Naglalakad sa mall si Ashton, suot ang isang hood at mask para hindi siya pagkaguluhan ng tao, buti nga yung iba ay hindi na sila pinapansin may iilan na lamang na ang tingin sa kanila ay artista. "Grabe ang cute kaya ng mga HEROIC" tinignan niya ang grupo ng mga mag-aaral sa isang kolehiyo, panay ang pindot ng mga ito sa cellphone at mga kinikilig. Umupo siya sa bangko sa loob ng Starbucks at hinubad ang hood at mask. Napatingin sa kaniya ang mga tao at nagsibalik sa mga ginagawa nila. "Si Ashton Walton ba iyon" wika ng kaibigan ni Paulina, "Pau si Ashton Walton nga ang gwapo niya!!!" tinignan niya ang tinutukoy ng mga kaibigan at nangiti ang kaniyang hero. Minsan kasi siyang iniligtas nito siguro nga sa dami ng nakakasama nitong babae ay hindi siya nito maalala. "Tara mga Beshie Pop papicture tayo" inawat niya ang mga classmate, "Anu ba kayo? Bigyan niyo kaya ng privacy ang tao" huminto ang classmates niya at tinignan na lamang ito sa malayo. "Pede ba bilin n lang natin yung book na sinasabi ni Sir yung Dalfiya's diary di ba project natin yun sa history" pangungulit ni Pau sa mga ito at sinilip ni Ashton, umiinom ito ng kape pero napansin niya na nakatingin ito sa kaniya.
Sa isang bookstore sila nagpunta ng mga kaibigan niya, bukod sa binili nilang isang Dalfiya's Diary bumili din siya ng sarili niyang copy at naghahanap pa siya ng ibang libr patungkol sa mga HEROIC at mga magazine. "Grabe ang pogi nila dito" wika ng mga classmates niya at nakisilip siya sa magazine cover na ang mga HEROIC boys ang topic. Kumuha siya ng sarili niyang kopya ng magazine na iyon at binuksan, "Ashton Morris Walton, age unidentified, birthday July 21, bakit walang year, Height 5"11 ang tangkad naman niya" tinignan niya ang close up photo nito at stolen na nakikipaglaro ng basketball sa loob ng campus ng St. Claire's napalunok siya ng makita ang katawan nito topless kasi itong naglalaro at naggagalit ang mga bisep habang hawak ang bola. "HAAAAAYYYYY wala bang ibang magazine dito" napalingon siya sa nagsalita, si Ashton iyon naghahanap ng magazine at napatingin din sa kaniya. "OMG" mabagal na wika ng kaibigan niya, iniangat ni Pau ang daliri papalapit sa pisngi nito at pinisil iyon. "Totoo ka" tumayo ng maayos ang binata, "Of course it is me," hinimatay si Pau at mabilis siyang sinalo ng binata. "Pau!" binuhat ni Ashton ito at dinala sa isang clinic na nasa loob mismo ng mall.
"Pau" dumilat si Pau sa pagtawag ng kaibigan niya, "Grabe ka kinabahan kami sayo" wika pa ng mga ito, "Buti na lang andoon si Knight in Shining armor mo" napatingin siya sa paligid wala na si Ashton kaya napabuga siya ng hangin, "Ninyerbos ako Beshie Pop" napatigil siya sa pagpasok muli ng binata sa cubicle, "Glad your awake, here binayaran ko na yan, alis na ako" inilapag nito ang mga libro na binili niya, at lalabas na. "Anu?" tawag niya rito, tinignan siya nito. "S-S-Salam----at" halatang kabado siya sa pagsasalita pa lamang. "Pedeng magpapicture daw kayo" kinuha ng kaibigan ang cellphone ni Pau, "Sure" kinuha ni Ashton ang cellphone at nag-selfie sila, todo ang kaba ni Pau ng akbayan siya nito at ilapit ang mukha sa kaniya. "Next time huwag ka ng himatayin, baka hindi nakita masalo" nahiya si Pau at alam niya sa sarili niya na namumula ang mga pisngi niya at tumungo.
Yung sumunod na araw, nasa tapat sila ng room ni Ashton gusto kasi niyang magpasalamat sa binata gawa ng pagbabayd nito sa lahat ng libro na kinuha niya, nagbake siya ng cake at cookies para dito. Pinapasok sila ng guard kasi sabi nila may project sila at need nila ang ilang thesis na meron sa St. Claire's lamang makikita. Pero sa tapat pa lamang ng room nadidinig na nila ang mga babae, "haaayyyy si Ashton talaga" napatingin sila kay Aki, "Anu po meron?" pag-usisa ng beshie pop niya. "Sila kasi ang girlfriends ni Ashton ewan ko ba bakit gustong gusto nila kahit sabay sabay sila okay lang sa kanila. Nabitawan ni Pau ang dalang kahon sa sobrang gulat niya sa nalaman, "Oppa Aki, selfie tayo" wika ng beshie pop niya pumayag naman ito. Napansin ni Ashton sila Pau sa labas ng room nila. "Pau" tumayo si Ashton at nilapitan ito "Kanina pa ba kayo dito" tinignan ni Paulina ito, "Paano mo nagagawa ito" kumunot noo ni Ashton, "Huh?" pagtataka ng binata. "Patay mukhang may paiiyakin na naman siya" wika ni Aki kaya lumapit din sila Thea sa kanila. "Gusto ko ito" dagdag ni Hiro. "Anu?" tinignan ni Pau ito ng puno na emosyon, nakaramdam ng kaba ni Ashton at napa-atras. "Ayoko na sayo" tumakbo si Pau, naiwan namang tulala sila Aki. "Anu?!" nagtataka pa din si Ashton, "Beshie Pop!" tinignan si Ashton ng kaibigan nito, "Ang sama mo para saktan ang Beshie Pop ko alam mo bang ikaw ang first love niya nung iligtas mo siya ng may mga alien dito" napatingin si Ashton kay Aki at kumibit balikat. "Kayo ba?" umiling si Ashton at sumenyas kay Hiro. "Aw ang inosente pa naman niya" wika ni Thea. "Mukhang may inosenteng babae kang nasaktan ngayon Ashton" wika ni Giro.
BINABASA MO ANG
HEROIC (Book 2)
AdventureTaong 2016, ito ang panahon ng mga makabagong nation kung saan ang mga halimaw, lumilipad na tao, naglalakihang golem ay alamat n lamang, kung saan ang mga bayan na minsan ay tinawag na Walton, Boros, Moros, Aeros, Chaos atbp ay pawang kwentong baya...
