Chapter 12: Miscalculations

73 7 5
                                    


 "Nagkaroon po ng sunod sunod na pagsabog sa iba't-ibang lugar sa Metro Manila, sa mega mall kung saan nagaganap ang album launch ng U-Gen Boys, sa Makati ilang building na po ang pinabagsak ng isang hindi pa malaman na nilalang, sa Malacaῆang naman ay pinasabog din at sinasabing binihag pa ng mga nasabing grupo si Marie Parker na anak ng Prime-Minister ng South Korea, hindi pa malaman ang pangalan ng grupo at sino sila" pinatay ni Ayanna ang TV, tinignan niya si Cianna, Maggie, Jerry, Aaron, John, Glen, Eena at Klieyah, "Tandaan niyo kailangan nating magulo ang kanilang intensiyon" tumungo ang mga bata at bumukas ang mga portal. "Aeri" lumipad ang guardian ni Hiro, "Tara Cianna, John" hinila ni Aya ang dalawa habang sa kanang portal naman dumaan si Jerry, Aaron, Glen sa isang portal naman lumusot si Eena at Klieyah. Paglabas sa portal nila Eena ay nagtago muna sila ni Klieyah at dahan dahang nilapitan ni Klieyah ang guard at hinawakan ang ulo nito, lumabas ang isang malaking tao na may itim na itim ng katawan at mukha at ang tanging mga mapupula at nanlilisig na mata nito ang mapapansin mo, "Katakot" wika ni Eena, habang ang sundalo ay nagtatatakbo at nagsisisigaw. "Nice combo" wika ni Aya tumakbo ito, sa ibang direksyon, "Jerry! Cianna power down" biglang nawalan ng ilaw ang buong academy, na kinataranta ng mga tao sa loob ng facility. Pinahinto ni Ayanna si John, "Kaya mo bang kontrolin yung mga bantay" tumungo si John at lumakad papalapit sa mga iyon, "Hi! Mga Sir may hinahanap kasi ako" tinignan ng nagtatakang mga gwardiya si John at ngumiti si John dahil napasailalim na ng hipnotismo ang mga ito. "Na saan yung mga pure blood na HEROIC" pagtatanong ni John sa mga ito at lumakad ang mga iyon, nilingon niya si Aya at Maggie, "Glen Aaron dito lang kayo, bigyan niyo ako ng signal kapag may ibang HEROIC na dumating" tumungo sila Aaron at Glen at humarap sila sa kanilang likuran.

"Anu nangyayari?" wika ni Thea tinignan niya si Mark na nanghihina galing sa pagkakabugbog ng half bloods, bumukas ang pinto nila mabilis siyang naglabas ng apoy, "Ate Thea!" bulalas ni Maggie, "Maggie!" tinignan ni Thea si Aya at nagyakap ang dalawa, "Ate" naiiyak pa si Thea ng tawagin ito. "Si Giro?" tinulungan ni Aya si Thea na itayo si Mark, "Hindi ko alam kung nasaang silid siya, basta alam ko inilayo siya sa amin kasi masyadong malakas daw ang kapangyarihan ni Giro" tinignan ni Aya si Maggie "Maggie" naglabas ng portal si Maggie, "John samahan mo sila Ate Thea mo" kumunot ang noo ni Thea, "Thea, susunod ako promise" inayos ni Thea si Mark at may tumulong sa kaniyang lalaki na may apoy "Shock!" ngumiti ito at inalalayan si Mark, "Sige na mauna na kayo. Hahanapin namin si Giro, tumungo si Thea at pumasok sa portal, nung nawala ang portal, "Maggie, imposibleng mahanap ko si Giro ng mabilis hanapin mo ang iba, bumalik n kayo sa headquarters" umiling si Maggie, "Maggie! Kayang kaya kong bumalik sa headquarters sa powers ko, hanapin mo ang iba ako na bahala kay Giro. "Pero Mama Aya" niyakap ni Maggie ito, "Makinig ka, hindi kayo dapat mahuli kasi kayo ang kinabukasan ng HEROIC Clan" tumungo si Maggie at naghiwalay na sila ni Aya ng daan. "Aaron! Glen!" nagulat si Maggie na makitang nakahiga ang mga iyon sa lapag "Anu nangyari dito?" hinawakan niya ang dalawa, "Gusto mong malaman" nilingon niya ang nagsalita at ng malapit na siyang masuntok nito ay nakagawa siya ng portal para makabalik sa kanilang headquarters sa bahay nila Saphire. "Anu nangyari?" bulalas ni Thea, "Si Ate Aya!?" tanong agad nito, "Nagpa-iwan siya si Mama Aya, sorry Ate Thea" naiyak na si Maggie sa takot na masisi nila Thea, napailing si Thea at napasuntok sa lupa. "Si Ate Aya" wika ni Eena at Kleiyah. "Akin na sila" ginamot ni Natalie ang mga sugatan. "Ate Thea sorry" niyakap ni Maggie si Thea pero tumayo ito at pumasok sa loob ng bahay. "Hayaan niyo muna siya" wika ni Aki. "Sorry kuya Aki" niyakap nila Aubrey at Via si Maggie.

Pumasok si Aya sa silid ni Giro, "Aya?" ngumiti si Aya at lumapit dito. "Anu ginagawa mo dito?" ewan ba ni Aya parang lutang siya ng makita niya si Giro, at nasabing "Gusto kita, hindi, mahal kita yun ang totoo, nung una gusto kong sabihin sayo ito, kaso natatakot ako kasi mali, Walton ka tapos ako, sino ba ako? hamak na scholar na naghahangad na mapansin mo, tinitignan kita sa malayo habang kasama mo yung mga kaibigan mo, masaya ako kapag nakikita kita kasama ang taong mahal mo, kasi kayo naman talaga ang bagay, kasi kayo ang magkalebel. Oo, ibinabaling ko sa iba ang nararamdaman ko para sayo, kaso kahit pilitin kong ibaling sa iba ikaw pa rin ang naiisip ko sa umaga, sa hallway, sa lunch time, lumalabas ako ng class ko kasi yung chance na masulyapan kita na dumaan sa hallway din, tapos mag-hi ka sa akin, kaso hindi e, maspipiliin mo siyempre yung mahal mo kesa sa hamak na tulad ko. Kahit na ganun na nasa malayo lang ako pero parang ang lapit mo kasi napapansin mo ako. Sa tuwing nakatalikod ka sa akin alam mo bang gusto kitang yakapin, kaso alam kong hindi naman maari yun" tinignan siya ni Giro, "Talagang hindi maaari, kasi si Natalie ang mahal ko, sino ka ba sa tingin mo, hindi purket binigyan kita ng oras at attention may nararamdaman na ako sayo, assuming ka ba o ganun ka kabilib na magugustuhan kita" napatigil si Aya napatikom ang bibig niya. Parang sasabog ang puso niya sa mga nadinig niya, tama nag-aassume siya na gusto din siya ni Giro dahil sa attensyon na nakukuha niya dito, bakit ba niya iniisip na maaring mangyari ang bagay na iyon sino nga ba siya isa lang naman siyang scholar na nahingaan ng lubos si Giro, noon pa man simula nung makita niya ito ay nagustuhan na niya ang binata, at tumulo na lamang ang mga luha niya. "Anu nagpunta ka dito para diyan" nagpahid ng luha si Aya, "Nasa labas sila Magg-" napatigil si Aya at napatingin sa tiyan niya, "AYA!" nasaksak siya ng isa pang Heroic, hindi niya iyon napansin gawa ng pagkabigo niya sa pagtatapat sa binata, tinignan niya si Giro at umangat ang lupa, nung mapaluhod siya ay nilapitan siya ni Giro, "Umalis ka na" umiling si Giro, "Hindi, sabay tayong aalis dito," hinawakan ni Aya si Giro sa mukha at ngumiti ng inalis niya ang salamin ng binata, "Nung ichat mo ako ng hi, ang saya saya ko kasi naisip ko na kaya din pala akong pansinin ng tulad mo, oo nga pala bagay sayo ang walang salamin, nakikita ko ng malinaw ang mukha mo" hinawakan ni Giro ang sugat nito, "Tara pagagalingin ka ni Natalie" umiling si Aya, "Pakisabi kay Thea so-" lumunok si Aya, at umiling "Sorry" nanlaki ang mata ni Giro ng mapansin niyang nasa ibang lugar na siya. "Kuya Giro!" wika ni Sophia, na-tranport siya ni Aya sa lugar iyon ng hindi niya namamalayan, napatigil sila Thea ng makita ang mga dugo sa kamay at mukha ni Giro, "Hindi man lang siya nagdalawang isip" wika ni Giro kasabay ng pagtulo ng luha niya sa pagtayo niya, "Ang Ate" tinignan ni Giro si Thea, "Sorry" napayakap si Thea kay Hiro at dahan-dahang nanghina ang tuhod nito at napaluhod kasabay ng pag-iyak ni Thea ay ang malakas na pag-ihip ng hangin at pagdilim ng kalangitan, pati sila Saphire ay nakaramdam ng hinagpis sa nalaman nila, umiling si Aki, at kinuwelyuhan si Giro, "Sorry! Anu ginawa mo tinitigan lang ang ate ko!?" naka-yuko lamang si Giro nang may humawak sa balikat ni Aki, "Ninny" wika ni Sam, "Buhay siya nararamdaman ko yun" tinignan nila si Ninny na tumingin kay Dalfiya na nakatingin sa kanila.

Nanghihina na si Ayanna, "Hindi mo ba talaga ako tatawagin" tinignan niya ang nagsalita, "Tama, tawagin mo ako ang hirap na dinadanas mo mawawala yan" itinaas ni Aya ang kamay niya, "Dal-fi—iii—ya" at pumikit na si Ayanna, ngumiti ang Dalfiya at hinawakan ang kamay nito bago iyon tuluyang bumagsak.

AYANNA's POV

Mamatay na ba ako o patay na ako, ang lamig lamig naman. Sana nga patay na ako hindi ko na alam ang mukhang ihaharap ko sa kaniya, bakit kasi magtatapat ka lang sa ganung sitwasyon e di yan nasaksak ka, anu ngayon ito patay ka na. Ganito ba sa kabilang buhay, parang ayaw ko na dito hah.

"Ayanna" nilingon niya ang nagsalita. "Dalfiya" ngumiti ito, "Pede na ba akong tumawid sa liwanag?" umiling si Dalfiya. "Malaki ang papel sa mundong ito, ikaw at ako ay kailangan ng lahat," yumuko si Ayanna, "Ako! sino ba ako? Hindi naman ako Walton na tulad niyo" lumapit si Dalfiya sa kaniya at may pinakita sa isang tubig, "Sila ang may kailangan sayo" nakita niya si Thea at ang iba na umiiyak, "Hindi pa huli, kaya nating pabagsakin sila kung papayagan mo akong manatili dito sa loob mo" napaisip si Aya at naalala si Giro, "huwag mong isipin si Giro" nakita niya ito na naka-yuko at tulala.

Bakit siya malungkot na nawala ako? Sabi niya sino ba ako? Sino nga ba ako at naapektuhan siya ng pagkawala ko?

"Dahil kailangan ka niya?" napakunot noo ni Aya "bakit?" wika niya kay Dalfiya, "Gusto mong malaman, e di bumalik tayo"

Ang liwanag, patay na ba ako?

END OF POV

.

HEROIC (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon