Chapter 7: New Chapter

115 9 4
                                    

Bumalik sa St

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bumalik sa St. Claire's ang mga mag-aaral kasama ang mga bagong mag-aaral na nagmula sa isang bayan sa labas ng Wall School. "Ito ang St. Claire's Academy" wika ng tour sa mga bata, "Wooow" bulalas ng mga bata, "Hoy, di ba sabi ni Kuya Aki act normal huwag parang taong bundok," natawa sila sa sinabi ni Aaron. "Ang laki ng school nila, feeling ko maliligaw ako" wika ni Aldrick, "Oo nga kaya kumapit ka sa akin kung ayaw mong maligaw" pagbababala ni Saphire kay Via. "Hi" ngumiti sila sa babaeng may alon na buhok, "I'm Hailey Walton, I will be your tour guide" ngumiti si Aaron, at kinakalabit siya nila Aldrick "Crush ko na siya" nagtawanan ang grupo nila, napatingin lamang si Hailey sa mga ito. "Naku! Palabiro pala kayo" ngumiti silang lahat sa pabirong bulalas nito. "Ate Hailey!" napatingin sila sa isang babae na humahangos, "Sophia, bakit?" napatingin ito sa mga bagong recruit na mag-aaral, "Hi!' bati ni Sophia, "Ang ganda niya" wika ni Airam kay John, "Tumigil ka ako unang nakakita sa kaniya" wika ni John, "Mga Ate" pagpuputol ni Aldrin sa usapan ng dalawa, "Yes" wika ni Hailey, "Walton kayo so it means HEROIC din kayo?" tumungo si Hailey, "Yup, bakit mo natanong" pagbabalik turan niya sa bata. "Ano powers ninyong mga Walton ba, kasi di ba mga pure blood kayo" wika ni Eena, "Tama si Kuya Giro, matatalino kayo" ngumisi si Kurt, "Sila lang yon noh" tumawa si Sophia, "Magkakasundo tao" wika ni Sophia sabay appir kay Kurt. "I'm Sophia they call me Shield" nanlaki ang mata nila Airam, "Protektahan mo ako please" siniko ni Aubrey ito at inirapan "Huwag nga kayong magulo" wika naman ni Cianna. "Well, kilala niyo na ako" nagulat sila ng magbago ang anyo ni Hailey at ginaya nito si Ayanna, at Thea pati si Ashton at Giro, "Whoa isa kang dopleganger" umiling si Hailey, "No, actually dopple ganger only copies the appearance of people, I can do far more than that" natameme sila Aldrin, "Nose bleed help" wika ni Kurt.

Humawak si Giro sa ulo niya, "Bakit?" pag-aalala ni Natalie, "Ang daming tinig" tinignan ni Natalie si Mark na napatigil sa pagsusulat at tumingin sa kanilang dalawa. Tumingin si Giro sa labas ng kanilang silid, "May mga tao sa labas na hinahanap tayo" hinawakan ni Giro ang remote ng TV at binuksan iyon, "Nandito tayo sa harap ng paaralan ng Ct. Claire's Academy, kung saan sinasabing naglalagi ang mga HEROIC sa mundo, nakita ang ilang mag-aaral dito sa isang security camera sa isang restaurant na talaga namang nagte-trending sa mundo na ito" isa nga iyon sa mga student nila pero hindi niya alam n HEROIC ang isang iyon, "May mali" nagulat siya kay Ayanna na biglang sumulpot sa likod niya, "Last month kasama pa siya ng kaklase ko sa mall, nawala siya for 3 days then after that lagi siyang tulala" napa-isip din si Giro, "Kung tama ako iniisip mo na galing din sila sa lugar na iyon" tinignan ni Aya ito at lumakad, "Maari" tinignan ni Giro si Mark, "Magpatawag ka nga meeting, we need to answer that issue" nilingon ni Giro si Aya, "Salamat" pero naglaho sa harap niya ito.

"Ate Thea ang laki ng gym dito noh" ngumiti si Thea kay Saphire, "Kamusta ang klase niyo" biglang huminto si Saphire at Via, "May weird sa room, si Jerry pinaglalaruan niya yung metal sa upuan namin, si Hannah naman pinaglalaruan yung halaman sa botany class namin, pinatay niya" wika ni Saphire, "HEROIC din sila" wika ni Thea. "Alam mo Ate parang ang daming tulad natin sa school na ito, kahit yung boyband na U-Gen" wika ni Glen, "Kahit gwapo sila t sikat, hindi ko feel ang pagpapanggap nila" natawa si Thea at nakita si Mark na may kasamang babae at naglalakad ang dalawa, nagtatawanan pa, sa sobrang isip niya na kung sino iyon, ay natisod siya at natapilok. Napahinto si Mark at ng makita siya, "Althea, ayos ka lang ba" napaupo si Thea sa lapag at inalalayan siya nila Saphire sa gilid ng hallway. "A-aahhh" inalalayan siya ni Mark, "Akin na titignan ko" pero inialis niya ang kamay ng binata sa paa niya, "Kaya ko sarili ko, may naghihintay sayo" tinignan nito ng babae, "Talaga okay ka lang?" tumungo lang si Thea, "Oo nga di ba!" pagsusungit niya sa binata, nangingiti naman sila Via, umalis naman si Mark, "Ate Thea, selos ka noh" pinukol ni Thea ng masamang tingin si Saphire, "Anu pinagsasabi mo?! Tulungan nio kaya akong tumayo" ngumiti ang dalawa at tinulungan si Thea na makatayo. 

HEROIC (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon