#1 Dear Wes

249 10 3
                                    

Dear Wes,

Ang close-close niyo ni Ella. Kayo na ba? Sorry, curious lang naman. Tsaka alam ko namang hindi mo 'to mababasa. Sa dami mong natatanggap na letters e.

Sobrang sikat mo, pati address mo, alam na halos ng lahat ng fans mo. Ang dami mo sigurong natatanggap na mga padala sa bahay mo, 'no?

Siya nga pala, hindi kita crush dahil sa itsura mo. Aaminin ko, gwapo ka, pero hindi kita type. Nakuha mo lang talaga ang atensyon ko dahil matalino ka. Natutuwa rin ako dahil kaya mong ipagtanggol ang sarili mo o ang ibang mga naaapi sa kahit na sino. Kahit teachers mo pa sila o mga kaklase. Paano mo nagagawa 'yun? Paano ka nagkakaro'n ng ganu'ng karaming guts?

Love,
Secret Admirer

PS: Kung sakaling sasagot ka rito, kung sakali lang naman, pasensya na pero 'di ako naglagay ng return address. Pero may kaibigan naman ako sa post office na malapit sa campus. Pangalan niya, Kass. 4PM-9PM shift niya.

After 100 Letters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon