Kinakabahan si Cianna pero napatingin siya kay Aya ningitian siya nito at tumungo, doon siya nagkaroon ng lakas. Nadinig niya si Giro sa isip niya "Kaya mo yan nak, magtiwala ka lang sa kakayahan mo" tumungo si Cianna at lumapit sa kalaban, malaking lalaki iyon na puno ulit ng mga sandata, napalunok si Cianna at gusto na niyang maiyak. "Pupulbusin kita" inilabas niya ang isang cellphone laman kaya tumawa ng tumawa ang kalaban niya, "Matatalo mo kapag nagvideo games ka bata" tumalon iyon at umilag si Cianna sa atake na ginawa nito. "Nakailag ka na Bessie" sigaw ni Aubrey. "Loko kang bata ka" nagulat ang mga tao ng makita na may sugat na ang lalaki, "To be honest nakakatakot ka" wika ni Cianna, "Naisip ko, wala ka din namang utak" ang cellphone ni Cianna isa ng controller, at kinontrol niya ang mga sandata nito. "Medyo madali lang pala" pimindot si Cianna sa controller niya at binaril ng lalaki ang sarili, napasigaw ang mga tao kasi natakot sila kay Cianna, "Nakakatakot siya" wika ng mga ito, "By the way nakuha ko na din ang lahat ng cellphone dito" napasigaw ang mga tao at binitawan ang kani-kanilang cellphone, "At ngayon ikaw naman tatang sabi mo di ba pupulbusin mo ako" napa-iling ang lalaki at umatras, "Tama na suko na ako!" ngumiti si Cianna "Okay mabilis naman akong kausap" lumakad na si Cianna "Ang nanalo si Cianna" napabuga ng hangin si Ayanna. "Utak ang ginamit niya tinakot niya ang kalaban niya para hindi na siya lumaban pa ng ganung katagal" wika ni Giro. "Seryoso ba siya ate na nakuha na niyang kontrolin ang lahat ng cellphone dito" pagtatanong ni Thea, "Of course di ba yun ang powers niya" ngumiti si Aya sa kapatid napalunok si Thea, "It means" "It means matagal na tayong nababantayan ni Cianna hindi lang niya iyon pinakikita" nangiti si Aya at nakaramdam ng paghanga sa improvement na pinakita nito sa kanila.
"Susunod na laban" inabangan nila ang lalabas sa monitor na draw ng players. "Si Aldrin at Luka" tumalon si Aldrin papasok ng stage at nakangiting nilapitan ang makakatapat. "Kamusta po" bati pa niya dito, hindi siya pinansin ng lalaki at inilabas nito ang itim na samurai, "Oooohhhh scary one" namamangha pa si Aldrin sa ginawa ng katunggali. "Aldrin paano mo lalabanan ang isang kayang tapatan ang bilis at lakas mo" wika sa isip ni Giro, "Si Luka ang pinuno ng koponang Octa Nova" wika ni Aya, "Mahihirapan siya sa round na ito tingin ko hindi natin masusukat kung sino ang mananalo at matatalo" wika ni Hiro. "Ikaapat na laban simulang na!" tumakbo si Aldrin at inilagan ang sipa nito, tinignan niya kung tatalab ang isang punyan kaya pinukol niya iyon dito kaso mabilis nitong nasalag iyon. Huminto si Aldrin, "Sa tingin ko hindi ako mananalo if ganito lang" inilabas niya ang isang mahabang scroll at gumuhit. "Tuturuan kita kung paano, kalabanin ang sarili mo" nanlaki ang mata ni Luka ng makita ang sarili, na lumalabas sa scroll. "Anu?!" nagulat si Luka ng makita ang makakalaban. Ngumiti si Aldrin at tumakbo ang kaniyang nilikha at dalawa silang sinigod si Luka at tumalon ang lalaki papalayo sa kanila. Hingal na hingal iyon at nakatingin na maigi sa kanila, "Ang galing" wika ni Via at muling sumugod si Aldrin at ang drawing na Luka. Pero mabilis ang kalaban niya at madalas nakakailag sa mga pag-atake nila. "Asar" gumuhit muli si Aldrin ngayon isang dragon na ang ginuhit niya at bumuga iyon ng apoy. Nagsigawan ang mga tao sa galing ng ginawa ni Aldrin at pagkamangha sa kakayahan niya. Ngumisi si Luka at lumuhod, "Ano ba akala niyo sa grupo namin kayo lang ang mga may dugong HEROIC" napalunok si Aldrin alam na niya ang gustong ipahayag ng kalaban. Itinusok nito ang espada sa lapag at sa pag-angat ang espada nito ay naging katulad ng ring na tinatapakan nila. "Great" wika ni Ashton, "Ngayon masasabi kong maganda ang laban na ito" wika ni Mark. Umilag siya sa mga wasiwas nito dahil ang bawat wasiwas nito may mga lumalabas na mga bato. "Huh" ngumisi si Aldrin at tumigil sa pag-iwas, "Nakalimutan mo ata, hindi ako ang kalaban mo dito" tumalon si Aldrin at sumakay sa dragon at napatigil si Luka kasi nasaksak na siya ng Luka na gawa ni Aldrin. "Sabi ko sayo di ba ang gawa ko ay ang kopya mo kaya kung anu ang kakayahan mo yun din ang kakayahan niya" lumakad si Aldrin at umupo sa lapag, "TUBEG!!!!!" sigaw niya at binigyan siya ni Quinnie ng tubig.
"Dito natin malalaman sa susunod na laban kung mananalo na ang team Abzydy" tinignan ni Aya si Giro na nakatingin sa monitor, tinignan siya nito at tumungo. Sa totoo lang si Giro ang nagmamanage ng susunod na lalaban. "Via" wika ni Cianna,bumuntong hininga si Via at umakyat sa stage. Kinakabahan si Aya sa nangyayari, tumayo siya at lumabas sa kanilang lugar. "Aya!" tawag ni Giro dito, nilapitan niya ito at halata ang pag-aalala nito sa kaniya. "Alam ko kung na saan sila" ngumiti si Aya, "Pero" nawala ang mga ngiti sa labi ni Aya, "Hindi natin ito mapupuntahan dahil nasa dimension siya sa pagitan ng teleportation at ng ating mundo" hinawakan ni Aya ang mga kamay ni Giro at yumuko. "May tiwala ako kay Via" tinignan siya ng binata at ang ngumiti, "Ako din naman".
"Kainis" wika ni Via habang nakalutang sa dimension na ginawa niya, "Anu ba gagawin ko?" tumingin siya sa paligid. "Makakabalik pa kaya si Via?" tanong ni Maggie kila Saphire, "Makakabalik siya" wika ni Aubrey, nilingon nila Hannah ito, "Kung maiisip niya kung paano siya makakabalik" napayuko si Saphire, hinawakan ni Sophia ang balikat nito at nagwika ng, "May tiwala ako kay Via, makakabalik siya," ngumiti si Saphire at tumingin sa ring, "Kapag sa loob ng 5 minuto ay wala pa din ang kahit isa sa kanila pareho silang matatalo sa laban nila" wika ng commentator. Inisnab ni Thea ang commentator, "Kapag sa 5 minuto dumadaldal ka pa din piprituhin kita" natakot ang commentator kay Thea at medyo umatras ito malayo sa magkakapatid, "E, nagtatrabaho lang ako" natawa si Aki, "Ikaw talaga, nagbibiro lang siya" lahat sila ay nakatingin sa timer na nakapaskil sa monitor. "Ikaw!" napalingon si Via sa nagsalita, "Ibalik mo ako sa arena" tinignan niya ang kalaban at tumayo, "Hi-hindi ko alam pabalik, Patawad" napagitla ito at inilabas ang patalim niya, "Kung ganun dito na kita tatapusin" napa-atras si Via at inilabas ang kaniyang sandata, ng bigla siyang mawala sa harap ng kalaban niya, "Anu?!" napatayo sa upuan niya si Aya, "Si VIA!" sigaw ni Jerome, "Girls si Via!!!" napangiti ang lahat ng makita siya, "Ayos!" sigaw ni Maggie at Glen, "At nakabalik si Via ng Team Abzydy sa ring isa lang ang ibig sabihin nito, ang nanalo sa round na ito ay ang Abzydy" nagsigawan ang mga tao.
"Mama Aya!" niyakap ng mga bata si Ay, "Congrats next namang lalaban ang Rapzydy" wika niya sa mga ito, "Sana walang matalo sa amin para mabilis matapos lahat ng laban" wika ni Aubrey, tinignan ni Aya si Saphire at tinawag ito. "Mama Aya bakit po?" kinausap niya ito malayo sa mga ka-team niya, "Gusto kong tanggalin mo yan" tinignan ni Aya ang gloves ng bata, umatras ito at tinignan ang mga kaibigan, "Matagal mo na ding hindi sinusubukan muli ang kakayahan mo" yumuko si Saphire, "Huwag kang matakot, nanonood ako at si Daddy Giro niyo" bumuntong hininga ang bata at tinignan si Aya, "Natatakot ako sa maari kong magawa sa kanila" tinignan ni Aya ang mga kaibigan niya, "Alam mo maiintindihan ka nila if magkamali ka at masaktan mo sila, dapat ikaw mismo sa sarili mo ang makakontrol sa kakayanan mo hindi ang ibang tao ang mag-aadjust sa kung anu meron ka" tumingin sa baba si Saphire, hinawakan ni Aya ito sa balikat at ningitian, "Isa pa may tiwala kami sayo" ngumiti din si Saphire at niyakap si Aya, "Salamat Mama Aya" ngumiti si Aya at bumalik sila sa mga kasamahan nito. "Anu pinag-usapan niyo?" usisa ni Maggie kay Saphire, nangiti lang siya sa kaibigan at tinignan si Aubrey, alam niya kasing alam nito ang pinag-usapan nila ni Aya.
"Ngayon sa Arena B na tayo dadako ng laban!" nagsigawan ang tao at bumalik si Aya sa pwesto niya kasama sila Hiro. "Ang unang laban sa Arena B" nakatingin muli sila sa monitor, "Saphire ng Rapzydy at si Toshi ng Team Alubka" napalunok si Aya at Aki, "Patay mukhang hindi siya pagbibigyan ng kalaban niya" wika ni Thea, "May tiwala ako kay Spahire" wika ni Hiro, tinignan ni Aya si Saphire na unti-unting hinuhubad ang gloves niya, "Seryoso si Saphire" wika ni Via hindi kumibo sila Aubrey, "Kaya na niya bang kontrolin ang kakayahan niya" pagtatanong ni Cianna, "Hindi ko alam" wika ni Aubrey, "Sa tingin ko hindi pa" wika ni Glen.
Umatras si Saphire ng muntikan na siyang masaksak ng kalaban niya, "Aba may ibubuga ka din naman pala sa pag-ilag" umatras si Saphire at inilabas ang sandata. "Isa lang" wika ni Saphire sa sarili, "Anu binubulong bulong mo bata?" huminga ng malalim si Spahire, "Tama ba ako ng iniisip, hindi ka katulad nila, wala kang HEROIC ability" natatawang wika ng kaniyang katunggali. Yumuko si Saphire at pinagtawanan siya ng mga tao "Loko tong mga ito hah!" wika ni Clay, "Hayaan mo sila" wika ni Sophia, "Tama ka hindi ako tulad nila, hindi ako kasing galing nila Mama Aya o kasing lakas ni Kuya Aki, pero isa lang ang alam ko" ngumiti si Aya, "Lahat kami takot sa kakayahan ni Saphire" napatingin ang lahat ng tao kila Aya at tinignan si Saphire. "Talaga e bakit parang wala namang nakakata-" natigilan ang lalaki sapagkat nahawakan siya ni Saphire sa braso, "Ang kakayahan niya ay higupin ang lakas ng kaniyang katunggali ang masaklap nito kapag HEROIC nagiging normal na tao lamang kami pero kapag normal na tao" tumigil sa pagsasalita si Hiro, "Anu mangyayari" tanong ng commentator sa kanila, "Well hindi pa namin alam" nasapo ng mga tao ang ulo nila, at napatigin kay Toshi na sumisigaw. "Ang totoo sa normal sa tao, nahihigop ko ang kanilang lakas hanggang sa wala ng matira sa kanila" unti-unting natutuyot ang katawan nito at pumapayat maski ang boses nito ay unti-unting nawawala, natahimik ang buong dome. "Parang gusto ko na ang mga batang ito" wika ng commentator at mabilis na nagsigawan ang mga tao.
BINABASA MO ANG
HEROIC (Book 2)
PertualanganTaong 2016, ito ang panahon ng mga makabagong nation kung saan ang mga halimaw, lumilipad na tao, naglalakihang golem ay alamat n lamang, kung saan ang mga bayan na minsan ay tinawag na Walton, Boros, Moros, Aeros, Chaos atbp ay pawang kwentong baya...