Nakatayo si Thunder sa may harap ng fountain at pinagmamasdan si Thea at Mark na masayang nagkukwentuhan sa may gazebo ng garden ng school. Lumakad siya at nakita si Sam sa may swing nagbabasa ito at nakikinig ng music. "Ayos may maasar na naman ako" umikot siya sa likod nito at ginulat pero sa gulat ni Sam na-out of balance si Sam at babagsak sana siya sa lapag kaso kay Thunder siya bumagsak at nagka-untugan pa silang dalawa. "Aray!" mabilis na tumayo si Sam at binatukan si Thunder. "Adik ka ba?!" natawa lang ang binata at naglakad muli. "Loko to!" pinukol niya ito ng bato pero naka-ilag ang binata. "You're welcome tanda" tumakbo si Sam at akmang susuntukin ito pero umikot si Thunder at hinawakan ang kamay nito, pero sobra ang lapit ng mga mukha nila sa isa't isa. "OMG magkikiss n ba kayo" wika ni Sophia, kaya naglayo sila. "Yan no way mamamatay muna ako bago ko halikan yan" tumawa si Thunder sa sinabi ni Sam. "Okay lang mashahalik ako sa patay kesa sa buhay" inisnab ni Sam ito at bumalik sa duyan.
"Nakakainis na siya!" padabog na umupo sa sofa si Sam at ng makita si Thunder ay nanlisig ang mga mata niya. "Pasensiya ka na sa kaniya, si Thunder kasi lumaki sa isang broken family, sa pagkanta lang niya nakukuha ang atensiyon na hinanap niya sa parent niya" wika ni Kirk. Umisnab si Sam "Pake ko" tumayo siya at tinungo ang gazebo ng mansion nila, nakita niya si Thunder naka-upo ito at nakatitig sa kawalan, "Anu kaya iniisip nito" nakita niya si Flora na kausap nito habang naka-upo sa balikat nito. "Anu ba ang pakiramdam ng minamahal ka noh Flora?" napayuko si Sam, "Yung hindi ka kinaiinisan yung hindi ka sumpa sa buhay nila" yumuko si Thunder, "Sino yan?!" napatigil si Thunder ng makita si Sam, tinaasan lang siya nito ng kilay at lumakad. "Tanda ikaw pala" binatukan niya ulit ito at lumakad patungo sa swing. Sinundan siya niya ito para inisin ulit pero wala siyang maisip ng pang-inis dito, nakita niya na nagdadrawing ito at siya ang object. "Sabi ko na pinapantasya mo talaga ako" tumayo ito at nilapitan siya. "Ang ganda kasi ng emosyon mo dito, totoo walang pagsisinungaling" napayuko si Thunder, itinapat niya ang kamay sa mga halaman at muling namulaklak ang mga rosas. "Thunder kung nalulungkot ka pakita mo huwag mong itago, tandaan mo tao ka pa rin at hindi masamang maging malungkot kasi hindi laging masaya ang mga tao" hindi kumibo si Thunder. "Kung nalulungkot ka dahil kay Thea madami namang nagmamahal sayo" tinignan niya ang dalaga, "Sino ikaw?" napatigil si Sam at umatras. "Bilang kaibigan siyempre, kahit iniinis mo ako okay lang" ngumiti si Thunder. "Crush mo talaga ako" ngumiti si Sam, "Oo na crush kita pero hanggang doon lang iyon sa pagkanta mo" nangiti si Thunder.
Kinabukasan...
Nakasimangot si Thunder kasi nakita niya si Sam kasama si Steven at nagtatawanan habang nag-aaral. Nilapitan niya ang dalawa, "Sam kumain ka na?" tinignan ni Sam ito at tumungo, "Sabay kami ni Steven, na saan ka ba ngayon ka lang namin nakita" hindi sumagot si Thunder at lumakad. "Nilalagnat kasi si Thunder" wika ni Steven. Napatingin si Sam dito at hinabol ang binata "May lagnat ka?" tinignan siya nito at hindi sumagot nagulat si Thunder ng hipuin nito ang noo niya at mainit nga ang naramdaman ni Sam kaya hinawakan siya sa kamay ni Sam at hinila pabalik sa boarding house nila.
"Matulog ka, nagpaluto na ako kay Jaime ng mainit na sabaw" bumuntong hininga lang ang binata at humiga, nangiti si Sam "Sana pala lagi itong may sakit para hindi ako iniinis" wika sa isip ni Sam at pinatungan ito ng ice bag. "Lamig, ayaw ko niyan" inilagay pa rin ni Sam ito sa binata at nilakihan ng mata ito. "Fine!" kumatok si Jaime kaya pinapasok ni Sam ito. "Ito po yung pagkain ni Master Thunder" inilapag nito ang tray, "Sige Jaime ako na lang salamat" lumabas ang matanda. "Bakit kasi ang tagal mong magrehearsal edi sumuko katawan mo" nangingiti si Thunder habang sinesermunan siya ni Sam. "Ito inumin mo, tapos matulog ka" tumayo ang dalaga pero mabilis siyang niyakap ni Thunder sa bewang. "Salamat" nangiti si Sam at tinignan ito, parang batang naglalambing ito, "Alam mo sana lagi ka na lang may sakit, para mabait ka" natawa silang dalawa. "Sige na may klase pa ako" tumungo si Thunder at bumalik sa pagkain.
Kinagabihan, ginugulo nila Ryu si Thunder nagpapahinga sana ang binata pero ito ang mga kaibigan niya at nakikipgkwentuhan sa kaniya tungkol sa kaganapan sa loob ng room nila at sa buong school. "Isa araw lang akong nawala dami niyo ng kwento" ngumiti si Kirk. "Yung iba imbento lang sinasadya lang namin na binatin ka" natawa si Thunder at binato ng unan si Kirk. "Aba! Talagang nakikipagharutan ka pa" napatigil silang lima at napatingin kay Sam kasama nito si Aya na may dalang prutas. "May sakit ka ba talaga" nakaramdam ng takot sila Ryu sa pagtatanong ng iyon ni Sam. "Anu, Sam yung totoo kasi kinukulit namin si Thunder" napa-atras sila ng humakbang si Sam. "WAAAAHHHHH" napasigaw si Ryu at Kirk sa takot ng manlisig ang mata ni Sam kaya tumakbo ang dalawa papalabas ng kwarto. "Sinabihan ko na sila na tigilan si Thunder" wika ni Steven, natatawa si Zac at inaya na si Steven na sundan ang dalawa. "Mauna na kami, sige Thunder tagalan mo pa sakit mo para matagal mo makasama si Sam" namula ang pisngi ni Thunder natawa naman si Aya at binuksan ang orange para kainin ni Thunder. Tinignan tuloy ni Sam ito ng masama, "Yung totoo may sakit ka ba talaga?!" tumungo-tungo ang binata. Natigil si Sam sa pagkainis ng hawakan ni Aya ang noo nito at ang sariling noo. "Oo may sakit siya Sam, naku naku naku Thunder nakikipagharutan ka bahala ka mahirap mabinat masakit sa ulo at katawan" pananakot ni Aya, "Sabi pa naman ni Giro kapag tumaas pa lagnat mo dalin ka na sa kaniya iinjectionan ka na daw niya ng gamot sa lagnat" napahiga sa kama si Thunder, "Injection" tumungo si Aya at inabot ang orange dito. "Ayaw mo ng injection" umiling si Thunder nagkatinginan si Aya at Sam tumawa ng malakas si Sam napatingin naman sa kaniya si Thunder at Aya, "Bakit nakakatawa kaya ang laki-laki mo Thunder ga-karayom lang ang injection" kumunot noo ni Aya, "Nakakatakot ang injection Sam I know what he feels" napatigil sa pagtawa si Sam, "See hindi ako nag-iisa" inisnab ni Sam ang binata at binigyan ito ng tubig.
Nung umalis si Aya, tinignan ni Sam ito habang natutulog, nangiti siya at papalabas na sana siya ng madinig niya ang pag-ungol nito, nananaginip ito, kaya lumapit siya. "Thunder" ginigising niya ito at nakita niya ang nakaraan ng binata. "Nagtatago si Thunder sa ilalim ng kama nito at nadidinig niya ang sigaw ng Mama niya habang binubugbog ng kaniyang ama. "Mama" mahinang wika ni Thunder at biglang lumabas ang isang mahabang vines sa kamay niya at nasaksak niya ang paa ng papa niya. "Anu yan? THUNDER!?" lumabas si Thunder sa ilalim ng kama at umiiyak, "Hindi ko po alam" nanginginig ang bata at nag-aatungal sa pag-iyak ng suntukin siya ng kaniyang ama. "Thunder!" napatingin si Sam kay Thunder, "MA!" napatigil ito at napatingin kay Sam, "Sorry, binabangugot ka" wika ni Sam, yumuko si Thunder at tinignan ang mga kamay niya. "Bangungot nga" nagulat siya ng hawakan ni Sam ang kamay niya. "Hindi tayo sumpa, lalong lalo na halimaw, kung anu man ang napanaginipan mo panaginip lang iyon" tumungo si Thunder hinawakan ang kamay ni Sam, "Pede dito ka muna sa tabi ko hanggang sa makatulog ulit ako" nangiti muli siya at umupo sa may tabi nito. "Thanks Samantha, promise hindi na kita aawayin" ngumiti si Sam, "Matulog ka na" pumikit na si Thunder.
KINABUKASAN...."Thunder akin na nga yang salamin ko sa mata" nagtakip si Thea ng tenga. "Kailan ba titigil sa kaka-away yang dalawang yan" ngumiti si Zac, "Kapag nagkasakit ulit si Thunder" wika ni Ryu, "Kailan pa ulit yun" wika ni Hailey, nagtawanan na lamang sila.
BINABASA MO ANG
HEROIC (Book 2)
AventuraTaong 2016, ito ang panahon ng mga makabagong nation kung saan ang mga halimaw, lumilipad na tao, naglalakihang golem ay alamat n lamang, kung saan ang mga bayan na minsan ay tinawag na Walton, Boros, Moros, Aeros, Chaos atbp ay pawang kwentong baya...