Dear Pen-enyahang Manok sa NorthWes,
Wow, mabait na anak siya oh. Totoo ba 'yan? Joke. Hay, Wes. Akalain mo 'yun, almost two weeks na rin tayong nagpapalitan ng mga mensahe. Hindi ko naman inakalang sasagot ka talaga. Grabe ka, ang unpredictable mo. Hindi ko inakalang makakausap ko 'yung hinahangaan ko. Famous ka kasi e.
At nga pala, nasa usapang manok na rin tayo. Naniniwala ka ba du'n sa sinasabi nilang wishbone theory? Kapag daw nakuha mo 'yung mas malaking parte, magkakatotoo 'yung wish mo. Pa'no kapag naputol sa mismong gitna? Pa'no kapag fair lang? Kaninong wish ang magkakatotoo?
Love,
Secret Admirer