Dear Pineapple ko,
Mabait naman talaga ako, hindi lang halata. Nga pala, naalala mo 'yung usapan natin noon tungkol sa wishbone? Kumain kami ng manok ng nanay ko kahapon. Tapos pinakita niya sa'kin 'yung wishbone. Edi kumapit ako sa isang side, du'n naman siya sa kabila. Humiling kami tapos sabay naming hinila 'yung magkabilang parte. Ako nanalo. Gusto kong magkatotoo 'yung hiniling ko, kaya hindi ko pwedeng sabihin sa'yo kung ano 'yun.
Du'n sa tanong mo, anong gusto kong gawin kapag nagkita tayo? Gusto ko lang yakapin ka, makipagkwentuhan sa'yo. Gusto lang kitang titigan. I-absorb ka gamit ang mga mata ko. Tae, binabaliw mo talaga ako. Gusto na kitang makita at makilala.
Weirdo bang magkagusto sa isang taong hindi mo alam ang pangalan o itsura, pero alam mo ang ugali?
Love,
Your One and Only Wes