Dear Pineapple,
Naks, 48 letters and four months. Siguro kung pinaalam mo 'to sa ibang tao, dudumugin ka. Hindi ko talaga alam ba't sikat ako e. Gwapo ko kasi. Pero alam mo, natatawa na lang din ako minsan. Lahat na lang ba, i-a-idolize ng mga tao? Kahit yata asong nang-aamoy ng pwet ng ibang aso, i-a-idolize na rin e. Bakit kaya ganiyan na ang mentalidad ng mga Pilipino? Pero syempre, exemption ka. Hindi kita kino-consider bilang fan ko, o "the girl who has a huge crush on me", kasi hindi mo pinadama sa'kin 'yun. Du'n sa unang letter mo pa lang sa'kin, parang kaibigan lang ang turing mo sa'kin. Nagtanong ka ng personal na tanong, nagtanong ka kung bakit may lakas ako ng loob para depensahan ang mga naaapi. Kumpara sa letters ng iba na puro compliments, puro "crush kita!" Sa'yo lang 'yung may laman. Kaya siguro 'eto na tayo ngayon.
Bakit ako biglang nagnobela? 'Di ko rin nga alam e. Valentine's Day na kasi. Enjoy the day, Pineapple. Don't be too hard on yourself. Enjoy the little things. Magmakaawa kang mag-off ka, i-sumbat mong hindi ka naman na nag-off nu'ng Pasko. Tapos kain kayo sa labas ng family mo. Tapos punta ka sa bahay ni Kristine. Magkaibigan kayo, 'wag kang matakot magreach out. Ingat ka.
Love,
Wes