Kanina pa tinitignan ni Sam si Sophia na panay ang lipat ng channel ng TV, nilapitan niya ang nakababatang kapatid at umupo sa tabi nito. "Hoy! Anu prob mo sa TV" kinuha niya ang remote mula dito, "Puro HEROIC balita ate, walang iba" natawa si Sam, "Malamang kasi yun ang pinaka-fresh na kaganapan nung nakaraang linggo lang" wika pa nito habang kumakain ng popcorn. Napahinto sila sa isang flash report, "Anu daw ISIS?" wika ni Sam, at mabilis na tumayo "Sa bansang ito may ISIS?" tanong ulit ni Sophia, "I don't think so, isa pa hindi naman na natin hawak ang sitwasyon na iyan, unang una sa lahat tao laban sa tao ang laban na iyan" wika ni Giro, "Bakit idinadawit tayo nila sa kanila?" pagtatanong ni Hailey, "Mukha bang kailangan na nila tayo" wika ni Ashton na pinaglalaruan ang spinner sa kaniyang daliri. "May buhay din tayo kaya may mga bagay na hindi natin dapat pinaghihimasukan pa" lumakad papalabas ng silid si Giro.
"Ate,!" humahangos na tawag ni Hiro dito, "Bakit na naman?" huminto si Aya sa pagtatype at tinignan ang kapatid, "Nagrarally ang sa Malacaῆang, gusto nilang humingi ng tulong sa Heroic, regarding sa crisis sa Mindanao" tumaas ang kilay ni Aya at isinandal ang likod sa bangko at inalis ang salamin sa mata, "Hiro it's not our problem, laban nila iyan, wala silang kapangyarihan bakit natin sila lalabanan?" tinignan ni Hiro ang kakambal at kumibit balikat ito. "May concern tayo ate" tinignan ni Aya si Aki, "Nabalitaan ko sa military na may ibang nandoon na half blood" tumayo si Aya sa upuan, "Did Giro knows this?" hindi umimik sila Aki. "Aya, hindi natin sila pedeng tulungan, dahil karamihan sa mga tao alam tao lang din ang mga terorista na iyon" tinignan nila si Giro at Mark, "Pero pede nating palabasin na tao lang din tayo" wika ni Thea, napatingin si Mark rito at ngumiti. "Teka, pede naman" pero hindi pa din sang-ayon si Aya at Giro. "May buhay din naman tayong pinanghahawakan" wika ni Aya, "Buhay din naman ang pinag-uusapan dito" wika ni Thea, "Ate may hawak silang mga sibilyan human shield na pinang-lalaban sa mga military" hindi nagsasalita si Aya, at patuloy na nagmamatigas, "Aya, I received an email from the palace" binasa nila iyon. "May email na din ako from UN at iba pang elite leaders of different countries" tinignan ni Aya si Thea, "Let's plan this" ngumiti sila Mark.
Naka-ipon ang mga sundalo habang nagpapahinga, "Wala ngang sagot ang HEROIC sa rally ng mga tao" wika ng isa habang nagpupunas ng pawis at umiinom ng tubig, "Wala na talaga silang paki sa laban natin dito " wika pa ng kasamahan nito. Bumaba sa harapan nila si Giro, na naka-costume na bilang isang HEROIC. "Heroic?" wika ng mga sundalo, "I'm in charge here from now on" wika ni Giro, kaya tumungo ang mga ito, lumabas mula sa ilalim ng lupa si Aya at lumapag sila Thea na naka-costume din. "Na saan ang exact location nila" tanong ni Aki sa mga sundalo, umiling ang mga ito. Humawak sa lupa si Aya at pumikit, "Alam ko na kung nasaan sila" lumapit si Aya sa mapa ng buong city at tinuro iyon, "Radio ang lahat ng militar sa grounds pull them back" utos ni Mark sa isang sundalo at sumaludo iyon. "Iilan na lamang ang snipers nila" wika ni Hiro. "Alam niyo na ang gagawin niyo, sa oras na umatras ang military, tayo naman ang papasok" wika ni Giro, tumungo ang Heroic na halatang na-eexcite sa gagawin nila.
Nagtaka ang mga terorista, wala ng sumasagot sa mga putok ng baril nila. "Umatras na sila?" wika ng leader ng grupo, "Teka boss, may mga bata sa may gawing east ng city at sa west" napakunot ang noo nito at kinuha ang binocular dito at tinignan iyon, "Hindi yan, bata, HEROIC yan!" pinaputukan nito si Sam, pero lahat ng bala ay mabagal at humihinto kapag malapit na dito. Dahil nalaman nila Hiro ang direksyon ng bala ay mabilis niya iyong pinuntahan, sapagkat lahat ng tao sa building na iyon ay hawak na ng sementong kinontrol na ni Aya. Habang si Sam itinaas niya ang kamay niya at kasabay niya si Aya lumutang ang lahat ng bato at bumabalik sa dating ayos ang mga kabahayan. Pero isang lalaki mula sa building ang tumalon patungo kay Aya, umilag si Aya at mabilis na tumalon papalayo dito. "Eirole?" wika nila Thea, "Kamusta?" umilag si Aya sa suntok na gagawin nito, pero may isa pa palang Half Heroic na nakasuntok na sa sintido na dahilan ng pagkahilo ni Aya, "AYA!" lumabas si Giro mula sa head quarters at tumakbo. "Aki, Thea puntahan niyo si Aya" mabilis na kumilos ang dalawa, pero napahinto sila ng makita si Aya na hagkan-hagkan ni Eirole at nagmalayo ang mga labi nila, ngumiti si Eirole at may inilabas mula sa bulsa niya. "Anu yun?" usisa ni Rinowa, "Bunga ng puno ng kadiliman, na tanging makukuha sa Chaos island" wika ni Hailey. "Hinde" wika ni Giro, "Kontrolado na ni Eirole ang isip ni Aya" wika ni Sam, umiling si Thea at Hiro, "Anu ba ang gusto mo?" wika ni Aki dito. "Si Aya, siya ang gusto ko at ang pagmamahal niya" umiling si Giro at naramdaman nila ang pagka-inis mula sa binata. Tinignan nito si Eirole para paslangin ng tuluyan kaso sinugod siya ni Aya at nasikmuraan siya ng sipa nito. Sinalo siya ni Aki at tinignan ito. "Mama Aya" walang emosyong tinignan nito sila Saphire at mabilis na humarang sila Sam sa pagtira nito ng mga tulos na lupa sa mga ito. Inilabas ni Thea ang karti niya at susugurin si Eirole pero si Aya ang sumalag sa karit niya at espada ni Aki. Napahinto ang magkapatid dahil ayaw nilang saktan ang ate nila pero tinutukan nito ng baril si Aki at pinaputukan, "AAAAAAAA" napasigaw sila Sophia sa nakita, pero nakailag si Aki at Thea. "Hayop ka Eirole ibalik mo ate namin sa katinuan" wika ni Hiro.
BINABASA MO ANG
HEROIC (Book 2)
AdventureTaong 2016, ito ang panahon ng mga makabagong nation kung saan ang mga halimaw, lumilipad na tao, naglalakihang golem ay alamat n lamang, kung saan ang mga bayan na minsan ay tinawag na Walton, Boros, Moros, Aeros, Chaos atbp ay pawang kwentong baya...