"Aya" napalingon si Aya sa paligid sapagkat alam niya kung kaninong boses ang nadinig niya, "Giro?" palingon-lingon siya ng lapitan siya ni Via, "Mama Aya gising na si Ate Thea" lumakad si Aya at nilingon pa ang likuran bago siya tuluyang umalis sa kinatatayuan. "Ate" wika ni Thea, "Thea, huwag mo na kasing isipin yun hah, nandito ako, ang kuya mo at si Hiro, hindi ka nag-iisa" tumungo si Thea at niyakap si Aya, "Pasalamat pa rin ako kay Mark kasi nung makita mo siya bumalik ka akala ko mahihirapan na naman kami" yumuko si Thea, "Ay! Sorry na mention ko ba siya" tinignan ni Thea si Aya at sumimangot, "Ate talaga" niyakap ni Thea ang ate niya ang ngumiti. "AYA!" tinignan niya si Ryu, "Anu yun?!" bulalas niya sa gulat, "Nandito na tayo" nagkatinginan si Aya at Thea at sabay silang lumabas ng bus. "Maiwan sa bus lahat ng tao at ang mga bata, Sophia, Ryu, at Quinn iiwan namin sila sa inio" tumungo ang mga ito at gumawa ng pananggalang si Sophia. "Hiro" tinignan nila ito, nakapikit iyon at dinadama ang hangin, "Positive nandito si Giro, mahina ang paghinga niya" nag-alala sila Sam, "Hindi kaya, totoong bihag siya at pinahihirapan" wika ni Hailey, "Tara!" tumakbo sila papasok ng paaralan, pero nagtago ng makitang may mga sundalo, "Buti pa gumawa tayo ng pasabog" wika ni Mark.
"Hoy!" sita ng sundalo kay Aki na preskong naglalakad papasok ng paaralan. "Bawal dito" kumunot noo niya at lumingon lingon. "Sorry boss, may napansin ba kayong 5 teenager na lalaki, nawawala kasi sila, uy! Ayun sila" tinuro niya yung likod ng lalaki nakapasok na sa loob ng school sila Thunder, "Ho-" sinuntok ni Aki ito sa tagiliran kaya nawalan ito ng malay. "Ngayon na" lumipad si Aki at Thea at tinira ng apoy ang mga tent habang sila Thunder ay nagpakawala ng mga kapangyarihan nila. "Tayo na Sam" hinila ni Aya ang mga babaeng Walton at pumasok sa main building ng school na ginawang research facility. "Dito" turo ni Riyuna na gamit ang isang device na gawa nila Cianna. Lumiko sila sa isang pasilyo pero ng madinig nila ang hakbang ng mga nagbabantay na Half Heroic na nandoroon ay nagtago sila sa mga corner ng hallway. "Hailey" nagbago ito ng anyo at ginaya niya si Fhaeri. "Fhae anjan ka lang pala, tara tinatawag tayo ng Dark Lord" hinila ito ng isang Half blood "Susundan ko sila, puntahan niyo na si Giro" wika ni Aya kila Natalie, tumungo ang mga ito. "Rinowa sumama ka sa akin" tumungo ito at naghiwalay na sila ng landas.
"Hiro, tangke!" wika ni Kirk, "Anu ngayon e kaya mo namang gumawa" ngumiti si Kirk, "Kaya nga na-excite lang kasi ako" mabilis na nakagawa ng tangke si Kirk, "Masmalaki ang laruan ko men!" natawa si Ashton na mabilis na kinidlatan ang isang half blood na tusok-tusok ang mukha. "THEA!" niyakap ni Mark ito kasi ito ang pinuntirya ng tangke na paputukan, pero kesa sumabog iyon ay hindi sumabog kasi pinagyelo ni Eirole iyon. "Teka kalaban ka di ba" wika ni Zack, na nag-eye beam sa mga baril ng sundalo. "Mayroon kayong hindi alam" wika ni Eirole nagkatinginan sila nila Hiro at sabay na ginamit ang kapangyarihan kaya lahat ng baril at mga tangke sa lugar ay nagyelo. "G-G-guys you forgot me" nilalamig na wika ni Kirk. "Anung wala kaming alam?" pagtatanong muli ni Thea.
"Dalawang Fhae" wika ng isang half blood Heroic, nakatago pa din sa sulok si Aya at Rinowa. "Aya wala ba tayong gagawin?" pag-aalala ni Rinowa. "Wala" tinitignan ni Aya ang Dark Lord. "Sino ang totoo sa inyo" wika ni Poison Vera. "Alam ko na para malaman natin ang totoo, pareho natin silang atakehin" wika ng isang half blood na puno na bee ang mukha. "Tama" tinignan ni Aya ang paligid, "200" wika ni Aya, "Anung 200?" tinignan ni Aya si Rinowa at hinila ito, "Tayo na!" napatigil ang mga half blood na nandon sa great hall ng St. Claire's Academy sa biglang pagsulpot nila Aya sa lugar na yon. "Mga HEROIC!" ngumiti si Aya at lahat ng mga half blood na nandoon at bumagsak gawa ng tulos na lupa na tumagos sa mga katawan nito, napagitla sa gulat si Hailey at Rinowa. "Na saan siya" tanong ni Aya sa Dark Lord. "Teka, anu ba ito? Ba-bakit, bakit kayo nag-uusap?!" wika ni Hailey, bumalik na ito sa kaniyang anyo. Ngumiti si Aya kay Hailey, "Naalala mo nung sinugod tayo sa St. Claire at nasa underground palace tayo ng dating bansa ng Boros" pagpapa-alala ni Aya kila Hailey. "Ito ang planong sinasabi ko, nagpanggap ang Dark na siya ay kampi sa leader ng defense ng bansang ito, dahil alam na natin na siya naman talaga ang may gusto ng kapangyarihan nating mga HEROIC, para masigurado ko ang kaligtasan ng Dark Lord, kinausap ko si Poison Vera, Eirole, at Fhae na samahan ang Dark Lord sa drama na ito" nagkatinginan sila Rinowa. "Teka it means uma-acting lang sila e totoo yung sipa niya nung nakaraan sa akin" wika ni Hailey kay Fhae, ngumiti ito at yumuko sa kaniya. "Sorry talaga Lady Hailey, napag-utusan lang ako ni Beszhie Aya" lumakad ang Dark Lord. "Nasa Control room siya kasalukuyang nalilito sa pagsalakay na ginawa nila Thea" wika ng Dark Lord at sinundan nila Aya ito.
"Kuya Giro!" niyakap nila Sam ito, "Teka wala kang sugat" pagtataka ni Riyuna. "Oo, acting lang naman na sinasaktan ako" wika ni Giro na kinataka nila Natalie. "Si Aya ang naka-isip nitong lahat, habang kasama ni Dark Lord ang General kinokontrol ko isip niya sa gusto niyang makitang pananakit sa akin" napabuntong hininga sila Sam. "So it means niloko niyo kami!" ngumiti si Giro, "Kilangan para matapos natin ang isyu ng tao sa atin at mabalik natin ang buhay natin sa normal" lumingon sila sa pagbukas ng pinto sila Thunder iyon, "Totoo nga na acting lamang ito" wika ng mga ito at tumingin sila kila Aki, "Teka ako din walang alam dito" pag-amin nito sa katotohanan habang iwinawagayway ang mga kamay. "Sa Great Hall tayo" wika ni Giro.
'DARK LORD!" tawag ng heneral dito, napatigil ang matandang lalaki at babae ng makita si Aya na kausap ito, "Ano ibig sabihin nito?!" tinutukan ng heneral ng baril si Aya, "AYA!" napalingon sila kila Giro, "Wala ka ng takas General Hernandez" wika pa ni Giro. "Anu akala niyo sa akin hindi nag-iisip" ngumiti si Aya, "Actually yun nga" natawa si Thea sa joke ng ate niya na parang siya at Riyuna lang ang natawa. Natigil silang dalawa ng mapansin nilang walang tumatawa. "Na saan ba ang mga alagad mong Heroic kuno" wika ni Hailey, doon napansin ng Heneral ang mga katawan ng mga half blood heroic sa lapag, lahat ay duguan at walang buhay. "Ngayon alam na ng mga tao na ikaw talaga ang may pakana ng lahat ng ito" wika ni Thunder, "Hindi niyo ako mahuhuli" itinapat ni Giro ang kamay rito at hindi ito nakagalaw. "Subukan mo" natawa si Sam, "Hinalo niya ang dugo mo Giro, Thea at Mark sa kaniya, pati ang kay Aya at ang akin" nangiti si Aya, "Oh! Really" wika ni Giro. "Pwes, tignan natin" nagulat ang lahat ng sumabog ito at naging pino, "Pasensiya na" tinignan nila si Giro, "Okay lang" pero napatigil sila, "Ah sa totoo lang ginawa ko na yan pero" wika ng Dark Lord, tinignan nila ang katawan nito bumalik iyon sa dati, "Crap!" wika ni Giro, mabilis na tumalon si Aya at binaril ito, patuloy sa paglaki ang katawan ng heneral. "Anak ng kamote!" tumatakbo sila papalabas ng main building, "Aki sirain mo na yung pader" sinuntok ni Aki ang pader at tumalon sila mula sa ika-anim na palapag ng gusali. "Humanda kayo" wika ni Aya. "Mama AYA!" nilingon ni Aya sila Maggie, "Si Maggie!" wika ni Giro, "Maggie! Gumawa ka ng portal na ang labas ay sa universe" natataranta si Maggie sa gustong pagawa ni Giro, "Pero hindi pa ako nakakapunta doon daddy Giro" napahinto si Giro, "Daddy!?" napa-iling si Mark, "Sige ngayon kayo magtanungan" wika ni Aya, hinawakan ni Giro ang balikat ni Maggie, "Close your eyes and I will let you see" pumikit ang bata, "Guys, 5 minutes kaya" tumungo sila Aki. "Mga anak" wika ni Aya sa mga bata, "Isipin niyo free time" ngumiti sila Airam. "Ngayon na!" at sabay-sabay nilang inatake ang ma-ala halimaw na anyo ng heneral, "Ang kadiri pala kapag pinagsama-sama tayo" wika ni Thea kay Aya, "Kaya nga!" tinira ni Thea ito ng bolang apoy. "Mark" mabilis na iniharang ni Thea ang katawan dito dahil mula sa likod ni Mark at tatamaan ito ng tentacles ng Heneral, "THEA!" bulalas ni Hiro, na napatigil sapagkat naramdaman ni Hiro ang sakit na naramdaman ng kakambal. "THEA!" sinalo ni Mark ito sa pagharap niya rito. "Halimaw ka!" isang malaking kamay na lupa ang sumuntok sa heneral pero nakatayo pa din ito. "Thea" napaluhod si Mark, "Bakit" ngumiti si Thea, "Sssshhhhh" ito pa ang nagpatahan kay Mark, "Kaya ko siyang gamutin just give me enough time" tumayo sa harap nila si Sophia at gumawa ng shield para sa kanila. "Thea" hinawakan ni Mark ang mukha nito, nauubo si Thea, "Mark madami ng dugo ang nauubos sa kaniya" sinugatan ni Mark ang sarili, "Dugo ko kunin mo pareho kami ng blood type" tinignan ni Natalie ang dalawa at nangiti.
"Ready na ako Daddy Giro" ngumiti si Giro at tinignan sila Aya na humihingal na humarap sa kaniya "AKI! Kaya mo ba siyang buhatin" ngumiti si Aki at tumakbo papalapit sa heneral. "Ngayon na! MAGGIE!!!" isang malaking portal ang inilabas ni Maggie at gumawa ng halamang tutulong kay Aki ng buhatin ang heneral si Thunder. "NOW!" napasigaw si Aki sa pagbuhat sa heneral at habang si Aya ay pinutulan ito ng mga tentacles katulong si Hiro. "AHHHHH!" napasigaw ang heneral sa pagbato sa kaniya ni Aki na parang bola. "AYOS!" ng nasa loob na ng portal ang Heneral ay sinara ni Maggie ang portal. "Tapos na ba!?" pagtatanong ni Aya. "Tapos na" wika ni Giro, ningitian ni Aya ito at niyakap.
BINABASA MO ANG
HEROIC (Book 2)
AdventureTaong 2016, ito ang panahon ng mga makabagong nation kung saan ang mga halimaw, lumilipad na tao, naglalakihang golem ay alamat n lamang, kung saan ang mga bayan na minsan ay tinawag na Walton, Boros, Moros, Aeros, Chaos atbp ay pawang kwentong baya...