Bumaba sila Ayanna sa school bus nila dala ang mga bag nila, "Oright" excited na wika ni Aki, tuwing ikatlong linggo ay pinapayagan ang mga mag-aaral ng lumabas ng Wall School ng St. Claire's Academy, isang linggo silang pinayagan na lumabas at balikan ang buhay sa labas ng paaralan, "Ito pala ang labas" wika ni Ashton na halatang bago sa kaniya ang lahat ng nakikita niya. "Alam mo dito tawag sa tulad taong bundok pero dahil galing ka sa school taong pader ka" nagtawanan ang magkakapatid sa sinabi ni Hiro. "Hah" napa-iling na lamang sila Aki "Talaga bang hindi ka pa nakakalabas ng Wall School, sabay-sabay nilang tinatahak ang maliit na eskinita, umiling si Ashton "Well once lang ako nakalabas at bata pa ako nun, dahil wala na nga akong magulang ayun wala naman akong bahay na mapupuntahan sa labas ng school ayun, nakulong na ako sa wall school" ngumiti si Ayanna at kumaway sa isang matandang nagwawalis "Nanay Tess" nagmano ang magkakaptid dito, "Ay sa wakas nakabalik na kayo" ngumiti si Ayanna at binubuksan ang gate ng bahay nila, "Naku Nanay, isang linggo lang kami dito" magiliw na kwento ni Aya sa matanda at ng magbukas ang gate ay pumasok sila sa loob ng bahay. "Pasok ka Ashton" nangiti si Ashton sa bahay ng magkakapatid simple lamang iyon at hindi kalakihan pero masasabi niyang payak ang kanilang pamumuhay. "Magpahinga muna tayo, maya-maya dalaw tayo sa dating school namin" wika ni Aya, nangiti din si Ashton, "Sige gusto ko makita kung gaano kalaki school niyo" nagkatinginan ang magkakapatid, "Maliit lang siya pero the best little school in Malabon kung tawagin namin siya." Nakangiting winika ni Aya ang mga kataga at pumasok sa kwarto niya.
"Welcome to PCCS" wika ni Aki, "The POTTER and The Clay Christian School" binasa naman ni Ashton ang pangalan ng paaralan sa pagpasok niya sa gate, hinarang pa sila ng guard pero maya-maya pa ay pinapasok na sila, "Kamusta" bati ng isang guro doon, "E nay!" sigaw ni Aya at niyakap ang guro, "Kamusta ang bago niyong school" umupo si Aki sa gilid ng hallway, "Ayun malaki nakakaligaw, pero iba pa din ang PCCS e" wika ni Thea na kumakaway sa mga ibang students. "Ate Aya!" niyakap si Aya ng mga mag-aaral, "Ashton, ilan sa mag-aaral dito half-blood" wika ni Hiro na kinagulat ni Ashton, "Ang cute naman ng school uniform niyo Ate Aya" ngumiti si Aya "Oo nga Aldrin kaso ang init" pagkukwento ni Aya sa mga ito. "Alam ng school niyo," tumungo si Aki, "Sila pa nga nagtatago sa amin sa puting van na nangunguha ng bata ahahahhaa" natatawang wika ni Aki na kinatuwa ni Ashton, "Kuya Aki!" isang bata ang lumapit dito, "Uy! Airam" nakipag-appir ang bata dito at lumayo "May bago ako" sumigaw ang bata sa lapag at bigla itong bumulusok papataas, natingin silang lahat dito, "Airam!" sinundan ni Hiro ito sa ere at ibinaba. "Ate Aya dapat dito na lang kayo" wika ng batang kung tawagin ay Kurt masmataas ito kay Aya kaya natatawa si Ashton kapag tinatawag na Ate ng mga ito sila Aya at Thea. "Ate Thea siya ba BF" asar ng batang si Aaron dito, ngumiti si Thea at pasimpleng kinurot ito sa tagiliran, "BF ka jan gusto mong matusta" tumawa ng bata, "Joke lang pikon e, kasi totoo" napalingon si Thea dito kaso wala na ito sa kinatatayuan nito, "Aaron!" bigla niyang binatukan ito sa kaniyang tabi, "Aray! Ate Thea, lagi mo na lang akong nahuhuli" kinakamot-kamot pa nito ang ulo.
Hindi makapaniwala si Ashton sa nakita niya sa paaralan na kumukupkop sa mga Half Blood HEROIC, "Ikaw Kuyang pogi, tulad ka ba namin" wika ng batang si Aubrey, tumungo si Ashton at namangha ang lahat ng magpalabas siya ng lightning bolt sa kaniyang mga kamay. "WOW!" bulalas ng mga ito. Nagulat ang lahat ng may bumabag lalaki mula sa kalangitan, naka-leather na black ito, "Balita namin Heroic mga mag-aaral dito e" dahan-dahang tumayo si Aya sa kinauupuan sa school canteen, "Sino ka ba?" tanong ng isa sa mga guro, may lima pang lalaking bumaba mula sa langit, "Magandang maging taguan dito hah" humakbang si Aki at Hiro kasunod si Thea at Aya na kinubli sa likuran ang batang si Glen at Cianna, "Huh, Heroic kami kaya matakot kayo, mga bata lang kayo, wala kayong laban sa amin" lumabas ang mga patalim sa katawan ng lalaki ang isa naman ay nagbuga ng umuusok na magma sa bibig habang yung iba at nilabas ang mga sandata nila. "Yabang nito" wika ni Thea, "Uy! Chicks ito pre" pero bago makalapit ng tuluyan ang lalaki kay Aya, nag-alab na iyon, na kinagulat ng mga lalaki, "Fire user, main element user pre!" naduwag na ang isa at aalis na sana kaso kinidlatan naman ni Ashton iyon, at ang ibang bata ay tumulong sa kanila, "Saphire!" sigaw ni Hiro hinawakan ng isang batang babae ang lalaking puro tulos ang katawan at unti-unting naghina iyon. Tumalon si Ayanna at hinawakan sa balikat ang lalaki ng ihagis ni Aya ang lalakis a ere ay inilipad ito ang ipo-ipo ni Hiro, ilang sandali pa nagulat sila ng huminto ang mga iyon, at may dumating mula sa himpapawid. "Trouble maker talaga kayong magkakapatid" tinignan ni Aya si Giro, "Ano ginagawa niyo dito?" tinignan ni Giro si Ashton, "Dinadalaw ko lang pinsan ko, wala pang isang araw gulo na napasok" umisnab si Aya kay Giro. Lumutang ang limang lalaki at napatigil ang lahat ng madurog ang mga iyon na halos parang pulbos sa sobrang pino, "Sila ang mga basura ng lipunan" wika ni Giro, sabay tingin sa mga bata.
Pinapila si Giro ang mga bata, "Pangalan at powers" wika ni Giro, na kinataas ng kilay ni Aya, "Hi I'm Glen" nagulat sila ng biglang naging malaking Chimera ito, napasipol si Aki. "Airam, echoe" sumigaw ito at napatakip sa tenga sila Aya maliban kay Hiro, "Alec" napahinto si Giro, "Na saan siya" wika niya "Andito po ako sa balikat mo" napangiti si Giro at muling bumalik ang bata sa laki niya, "John," nahihiya pa ang bata, "hypnosis po" tumungo tungo si Giro at Aya, nagkatinginan sila at inisnab ang isa't isa, "Via" bigla itong nawala at sumulpot sa canteen "Teleport?" napasipol si Giro, "Saphire Negation po," nang akmang hahawakan niya si Giro itinaas nito ang kamay niya at muling lumakad. "Aubrey po, telekinesis" tumungo si Giro, "Uhmmmm like me" nangiti ang batang Aubrey, "I'm Cianna, Technopath" napahawak Giro sa baba niya at nangiti, "Maggie," nagulat si Giro isang portal na biglang bumukas sa tabi niya, "Dimension manipulator" natawa si Aya, "Wow Maggie!" tinignan ni Giro si Aya at muling lumakad. "Aaron" nawala ito, "Camouflage" humarap pa si Giro sa isang batang lalaki, "Von, naging dalawa ito higit pa" natameme si Ashton, "I's Lestat," inawat ni Thea si Giro, "Alam ko humanoid robot" at nagpatuloy pa si Giro, "Aldrick po, invincibility" nanlaki mata ni Sam, "Paul po" humawak si Paul sa semento at naging semento ang kamay niya, "Absorber" wika ni Thea, "Hi I'm Aldrin, 11 years of age, my favourite color is-" inawat ni Giro ito "SSSHHHHHHHH!!!!!!! Anu power mo?" ngumiti ang bata at nagdrawing ito sa papel, iniangat nito ang kamay at lumabas ang dragon, nanlaki ang mata ni Mark, "Benj po" lumabo ang katawan nito at lumutang ito sa ere, "Astral projection" tinignan ni Thea si Mark na naghuhubad ng salamin nito sa mata at nangingiti. "Kleiyah" hinawakan nito ang kamay at itinapat ang kamay sa ulo ni Giro, nagulat sila ng lumabas mula sa isip ni Giro ang isang babae naka-yuko ito, pero tinabig ni Giro iyon at nawala. "Reshey, po heat resistance" tinira ng apoy ni Thea ang bata pero hinigop lamang iyon ng katawan ng bata at iniangat nito ang kamay upang ilabas sa kalangitan ang nahigop ng apoy. "BOOM!" wika ni Sam. "Eena po" wika ng batang nakasalamin at ng dumilat nagtaka sila ng hindi gumagalaw si Giro, "Anu nangyari?" tanong ni Ashton, "Mind set teleportation" wika ni Aya, "Ano?" ngumiti si Aya "Sa lugar ng kinatatakutan niya, doon siya dinala ni Eena" ng gumalaw si Giro napatingin ito kila Mark, at bumuntong hininga. Nagpunas din ito ng pawis, "Ikaw?" ningitian siya ng bata "Kurt po" tumingala ang bata at ilang sadali pa ay nawala ang liawanag sa paligid at naglabas ng apoy sa kamay niya si Thea.
�&ԸY��
BINABASA MO ANG
HEROIC (Book 2)
AventuraTaong 2016, ito ang panahon ng mga makabagong nation kung saan ang mga halimaw, lumilipad na tao, naglalakihang golem ay alamat n lamang, kung saan ang mga bayan na minsan ay tinawag na Walton, Boros, Moros, Aeros, Chaos atbp ay pawang kwentong baya...