa sarili.

"Haayyyy....Hiro patay ka sa akin mamaya" natatawang wika ni Aki ng makita ang post ni Hiro sa FB ng kapatid, papaliko siya papunta sa gazebo ng madinig niya ang mga hikbi at hagulgol ng isang babae. "Hala, multo kaya yun" bulong niya, napatigil siya ng makita si Natalie na umiiyak sa gazebo, iiwasan niya sana ito kaso ewan ba niya at may parte ng utak niyang nagsasabi na samahan ito, kaya umupo siya sa tabi nito na parang patay malisya siya sa nakikita niyang pag-iyak nito. "Oh" inabot niya ang panyo dito pero tinignan siya muna nito at saka inabot ang panyo at siningahan iyon, natawa siya, "Grabe ka kesa ipunas mo sa luha mo siningahan mo" pinipisil pa ni Natalie ang ilong at "Ayan na sayo na labag pa ata sa loon mo na ipahiram iyan" napangiting aso si Aki at umiling "Sayo na mas need mo yan kesa sa akin" nandidiring wika niya sa dalaga. "Arte mo hah" wika ni Natalie "Ikaw ang maarte tanghaling tapat ang drama mo diyan" natatawang wika niya sa dalaga. Hindi kumibo ito at bagkus ay tumulo lamang ang luha nito, "Haaayyyyy, makapasok na nga" napatigil siya sa pagtayo ng hawakan ng dalaga ang kamay niya. "Pede ko bang sandalan ang likod mo?" nagtaka siya sa sinabi nito, "Oo naman" tumayo sila at isinandal ni Natalie ang ulo sa likod niya at muling umiyak. "Alam mo kung anu man yang pinag-dadaanan mo hindi mo dapat iyakan ng ganyan" mahinang hampas ang naramdaman niya sa likod niya, "Kasalanan ng Ate mo ito" napakibit balikat ang binata "Malay ba ng ate ko sa inyo, alam mo ang ate ko hindi naman siya apektado sa nagaganap sa iniyo kaya bakit siya ang sisisihin mo ngayong ikaw ang may problema at hindi siya" ngumiti si Natalie, "Alam mo ang bango mo" napatigil si Aki at hindi kumibo, "May laro kayo di ba" tumungo si Aki at ng maramdaman niyang inialis ng kaklase ang ulo sa likod niya ay umayos siya ng tayo at bahayang lalakad, "Manonood ako" tinignan niya ito, "Sige kapag nanalo kami para sayo yun" ngumiti si Natalie kaya napangiti din si Aki dito.

HEROIC (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon