Dear Wes,
Sorry talaga ha? Promise, sa susunod, sasabihin ko sa'yo. Hay. Patawarin mo na ako ha? May ike-kwento pa naman ako, sige ka. Actually, marami. One month tayong 'di nag-usap e.
Gan'to kasi, as usual, sobrang busy sa campus saka sa work. Nadagdagan pa nga ako ng isa pang trabaho. Pero hindi naman siya mabigat, kasi nga may trabaho pa akong isa. I'm working as a cleaner sa bahay ni Kristine. Most of the time, tinutulungan niya pa ako. Basta, ang bait niya sa'kin! Ang laki pa ng sahod. Mayaman kasi sila. Ang bait niya talaga. Kaya ayun, medyo gumagaan ang pakiramdam ko dahil napapasyal ko na ang family ko minsan.
Maliban du'n, alam mo bang may nanliligaw sa'kin ngayon?
Love,
Pineapple