Niyakap ni Giro si Aya, "Mahal mo pa rin ba ako?" nilingon niya ang katipan. "Walang magbabago sa nararamdaman ko Aya" humarap rito ang dalaga, "Hindi na ako sing linis na tulad ng naiisip mo" tumulo ang mga luha muli nito, pinahiran ito ng binata. "Wala akong pake sa kung anu ka, ang alam ko yung nararamdaman ko Aya, mahal kita dahil ikaw si Aya at hindi dahil sa kung anu ang meron ka" ngumiti si Aya at naglapit ang kanilang mga labi. Sinara ni Thea ang pinto at dahan dahang lumayo sa silid ng dalawa. "Confirmed na talaga" wika ni Sam, "Tomo sila na talaga" wika ni Maureen. "Bagay naman sila" wika ni Rinowa. "Boto ka ba Thea?" tanong ni Sophia dito na napatigil sa paglakad, nakita nito si Mark na kahalikan si Shela, "O my" bulalas si Maureen. "Aalis na ako" "Th-Thea" aawatin sana nila Sam ito. Sinundan ni Thunder ito kaya napalingon si Sam dito.
Umiiyak si Thea ng salubungin siya ni Thunder napayakap siya sa binata sa sobrang sakit kasi ng nararamdaman niya yakap na ang hinanap niya, sakto naman na padaan si Mark at Shela noon, "Uy, look Babe sila na pala" napatingin si Mark sa dalawa at bahagyang naningkit ang mga mata niya. Nilapitan niya ang mga ito, "Anu meron dito?" hindi sumagot si Thea si Thunder ang sumagot, "Wala ka ng paki-alam dito pare" hinila ni Mark si Thea at nakita ang mga luha nito. "Anu ba?!" muling hinila ni Thunder ito at yumakap ang dalaga muli rito. "Nasasaktan mo siya pare, hindi mo ba nararamdaman yun?" kumunot lamang ang noo niya at muling lumakad. Naiinis na sinara ni Mark ang pintuan ng silid niya, hindi niya matanggap ang mga nakita niya, humiga siya sa kama niya at iniisip ang nakita kanina, "Sila na ba?" tanong niya sa sarili niya, "Malay ko?" tinignan niya ang mga guardian na naglalaro sa study table niya. "Hindi mo pa rin ba sinasabi sa kaniya" wika ni Leo na guardian ni Aki, "Hindi wala naman kasi din siyang sasabihin sa akin" nilapitan siya ni Pearl ang guardian ni Riyuna, "Alam mo ang mga babae hindi yan magsasabi ng nararamdaman nila kasi against the rule of being a fine woman yun" tinignan niya si Ninny na gumulong sa sobrang pagpapaikot sa maliit na wheel barrel sa table niya, "Bakit ba nandito kayo?" ngumiti ang mga ito, "Ikaw ang duty ngayon sa pag-aalaga sa amin remember" wika ni Shadow na guardian niya. Nakita niya si Shock na guardian ni Thea na naka-upo sa sulok, "Bakit Shock?" humarap iyon sa kaniya at humini, "Malungkot daw si Thea kasi nakita ka tinutuka mo si Shela" napatingin si Leo kay Shock, "Tinutuka talaga Shock" tumungo-tungo iyon, "Si Shela kasi bigla akong hinalikan" lumapit sa kaniya si Flora, isang maliit na fairy iyon at guardian siya ni Thunder, "Kaya siya kinomfort ni Thunder-kun" galit ang tono nito pero sa cute ng boses nito ay nangiti na lamang siya. "Haaaayyyyy, alam ko naman e" sinusubsob niya ang ulo sa unan at kinuha ang cellphone. Umupo siya at lumabas muli ng silid, pinuntahan niya si Thea na nakatayo sa rooftop, niyakap niya ito at tinignan siya nito at tinulak. "Sorry na, si Shela kasi siya yung nauna" hindi kumibo si Thea at umupo sa gilid ng gusali. "Sorry" isinandal ni Mark ang ulo sa balikat nito. "Bakit kasi hindi mo pa sabihin sa kaniya" hinawakan niya ang kamay nito at hinagkan. "Gusto kong siya na lamang ang makatuklas" umisnab si Thea at tumingin sa kalayuan. "Mark, naka-" napagitla siya ng iharap nito ang mukha sa kaniya at hagkan ang kaniyang mga labi. Ito nga ang unang pagkakataon na gawin nila iyon. "Sorry, after all she already knows" napatingin si Thea sa kabilang building nandoon si Shela at nakatulalang nakatingin sa kanila. "Mark" tinignan niya si Shela, "See nasasaktan ka to see na nasasaktan ang iba" tinignan niya si Mark at sumimangot. "Thea, I swear to your Ate Aya, ako ang magiging protector mo at ultimate saviour mo, to see you na nasasaktan ang hindi ko kayang gawin okay" ngumiti si Thea at niyakap ito.
Habang sa labas ng wall city. Hindi nila namamalayan ang mga videos na nagba-viral ngayon na gawa ng mga netizens patungkol kung saan nagmula ang mga HEROIC. "Saan nga ba sila nanggaling nagmula?" wika ng reporters na nasa harap ng St. Claires. "Alam mo naiirita na ako sa kanila" wika ni Aki na nakatayo sa taas ng isang gusali ng paaralan nila kasama si Ashton at Giro. "Hindi sila titigil Kuya Giro" wika ni Ashton, "Pwes patitigilin natin sila" tumalon si Giro kaya sumunod ang dalawa. "Kuya Giro see this" pinakita ni Sophia ang video na dinawn load sa isang website si Ayanna iyon pinagkakaguluhan ito habang namimili sa isang palengke at mabilis na nakatakas sa pamamagitan ng paghigop nito ng lupa. "Hindi talaga sila titigil" wika ni Hiro. "Grabe" napalingon sila kay Aya na binagsak sa sofa ang biniling mga prutas. Kung tutuusin kaya naman nilang burahin muli ang ala-ala ng mga tao pero si Aya ang pumigil sa kanila ito na daw kasi ang kalooban sa kanila ng Diyos ang makilala sila ng mga tao at asahan ng mga tao. Umupo sa tabi niya si Giro pero tinulak ni Thea ito at umupo sa pagitan nila para yumakap sa ate niya. "Anu ba pede nating gawin para tumigil sila?" pagtatanong ni Mark sa kanila. "Nahihirapan natin ang UGen sa sitwasyon nila. Kahit ang lumabas sa kanilang mga condo unit hindi nila magawa" wika ni Hailey. "Namimiss mo lang e" pang-aasar ni Ashton sa kapatid, siniko naman siya nito at tinignan ng masama kaya tumigil siya. "May solusyon ako" tinignan nila si Hiro at Aki.
BINABASA MO ANG
HEROIC (Book 2)
AdventureTaong 2016, ito ang panahon ng mga makabagong nation kung saan ang mga halimaw, lumilipad na tao, naglalakihang golem ay alamat n lamang, kung saan ang mga bayan na minsan ay tinawag na Walton, Boros, Moros, Aeros, Chaos atbp ay pawang kwentong baya...