#68 Coffee maker

71 5 0
                                    

Dear Wes,

Yes sir, kakain na nga nang marami e. Pero hindi mo na 'ko kailangan awayin para gawin ko 'yun! Willing ako. 

Hindi naman halatang excited kang makilala na ako. Office girl lang. Taga-bigay ng kape, mga supply ng papel, ballpen. Mga ganu'n lang na trabaho. Guess what! Tanggap ako! Together with another girl named Fall. Alam mo ba ang cute niya? Akala ko nu'ng una, tiboom, kung kumilos kasi ang angas. Turns out, may boyfriend pala. Ang chill niya lang kasama, hindi ka mamomroblema. Tapos prangka. Ang dami na naming napagkwentuhan habang hinihintay namin ang turn namin sa interview. Buti na lang pareho kaming tanggap! 

Kaso, hindi ko pa siya makakasama sa ngayon. Sa mismong pasukan kasi kami magsisimula. Kaya ayun, stuck pa rin ako sa post office na 'to, kainis. Ikaw, anong balita sa'yo?

Love,
Your Pineapple

After 100 Letters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon