Dear Wes,
Yes! Tapos na ang paghihirap ko. And guess what, matataas ang grado ko! Ikaw ba? Nabawas-bawasan na rin ang iintindihin ko ngayong bakasyon. Ikaw, mag-a-out of town ba ulit kayo? Sama mo naman ako! Joke lang! Musta na pala si Ella? Hindi mo na siya nababanggit sa mga kwento mo ah? Hindi mo pa nake-kwento ang tungkol sa nanay mo. Magaling na ba siya sa sakit niya? I hope so! Regards sa kaniya.
Magke-kwento ako tungkol sa family ko. Si Papa, tricycle driver. He's a simple father. He depends on my mom often. I guess ganu'n yata talaga ang ibang mga tatay sa mundo. Under sa kanilang mga asawa. Hindi man niya kami palaging kinakausap, dama pa rin namin ang pagmamahal niya. Laging siya ang nagluluto. Hindi kasi marunong si Mama. Si Mama naman, tutor kaya palagi lang siyang nasa bahay. May dalawa akong kapatid. 'Yung isa fifteen na, 'yung isa naman, ten. Both are boys. Ang kukulit! Pero thankful ako kasi kahit makulit sila, iniintindi nila ang sitwasyon ng pamilya namin kaya hindi sila nanghihingi ng mga bagay na hindi nila kailangan. Simple lang naman pamilya ko. 'Yung sa'yo ba?
Love,
Pineapple