Naglalakad sa isang eskenita si Aya kasunod si Thea at Aki ng makita nila ang ilang grupo ng mga kabataan na panay ang murahan. "Inaagahan niya siguro yan" wika ni Aya kaya tumawa ng malakas si Thea, "Ay! T**** **A may epal" wika ng isang dalagitang babae, "Teka iisa lang ako" kinukurot ni Aya si Thea sa tagiliran, biglang nag-apoy ang buhok ng dalagita, nagsigawan ang mga iyon, at itong si Thea ay umiral ang pagiging maldita at binuhusan ng coke ang bata sa ulo. Nawala naman ang apoy, "Ay sorry epal ko na naman" napatigil ang mga bata, pero ang mga kasamang lalaki nito na halos kasing edad nila Sophia ay lumapit, "Oo epal ka te, may problema ka" doon lumapit si Aki at Aya kay Thea, "Tara na" pagpupumilit ni Aya dito na lumayo sa mga taong iyon. "Meron yang mga bibig niyo hindi ba kayo pinakakain ng magulang niyo ng mahal at puro mura ang lumalabas diyan" natigil ang mga bata at lumapit kay Thea, bahagyang tinulak ang balikat ni Thea, "Problema mo kung magmura kami sino ka ba?" tinignan ni Thea ito ng seryoso, "Kami lang naman-" tinakpan ni Aya ang bibig nito at kinaladkad papalayo sa mga ito. "Tama na Thea" pero yung mga kabataan pupukulin sila ng bato, napatigil ang lahat sa pagtigil ng mga bato at bumalik ang mga iyon sa kanila, "Mangkukulam!" sigaw ng mga ito, "Whose talking idiots" at bumalik ang mga bato sa mga ito at nagsitakbuhan ang mga iyon. "Tama na daw e ikaw nang-agaw ng eksena" ngumiti si Aya, "Nakakapika e mga mukhang libag naman", natawa ng malakas si Aki.
"Ang laki ng kaibahan ng mundong ito sa pinuntahan natin" wika ni Maggie, nakidungaw mula sa 2nd floor sila Saphire. "Ang sariwa ng hangin dun tsaka ang lamig noh", tumungo sila sa sinabi ni Aubrey. Kinalabit ni Glen si Aubrey, "Look oh may flowers na naman si Mama Aya" nanlaki ang mga mata nila sa sobrang kilig, nagkatinginan sila at nagsitakbuhan papunta sa computer laboratory. "Mama!" napalingon si Aya, habang nagsusulat siya sa whiteboard. "Bakit?" lumapit sa table sila Via at nakapatong doon ang isang bouquet ng white roses, habang kinakausap nila Saphire si Aya ay hinawakan ni Aubrey ang card, "Ahem?" tinignan nila si Aya at ngumiti. "Galing kay Kuya Giro?!" wika ni Aubrey, napaikot ang mata ni Aya at pumamewang, "For how many times do I have to tell you" "Yah hindi si Kuya Giro ang mga tipo mo" disappointed na wika ng mga ito. "Pero in fairness lagi ka pa rin niya pinadadalhan ng flowers kahit ilang beses na siyang busted" nangiti si Glen, "Ganda kasi ng ate ko" napatingin sila kay Thea na galing sa school nito sa isang university. "Huwag ka nga sissy" nilapag nito ang bag sa may lapag at umupo sa bangko. "E yung totoo anu ba talaga, kasi kagabi lang kausap mo siya kinikilig ka pa nga" nagsitawanan ang mga bata. "Hindi kaya" lumakad si Aya papunta sa table at kumuha ng pera sa wallet niya, "Umuwi ka na kaya at mamalangke ka ng ulam mamaya" ngumiti si Thea at kinindatan sila Glen sa pag-harap niya sa mga ito. "Ay naku, papasok na din kami, ayaw kasi umamin ng isa diyan" wika ni Maggie, nakikitawa sila Saphire at kinawayan ang mga ito. Kinuha niya ang cellphone niya at binasa ang text message doon, si Giro iyon at kinakamusta siya, pero hindi niya sinagot ang text nito. At isinubsob ang mukha sa table bago siya magtype ng lesson niya. "Haaayyyy.." buntong hininga ni Aya at kinuha muli ang cellphone, "Nakuha ko na thanks" nanlaki mata niya ng makita niyang sending na iyon, 'Ahhhhh mali mali delete delete!!!" nakikipagtalo siya sa CP niya at natigil ng pumasok ang student niya, napatigil din iyon, "Sorry Cher," lumabas iyon at bumalik si Aya sa pakikipagtalo sa Cp niya, "Baliw ka bakit mo sinend" isinandal niya ang likod sa bangkuan ng maramdaman niya ang pag-vibrate ng CP niya, "Great to know you've like it" ipinasok niya ang CP sa bag at nasapo ang ulo. "Hindi siya para sayo" wika niya sa sarili sabay subo ng stick-o sa bibig.
Nasa mall si Aki ng mapanood niya ang balita patungkol sa paglusob ng Dark Lord sa bansang Russia, "Wow, is that real?" nilingon niya ang nagsalita, "Natalie?" ngumiti ito at tinignan siya. "Hi" tumingin sa paligid si Aki, "Hi" ginantihan niya ang ngiti ito at lumakad, "San ka pupunta?" tinignan niya muli ito. "May bibilin lang akong ingredients" tumungo si Natalie at sinundan ito ng tingin, nilapitan niya ito. "Pede sumama, nabobore kasi ako sa hotel na tinutulyan namin" tumungo lang si Aki at lumakad.
BINABASA MO ANG
HEROIC (Book 2)
AdventureTaong 2016, ito ang panahon ng mga makabagong nation kung saan ang mga halimaw, lumilipad na tao, naglalakihang golem ay alamat n lamang, kung saan ang mga bayan na minsan ay tinawag na Walton, Boros, Moros, Aeros, Chaos atbp ay pawang kwentong baya...
