Tinignan ni Aki si Glen na nasa anyong lobo, nalilibang ang mga tao sa ginawa niyang pagkagat sa kalaban niya, "Si Glen lang talaga ang may control sa powers niya" wika ni Aki, mabilis na natalo ni Glen ang kalaban niya, nang biglang bumaba sa ring si Blake at ang grupo nito. "Naloko na" wika ni Thea, bumaba sila ni Hiro sa ring din, "Bakit ka nandito Blake, hindi ba sa finals pa ang laban natin sa mga manlalaro" wika ni Hiro, nilabas ni Blake ang sandata niya, "Kanina ko pang gustong labanan ang mga batang alaga niyo. Tinignan ni Aya ang mga bata, "Team Titans kapag hindi kayo umalis sa ring tatanggalin namin kayo sa pagiging hari ng Arena" pagbababala ng commentator sa mga ito, napa-palatak si Blake at nilapitan ang commentator, "Grabe ka naman sa akin, Nina" niyakap ni Blake ito at nagulat silang lahat ng lumabas ang mga buto nito sa buong mukha at napatigil sa paghinga ang commentator. "So wala ng mangingielam sa amin" inilabas ni Thea ang karit niya at nagwika "Dark Queen" pabulong niyang sinabi iyon at ang buhok niya na lagpas balikat lamang ay humaba na halos hanggang binti niya at ang mga mata niya na brown ay naging pula. "Ayos matagal ko ng pinapangarap na makalaban ang 4Aces" tumatawa pa si Blake, at ang mga kasama niya ay mabilis na sinugod si Hiro, "Wind blade" nahiwa ang mga katawan nito at nahati sa gitna. "Ito pala ang tunay niyong kakayahan" wika ni Blake, "Tama ka at sisiguraduhin kong matitikman mo ang inis ko sa iyo" wika ni Thea, natigil si Blake at napa-atras, "Hindi naman kayo mabiro" ngumiti si Aya, "Sorry bad joke kasi ang ginawa mo" napasigaw si Blake ng tamaan siya ng itim na enerhiyang bola mula sa palad ng Dark Queen. "Althea" bulong ng Dark Queen at muling bumalik sa dating haba ang buhok ni Thea at ang mga mata niya ay bumalik sa dating kulay, "Pasensiya na naudlot ang laban niyo" wika ni Thea at bumalik sila ni Hiro sa kanilang trono.
"Ang Dark Queen" wika nila Eena at Kurt, "Ahahaha hindi naman kami papaya na ang Titans na puro lamang ang yabang ang makakalaban niyo" napalingon si Thea at napa-atras dahil bumaba na din sa Arena ang dalawa pang team ng mga hari ng Arena. Nainis si Aya kaya mabilis siyang bumaba ng ring at tumalon sila Hiro sapagkat sa pagsuntok ni Aya sa ring yumanig ng napakalakas at ang lupa ay mabilis na kinain ang mga hindi nakatalon na kalaban. "Nakakainis plano pa naman nating ireserve ang lugar na ito" wika ni Aki, "Mga bata puntahan niyo na sila Giro" nagkagulo na ang buong dome at mabilis na binuksan ni Maggie ang kaniyang portal papunta sa kinalalagyan nila Giro. "Anu ito?" wika ng mga taong nandoon, "Simple lang hindi sa lahat ng oras ay maaari kayong mamayani sa loob ng sagradong lugar na ito" wika ni Sam, nilabas ni Sophia ang kaniyang round sword at itinutok sa mga leader ng mafia, tinutukan sila ng mga baril. "Asar talagang lalaban pa ba kayo" wika ni Thunder, "Sa tingin niyo ba ang mga tulad namin ang nagpapatakbo sa lugar na sagrado para sa mga tulad niyong nabiyayaan ng kakayahan" wika ng isa sa mga leader. Nagkatinginan sila Rinowa at Riyuna, "Sila ang aking mga anak" tinuro ng lalaki sila Rinowa, napatingin sila Sam sa mga ito, "Pero hindi naman alam na ganito ang ginagawa nila dito" wika Riyuna. "Ang gobyerno ng bawat nation ang nagkasundong pagamit sa underground society ang lugar na ito" napatayo si Mark sa kinaupuan niya, "Dahil naniniwala sila na ang lugar na ito ay hindi na napapansin ng mga normal na tao" tinignan ni Aki sila Giro, "Magkasundo tayo mga HEROIC ang mundong ito ay kailangan ang mga tulad niyo para maging mapayapa muli, tulad noong panahon bago magtayo ng mga sariling bansa at mga batas" napakunot noo si Giro at napatingin kila Aya. "Mapayapang mundo kung saan nagkaka-isa ang mga tao at kayo walang gulo, walang alitan walang digmaan" lumapit si Aki sa mga ito, "Imposible yang sinasabi mo" tinignan nila si Aki, "Teka Aki, maganda naman siguro na magka-isa tayo sa gobyerno" napatingin si Aki kay Giro, "So lumabas na ang totoo, gusto mo din talaga yung makikinabang ka" napantig ang tenga ni Giro at kinuwelyuhan si Aki, "Anung sabi mo?!" nadinig ni Aya ang kaguluhan at tinignan ang mga bata, "Diyan lang kayo" tumalon si Aya, "Kahit kalian Giro hindi ko maisip anu ba ang plano mo sa pagtatayo ng grupo na ito, ngayon naiintindihan ko na makasirili ka din gusto mo ding makinabang sa mga ginagawa ng ating gobyerno" naiinis si Giro at nasuntok niya si Aki, "Giro!" napatingin siya kay Aya at kila Mark, "Tama na" wika ni Giro, "Siguro nga magkaiba ang mga pananaw natin" wika ni Hiro, "Kahit kalian hindi kami makiki-isa sa gobyernong bulok na pumatay sa mga magulang namin" wika ni Aki, "Pero naisip niyo bang ito ang paraan para maging maayos ang ating mundo" umiling si Aki, "Maayos ang mundong ito kung ang tao tutulungan nila ang sarili nila" hindi nagsalita si Aya dahil sa totoo lang wala siyang kinakampihan alam niyang pareho lang ang gusto ng dalawa kaso magkaiba ang kanilang paraan. "Tapusin na natin itong munting kulto mo Giro Walton" lumakad si Aki, tinignan ni Thea si Mark at sumunod sa kuya niya, ganun din si Hiro, pero si Aya naiwang nakatayo at nakita kung paano mag-hiwalay ang mga landas ng mga kasama niya, "Nat" tinignan ni Nat si Aya, "Please huwag mong iiwan si Aki" tumungo ito at lumakad, "Paano ka sasamahan mo ba si Giro" umiling si Aya, "Wala akong kakampihan sa kanila dahil pareho lang sila ng ipinaglalaban" tinignan ni Aya si Mark, "I believe maayos din ito at hindi mo aalisin ang mata sa kapatid ko" tumungo si Mark, "Saan ka pupunta" tinignan ni Aya ang mga bata. "Pagdating na araw na hindi na tama ang pinaglalaban nila doon ako darating para mangielam sa kanila, habang wala yung panahon na iyon, huhubog ako ng hukbong papagitna sa hangarin nila" hindi makapaniwala si Aya sa nangyari saglit lang pero mabilis na silang nag-desisyon para sa mga sarili nila.
Umuposi Aki sa kaniyang upuan at nanatili ang grupo nila sa underground society, "SiAte Aya" hanap ni Thea sa kapatid, "May pinasasabi siya" wika ni Hiro, "Walasiyang kinampihan tanging ang gusto niya ay ang mga hangarin nating matupad sasarili nating kagustuhan, kung ang tama ay mali doon lamang siya darating paramamagitan sa atin" wika ni Hiro, nagulat sila ng pumasok si Nat at Mark sasilid na nila, kasama nito si Hailey, Steven, Kirk at Ashton. "Anu ginagawaniyo dito?" tanong ni Thea, "Simple lang para sa amin tama kayo at hindi kamipabor na maki-isa sa mga bulok na sistema ng ating gobyerno" tinignan ni Theasi Mark. "Bwisit!" binalibag ni Giro ang pinto ng kaniyang opisina, "Kuya Giro"awat nila Sam dito, "Hindi ko mean na magkawatak-watak tayo" hinanap niya siAya pero hindi niya ito nakita, "It means na kay Aki siya" wika niya peronagsalita ang guardian niyang si Psyche. "Wala siya kila Aki, tatahakin dawniya ang landas na salungat s a inyong dalawa, kapag ang tama ay naging malidoon lamang siya darating para mamagitan sa inyo ni Aki" hindi kumibo si Giroat nanatiling naka-upo sa swivel chair niya. Ngumiti si Sam at tinignan siThunder, sinadya nilang maghiwa-hiwalay para masiguradong hindi nawawala angkominukasyon ng bawat panig, si Aya mismo ang kumausap sa kanila bago silaumalis sa underground society
BINABASA MO ANG
HEROIC (Book 2)
AdventureTaong 2016, ito ang panahon ng mga makabagong nation kung saan ang mga halimaw, lumilipad na tao, naglalakihang golem ay alamat n lamang, kung saan ang mga bayan na minsan ay tinawag na Walton, Boros, Moros, Aeros, Chaos atbp ay pawang kwentong baya...