Dear Wes,
'Yung totoo? Bakit ang bilis ng panahon? Grabe, magpapasukan na naman. Ayoko na! Alam mo ba nu'ng Pasko, kaunti na lang 'yung natikman kong handa nu'ng umuwi ako? Anong klaseng diskriminasyon ang nagaganap sa pamilya namin?! Kaya ayon, sobra lungkot ko nagpunta akong McDo tapos kumain mag-isa. Syempre happy meal 'yon! Para may laruan ako at para happy ako.
Hay, sorry ang hyper ko yata ngayon. Ganiyan lang talaga ako kapag nalulungkot or nababagot. Ang tagal niyo namang bumalik! Wala akong makakwentuhan!
Love,
Pineapple