Dear Wes,
Hala, late ko nang nabasa letter mo. Siguro wala ka nang sipon ngayon. Pero kahit na. Get well soon pa rin. 'Yung tungkol kay Kass, oo, sa UST din siya nag-aaral. Hindi ko ba nabanggit sa'yo? Sorry naman!
Again, hindi ko ulit alam ang sagot diyan. E kung tinatanong mo ako tungkol sa acads, edi sana nasasagot ko mga tanong mo! Pero, kung ako ang nasa posisyon mo, hindi ko aaminin. Kung alam ko namang wala na talaga akong chance, bakit pa ako magbubulagbalagan at aasa? Kailangan ko na lang tanggapin kahit pa hindi ko na aminin. Ewan ko na lang sa'yo. Pero ang tanga mo nga. Hindi ko in-imagine.
Ano mga natanggap mong regalo nu'ng Pasko at Bagong Taon? Bakit hindi mo ako inuwian ng camel?
Love,
Pineapple