Dear Pineapple,
Sa sobrang late ng sagot mo, naamin ko na sa kaniya. Lintek, napaka-helpful mo ah? Pero ayos lang, inamin ko na sa kaniya, at katulad nga ng inaasahan ko, ni-reject na niya ako. Pagmu-move on na lang ang kailangan kong gawin. Ganito 'yung eksena namin nu'ng isang araw.
Nagbabasa siya ng libro ni Shakespeare sa bahay namin, habang nakikinig sa music. Bigla kong tinanggal sa tenga niya 'yung earphones niya. As usual, tinignan niya lang ako nang masama at tinanong kung anong problema ko.
"Ella, gusto kita. Matagal na. Simula pa lang nu'ng sinungitan mo ako sa tindahan ni Ate Mich. Nakuha mo na agad ang atensyon ko."
Ganiyan talaga pagkakasabi ko, minemorize ko kaya 'yun. Edi nagulat siya nu'ng una. Pero maya-maya, nginitian niya ako. Sabi niya, "Bakit ang manhid ko? Sinabihan na ako ni Clea na may gusto ka sa'kin pero hindi ako nakinig."
Si Clea, 'yun 'yung kaibigan niya galing sa Ateneo. Na-meet ko na 'yun isang beses pa lang. Edi nanahimik lang ako. Hindi ko na alam sasabihin ko e. Tapos sabi niya ulit, "Hindi ko tuloy alam kung anong naramdaman ni Kyle para sa'kin bago siya umalis."
Si Kyle, 'yun naman 'yung first love niya. Nainis ako sa sinabi niya. Kaya sabi ko, "Kyle na naman? 'Di ba pwedeng Wes muna?"
Natawa siya sa sinabi ko. "Wes, kaibigan kita. At kung nu'ng una pa lang ay wala na akong naramdaman para sa'yo, what more sa future? We're best friends, ayokong masira 'yun."
Saklap 'di ba? Best friendzoned. Pero, okay na rin. Maayos pa rin kami ngayon. Nag-aasaran na lang kami tungkol sa pag-amin ko. Inaasar ko rin siyang may mas maganda naman sa kaniya kaya mabilis lang ako magmove on. Pero kahit ganu'n, masakit pa rin pala. Ewan. Gusto ko siyang yakapin nang sobrang higpit pero hindi pwede.
Regalo? Wala, puro halik at yakap lang. Cheap mga kamag-anak ko e. Although, marami naman kaming kinaing prutas. Kabilang na ro'n ang pinya. Naalala nga kita e. Saka na camel mo. Ipapasyal pa kita sa Dubai.
Love,
Wes The Broken Guy