#7 Nangopya

137 10 1
                                    

Dear Wes,

Wes, okay lang ba kung magbabahagi ako sa'yo ng hinanaing? Naiiyak na ako at wala akong makausap. Nagagalit ako. Sinaksak ako ng isang matalik kong kaibigan sa likod ko. Pinagbintangan niya akong nangongopya sa kaniya nu'ng 100-item-quiz namin pero alam naming parehong hindi totoo 'yun. Pinapatawag ang mga magulang ko sa office bukas. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakakainis! Pakiramdam ko tuloy lahat ng kaibigan ko, ganito rin ang gagawin sa'kin. Nawawalan na ako ng tiwala.

Orange favorite color ko.

Love,
Ang Sarap Niyang Patayin

After 100 Letters Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon