Dear Curious kong Pineapple,
Bakit hug lang? Wala bang kiss na kasama?
Pareho lang ng rason ng ibang mga naging dentista na 'yung rason ko kung bakit ko gustong maging dentista. Kasi gusto kong ma-witness 'tong mundo nating mapuno ng ngiti. Gusto ko lahat ng tao, proud sa mga ngipin nila para wala silang kailangang itago kapag ngumingiti o tumatawa sila. Para hindi nila itago ang ligaya nila. Clichè ba?
Hindi ko pa pala alam ang kurso mo, 'no? Ano nga ba?
Love,
Wes mong may malaking pangarap