Binuhat ni Aya yung batang napulot ni Hiro at Marie, "Anu kaya name niya?" wika ni Rinowa at nagmake face siya para mapatawa ang bata. "Aira" tinignan nila si Aya, "Sino si Aira?" wika ni Riyuna, "Itong bata I will name her Aira" tumawa ang bata at hinalikan ni Aya ito sa pingi, "Kyuti, kyuti!" nanggigigil na wika ni Aya, hinele ni Aya ang bata at tinignan niya sila Maggie, "Mama Aya, bagay" ngumiti siya sa mga ito at natawa. "Kayo, magpahinga na kayo, kami na muna bahala dito" ngumiti ang mga bata at natulog. "Aya" nadinig muli ni Aya ang tinig ni Giro, "Bakit?" wika ni Aya sa isip niya at inihiga ang bata sa kaniyang kandungan. "Malapit na ba kayo?" tumingin sa paligid si Aya, "Hindi ko alam, pero nakikita mo ba ang nakikita namin" binigyan ni Aya ng feeding bottle ang bata "Ang cute ng batang yan, anu name niya" bumuntong hininga si Aya, "Aira name niya napulot siya ni Aki at Marie kanina nung biglang sumulpot ang mga alaga ng Dark Lord" tumingin sa paligid si Aya, "Malayo pa kayo, mag-ingat kayo" ngumiti si Aya at kinumutan ang baby at pinuntahan ang driver ng bus. "Manong malayo pa po ba?" tumungo ang driver at lumakad muli si Aya papalapit kay Baby Aira.
Nakatayo sa taas ng Bus #1 si Thea ng may madinig siyang malakas na pagyanig, "Hinto niyo ang bus!" sigaw ni Quinnie kaya huminto ang lahat at naging alerto. "May something banda don" turo ni Quinnie ng lapitan siya ni Aki, lumabas ng bus sila Aki at Hiro kasunod si Ashton at Kirk, "Kuya Aki!" si Glen iyon papalapag sa lupa bilang isang Griffin at bumaba mula sa kaniyang likuran si Sophia, "Anu meron Glen?" naging tao ito, "Malaki siya" wika ni Glen, "Anung malaki?" tanong ni Thea, nakadinig sila ng pagdagundong at tinignan ang madilim na sulok ng kanto ng Santolan Station ng MRT, "Anu ba meron dun?" nilabas ni Thea ang karit niya at si Aki ang kaniyang espada, "Nagpadala ng alaga niya ang Dark Lord" wika ni Quinnie, "Ganun" tumatakbo ang ibang tao mula sa Camp Crame na kilalang Headquarters ng kapulisan sa bansa. "WTF?!" wika ni Benj, napa-atras sila ng makita na isang malaking aso na ma tatlong "Cerberus" wika ni Aya, napakunot noo ni Thea at Hiro, "Alam mo yung breed na yan" inilabas ni Aya ang gun-sword at inisnab si Thea, "Okay nice talking!" tumalon si Aya at binaril iyon, "wow" wika ni Glen, tinignan ni Aya ito at umilag sa nguso ng aso ng muntik na siyang makain nito, "Glen!" tinignan ni Hiro ito at napagitla, "Oo nga si Glen!" wika ni Maggie, "Ako bakit ako!?!" tinulak nila Alec ito papalabas ng bus, "Gayahin mo siya dali!" wika ni Via sa kania, tumakbo si Glen at umilag sa paa ng aso, "Glen!" tili nila Aubrey, "Ito na!" nanlaki mata nila Thea ng magaya nga ni Glen ito, "Tandaan nio susuportahan natin si Glen, iiwasan nating makalmot siya o makagat ng aso okay" tumungo ang lahat sa utos ni Aya, umaangil si Glen, at sinugod ang aso, "Gerus!" natigil sila sa sumigaw na iyon. Napalingon sila at tinignan ang sumigaw, "KUYA MARK!!!!" tumalon si Hailey dito at Sam, "Pasensiya na, binabantayan niya kasi yung mga tao sa lugar dito" pina-upo ni Mark ang alaga, nakatingin si Thea rito sa malayo at hindi lumapit, "Ahem, alam ko miss mo na siya bakit nandiyan ka?" pang-aasar ni Aya sa kapatid. "Okay na ako dito te" muling bumalik sa loob ng bus si Thea. "Na saan yung ibang tao sa lugar na ito" tanong ni Ashton, sumipol si Mark at lumabas ang mga tao, "May napansin ka ba?" bulong ni Resh kay Kurt, "Ang serious ni Kuya Mark" bulong ni Kurt at sinang-ayunan ni Resh at Quinnie, "Makakagawa pa ba kayo ng sasakyan para sa kanila" tumungo si Kirk at Jerry. "Matatagalan tayo kasi madami itong gagawin namin e" wika ni Kirk, tumungo si Aya at lumakad, "Magpahinga muna tayo dito siguro" nagsibaba ang mga tao sa bawat busses at mga nag-unat ng mga katawan. Nilagyan ni Sophia ang pananggalang ang lugar at gumawa ng mga bon fire ang mga tao para makapag-luto. "Thea pahiram ng apoy!" sigaw ni Aki na naghihiwa, nilingon ni Mark si Thea at ng magtama ang mga mata nila umiwas ng tingin si Mark, yumuko lang si Thea at inapuyan ang lahat ng mga nakahandang bon fire na hindi pa nasisindihan. Tinignan ni Thea si Mark na kausap si Aya at Hiro, "Thea, may ipinapaliwanag si Mark about sa mensahe ni Giro" napagitla si Thea ayaw niyang lumapit kung na saan si Mark, ang totoo lang nagtapat ito sa kaniya pero pinagtawanan niya ito, at binale wala, pero kahit ganun ginawa niya iniligtas siya nito pero iniwasan siya. Lumapit siya kay Aya at pinipilit na iwasan ang pagtingin kay Mark, "Ayon sa data ko wala talaga si Giro sa St. Claire, nandoon ang diwa niya pero siya mismo ay wala" tinignan ni Thea si Mark na nakatingin sa laptop, "Paanong diwa lang ni Giro iyon" pag-usisa ni Hiro, "Isa iyon sa kakayahan ni Giro, ang astral projection" wika ni Sam, "Na saan siya?" tanong ni Aya, "Maaring nasa isang lugar siya na tahimik kaya nagawa niyang makapag-concentrate at magawa ang projection" pagpapaliwanag ni Mark, "Hindi kaya sa mundo doon sa dating mundo ng mga Heroic" tinignan ni Mark si Thea, atu muling ibinalik ang mata sa laptop, "Imposible kailangan niya ang tulong ni Sam bago niya mabuksan yung warp zone" yumuko si Thea, "Na-naisip ko lang," nagtype si Mark, "Wala namang nagtatanong ng naiisip mo" umatras si Thea at lumayo sa mga ito. "Grabe ka sa kaniya Mark" wika ni Sam. "Well she deserves that" tinignan nila si Aya at nagtaka, "Pati ikaw," pag-angil ni Hailey, "She need to be hurt inside para lumakas siya, physically she knows and she can tolerate that pain, pero ang masaktan sa loob, hindi niya alam kung paano ihandle pa iyon, one thing, ngayon ko lang makita na ma-heart broken ang sizzy ko" tinignan ni Mark si Aya at kinindatan siya nito at pumasok sa loob ng bus. "Broken heart?!?" ulit ni Sam, "In love ba si Thea bebs" nagkatinginan si Hailey at Sam at nagtilian. "OMGGGGG!!!!!" tinignan ni Mark ang mga ito, at muling nagtype.
"Anu na ang lagay sa taas?" tanong ni Aya kay Hiro, "Wala namang sign ng mga kalaban" tumingin si Aya sa mga tao, may mga pamilyang magkakasama at may ilang pinipilit kontakin ang kanilang kamag-anak gamit ang cellphone. "Ate, hindi lang dito sa bansang ito ang ganito" wika ni Aki, "I know, kaya kinausap ko si Maggie na kabisaduhin ang mga lugar at pupunta ang iba sa atin doon" nilingon ni Saphire si Aya, "Mama Aya sa Sounth Korea kami hah" natawa si Aya at lumakad, "Titignan ko" ngumuso sila Via, "Titignan lang" ngumiti si Aya at napahinto, may naramdaman siya sa puso niya, bahagya ang pagkirot nito at bigla ang malakas na pagtibok, "Mama Aya?" pag-usisa ni Aubrey, "Teka pupuntahan ko lang si Quinnie" pagtalikod sa mga bata ay napahawak siya sa puso niya at dahan-dahang lumakad. Muli ang pagtibok ng puso niya at umikot ang mundo niya, babagsak sana siya ng saluhin siya ni Mark, "Ayos ka lang ba?" napasigaw ang mga bata, "Mama AYA!!!!!" kaya napalingon sila Thea.
Tinignan si Aya ng isang cardiologist sa loob ng isang pribadong hospital. Nang lumabas ang doctor ay tinanong ito ni Aki. "Anu nangyari sa ate ko?" bumuntong hininga ang doctor, "May history ba ng heart diseases sa family niyo?" nagkatinginan sila Thea at umiling, "Hindi po namin alam," wika ni Hiro, "Dati ba nahihirapan na siyang huminga or hinihingal" umiling si Aki, "Malabo siya po ang pinakamalakas sa aming apat" wika ni Thea, "Bigla naman ang signs na may sakit siya sa puso, dahil according sa mga vitals niya normal ang lahat" wika ng doctor, "Kaya nagtataka kami, imposibleng ang isang babae na malakas at masigla ay biglang magkaroon ng sakit sa puso at humina ito ng ganun na lamang" lumakad si Quinnie papasok ng silid ni Aya at sinundan siya nila Thea, "Nanghihina ang kaniyang puso kasi wala sa paligid ang itinitibok nito," nagtaka sila Aki, "Anu?!" hinawakan ni Quinnie ito sa puso, "Ito ang pinakamahinang parte ng babae ang puso, kung humina ito ng bigla isa lang ibig sabihin niyan wala ang itinitibok nito" itinapat ni Quinnie ang mga daliri sa ulo ni Aya at nagsalita, "Gising ka na aking ina" dumilat si Aya, "Ate" pero hindi lumapit si Thea dito dahil may napansin siya. "Wala si Aya sa katawang ito, ako ito si Dalfiya" nagulat sila Thunder, "Wait it means may ibang tao sa katawan ni Aya babes!?!" wika ni Kirk, siniko ni Steven ito at binatukan ni Thunder, "Anung Babes?!?" wika ni Aki, ngumiti sila Sam, "Di ba iisa na si Aya at si Dalfiya" wika ni Hailey, "Makinig tayo sa mga manang" natigil sila Thunder sa pang-aasar kila Sam ng yumanig ang lupa at tinignan sila ni Dalfiya na nasa katawan ni Aya, "Hah nahihilo ako, anu itatawag namin sa kaniya Aya o Lola Dalfiya" wika ni Sophia. "Aya kasi katawan ni Aya ito, at habang nanghihina ang katawan niya ako muna ang gagamit nito" lumakd ito, "Tama na ang pagpapahinga, aalis na tayo dapat makarating tayo sa St. Claire" tumungo sila Ashton at nagsikilos sila. "Kailangang mahanap natin si Giro kundi pati ako ay manghihina na nag tuluyan" tumungo sila Mark, pagtalikod ni Mark nakita niya si Thea na alalang-alala sa ate nito pero hindi naman nito malapitan si Aya dahil si Dalfiya ito. "Magiging okay din si Aya" tinignan siya ni Thea at ngumiti, "Salamat" lumakad muli si Mark at nilisan ang silid. "Tara na Althea at kailangan nating kumilos agad" tumungo-tungo siya sa sinabi ni Dalfiya at sumunod dito.
BINABASA MO ANG
HEROIC (Book 2)
AventuraTaong 2016, ito ang panahon ng mga makabagong nation kung saan ang mga halimaw, lumilipad na tao, naglalakihang golem ay alamat n lamang, kung saan ang mga bayan na minsan ay tinawag na Walton, Boros, Moros, Aeros, Chaos atbp ay pawang kwentong baya...